21/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | NEVER AGAIN. NEVER FORGET!
Ngayong araw, ating gunitain ang Batas-Militar sa ika-54 na anibersaryo ng pagpapatupad noong ika-21 ng Setyembre 1972 at pagpapahayag sa publiko nito ng noo'y diktador na si Ferdinand Edralin Marcos ng ika-23 ng Setyembre. Isinailalim ang bansa sa buong lakas ng armas sa loob ng walong taon, mula 1972 hanggang Enero ng 1981, na naglugmok sa mga Pilipino sa karimlan habang nalulubalob sa bambang ng kanyang dumi at dugo.
"Huwag mong isisi sa gabi at araw, Ang paulit-ulit na salot at hikahos; Ang kasaysayan ay walang mga kamay, Tayo ang sa tanikala ay gumagapos."
54 taon na ang lumipas ngunit tila nalimutan na ang dahas ng Batas-Militar. Tama, hindi kasalanan ng kasaysayan na ito'y magbalik, dahil tayong mga tao ang may gustong ulitin ito.