Dakila - Jesus J. Soriano NHS

Dakila - Jesus J. Soriano NHS Ito ang opisyal na page ng DAKILA Club mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Jesus J. Soriano.

22/09/2026
๐๐ˆ๐†๐€๐˜-๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐Œ๐ ๐š ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐‰๐‰๐’๐๐‡๐’, ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ      JJSNHSโ€” Pormal na inilunsad ang Teachersโ€™ Day 2026 bilang pag...
07/09/2026

๐๐ˆ๐†๐€๐˜-๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“
๐Œ๐ ๐š ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐‰๐‰๐’๐๐‡๐’, ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ

JJSNHSโ€” Pormal na inilunsad ang Teachersโ€™ Day 2026 bilang pagbibigay-pugay at pagkilala sa mga g**ong humubog sa kaalaman, karakter, at kinabukasan ng mga mag-aaral.

Ginanap ang pagdiriwang ngayong umaga, Setyembre 7, 2026, sa Jesus J. Soriano National High School (JJSNHS).

โ€œRespeto sa mga g**o sa lahat ng pagkakataon, hindi lang tuwing Teachersโ€™ Day,โ€ saad ni Faculty President Tranquilino E. Velasco, Jr.

Ang programa ay pinangunahan ng mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan sa pamumuno ni Ayena Buyoc, SSLG President.

Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang pamimigay ng rosas at balloons bilang simpleng pagpapakita ng pasasalamat at pagpapahalaga sa mga g**o sa kanilang walang kupas na sakripisyo.

Kasunod nito, kinanta ni Marife Dayaganon, mag-aaral sa ika-12 baitang ang โ€œThe Journeyโ€. Ito handog na awitin para sa mga bayani ng silid-aralan.

Higit pa sa mga parangal at programa, ipinakita ng pagdiriwang na ang bawat g**ong patuloy na nagtuturo at gumagabay ay isang mahalagang haligi ng paaralan at ng lipunan.

โœ๏ธNina Rodes
๐Ÿ“ธDAKILA

๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐š๐ญ ๐€๐ฅ, ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š 2026 ๐ฌ๐š ๐‰๐‰๐’๐๐‡๐’๐—œ๐—ž๐—”-1 ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 2026 โ€” Nagkulay-Pilipino ang buon...
01/09/2026

๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐š๐ญ ๐€๐ฅ, ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š 2026 ๐ฌ๐š ๐‰๐‰๐’๐๐‡๐’

๐—œ๐—ž๐—”-1 ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 2026 โ€” Nagkulay-Pilipino ang buong Jesus J. Soriano National High School (JJSNHS) nang magsuot ng ibaโ€™t ibang kasuotang Pilipino ang mga g**o at mag-aaral bilang tampok na bahagi ng kulminasyon ng Buwan ng Wika 2026, na sinabayan ng natatanging Cultural Dance at aktibidad na โ€œPista sa Nayon.โ€

Isinagawa ang pagdiriwang sa ilalim ng temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ€ na naglalayong ipakita ang patuloy na kahalagahan ng wikang Filipino sa pananaliksik at paggamit ng makabagong teknolohiya.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa rin ang "Pista sa Nayon," isang aktibidad na nagbigay-daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang buhay at tradisyon sa isang pamayanang Pilipino.
Tampok sa gawain ang mga makukulay na
tela, kasuotan, palamuti, at iba pang elementong kumakatawan sa kulturang Pilipino. Naging daan ito upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain habang higit na nauunawaan ang kahalagahan ng mga tradisyong minana mula sa mga naunang salinlahi.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni ๐†๐ง๐ . ๐‘๐š๐ฅ๐ฉ ๐‘. ๐€๐ฅ๐š๐œ, ๐Š๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐ž๐ฒ๐ญ๐จ๐ซ ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ang mahalagang ugnayan ng wika, teknolohiya, at kultura sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ayon sa kanya, maaaring gamitin ang artificial
intelligence bilang kasangkapan sa pananaliksik at pagkuha ng impormasyon, subalit kailangang gamitin ito nang responsable at mapanuri.

Dagdag pa niya, hindi dapat maging kapalit ng sariling pag-iisip at pagkatuto ang teknolohiya. Sa halip, dapat itong gamitin upang mapalawak ang kaalaman at mapalalim ang pag-unawa sa mga paksang sinasaliksik.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, ipinakita ng JJSNHS na maaaring magsanib ang wika, kultura, at teknolohiya upang makabuo ng mas makabuluhang karanasan sa pagkatutoโ€”isang patunay na ang wikang Filipino ay patuloy na umaangkop sa makabagong panahon habang nananatiling tulay sa mayamang impormasyon at kulturang Pilipino.

๐Ÿ“ธDAKILA

๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€, ๐๐”๐Œ๐€๐๐ƒ๐„๐‘๐€Dalawang taon pa lamang sa publikasyon, nag-uwi ng apat na pagkilala.Matagumpay na nakiisa ang mga bagu...
17/08/2026

๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€, ๐๐”๐Œ๐€๐๐ƒ๐„๐‘๐€
Dalawang taon pa lamang sa publikasyon, nag-uwi ng apat na pagkilala.

Matagumpay na nakiisa ang mga baguhang mamamahayag ng DAKILA-Filipino, pamahayagang pangkampus ng Jesus J. Soriano National High School (JJSNHS), sa ginanap na Campus Journalism Academy Year 4 sa Crossing Bayabas National High School, noong Agosto 15,2026.

Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral na mamamahayag ng DAKILA matapos makamit ang mga sumusunod na pagkilala sa ibaโ€™t ibang larangan ng pamamahayag:

๐Ÿ… 4th Place โ€“ Ragel Angelo R. Truya
Pagsulat ng Agham at Teknolohiya

๐Ÿ… 6th Place โ€“ Aleah Faith Curib
Pagsulat ng Kolum

๐Ÿ… 6th Place โ€“ Mikylla Mari B. Matildo
Editorial Cartooning

๐Ÿ… 10th Place โ€“ Christa Lyn L. Lucas
Pagsulat ng Editoryal

Pagkilala rin sa mga manunulat na nagpakita ng kanilang determinasyon at galing:

โœ…Pagsulat ng Balita: Nina Fe Rodes
โœ…Pagsulat ng Isports: Tiffany Faith R. Flores
โœ…Pagsulat ng Lathalain: Zaljeab Mae V. Bayon
โœ…Mobile Journalism: John Carlo C. Lubao

Bagaman dalawang taon pa lamang ang DAKILA bilang pamahayagang pangkampus, unti-unti na nitong pinamalas ang potensiyal na makipagsabayan sa iba pang mga publikasyong pangkampus.

Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC), na gaganapin sa Setyembre 9โ€“15, 2026, sa Daniel R. Aguinaldo National High School.

Patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang tagumpay na ito sa buong paaralan at DAKILAng manunulat upang higit pang pag-ibayuhin ang pagsasanay at paglinang sa talento ng mga batang mamamahayag.

Sa bawat kuwento, ideya, at guhit na kanilang inilalahad, patunay na unti-unti ng umuukit ng bantayog ang DAKILAng mamahayag.

๐™น๐™น๐™ฝ๐™ท๐š‚: ๐™ฟ๐šŠ๐š๐š๐š’๐š›๐š’๐š ๐šŠ๐š—๐š ๐š—๐š ๐™ฑ๐šž๐š ๐šŠ๐š— ๐š—๐š ๐š†๐š’๐š”๐šŠ 2026, ๐™ฑ๐š’๐š—๐šž๐š”๐šœ๐šŠ๐š— ๐™ฝ๐šŠ!PAARALANG JJNHS โ€” Pormal at opisyal nang binuksan ngayong araw, Ik...
03/08/2026

๐™น๐™น๐™ฝ๐™ท๐š‚: ๐™ฟ๐šŠ๐š๐š๐š’๐š›๐š’๐š ๐šŠ๐š—๐š ๐š—๐š ๐™ฑ๐šž๐š ๐šŠ๐š— ๐š—๐š ๐š†๐š’๐š”๐šŠ 2026, ๐™ฑ๐š’๐š—๐šž๐š”๐šœ๐šŠ๐š— ๐™ฝ๐šŠ!

PAARALANG JJNHS โ€” Pormal at opisyal nang binuksan ngayong araw, Ika-3 ng Agosto, 2026, ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Paaralang JJNHS na nakatuon sa makabagong temang โ€œ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐’: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’".

Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng modernong teknolohiya, layunin ng pagdiriwang ngayong taon na ipakita ang kakayahan ng wikang pambansa na makasabay at magamit bilang kasangkapan sa Artificial Intelligence (AI) para sa mas malalim na pagkatuto, pananaliksik, at paglikha.

Sa kanyang pambungad na talumpati, hinimok ni Gng. Juneva P. Ardepolla, Kawaksing Punong G**o ng JJNHS sa Junior High School (JHS), ang buong komunidad ng paaralanโ€”mga mag-aaral, g**o, at kawaniโ€”na buong-pusong makiisa at makilahok sa lahat ng mga inihandang gawain para sa nasabing selebrasyon.

Inilahad naman ni Gng. Zarah Jane P. Manila, Master Teacher I sa Filipino, ang mga nakatakdang aktibidad para sa buong buwan. Binigyang-diin niya na ang lahat ng aktibidad ay opisyal na ilulunsad sa Oras ng Filipino sa bawat klase at ang mga malikhaing output ng mga mag-aaral ay ilalakiip bilang bahagi ng kanilang Pamantayang Pagganap (Performance Task) para sa kasalukuyang markahan.

๐Œ๐ ๐š ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ง๐š ๐€๐ค๐ญ๐ข๐›๐ข๐๐š๐ ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐€๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‰๐‰๐๐‡๐’:

๐Ÿ“ŒBaitang 7 โ€” Burador ng Komik Book Brochure: Paglikha ng visual at tekstwal na balangkas ng brochure sa anyong komiks upang maipakita ang malikhaing pagsasalaysay gamit ang wikang Filipino.

๐Ÿ“ŒBaitang 8 โ€” Paggawa ng Multimodal na Tula: Pagbuo ng tula na pinagsama ang teksto, tunog, at biswal na elemento upang maipahayag ang saloobin sa gitna ng modernisasyon.

๐Ÿ“ŒBaitang 9 โ€” Paggawa ng Pabalat ng Graphic Novel: Pagdidisenyo ng kaakit-akit at makabuluhang pabalat ng graphic novel na nagpapakita ng kaugnayan ng wika sa kasalukuyang henerasyon.

๐Ÿ“ŒBaitang 10 โ€” DokyuWento: Pagbuo ng maikling dokumentaryo at pagsasalaysay na tumatalakay sa mga totoong kwento at isyung panlipunan gamit ang wikang pambansa.

๐Ÿ“Œ Senior High School (Baitang 11 at 12) โ€” Natatanging Bilang: Pag-aalay ng mga natatanging pagtatanghal sa Pambungad at Pampinid na Programa ng Buwan ng Wika bilang kinatawan ng mataas na antas.

Nagtapos ang pambungad na programa sa pamamagitan ng isang makulay at nakakamanghang cultural dance na tinaghal ng Jesus Soriano Performing Arts Group, na nag-iwan ng sigla at pambansang pagmamalaki sa lahat ng mga dumalo.

Inaasahan na maipamalas ng kapwa g**o at mag-aaral ng JJNHS na ang wikang Filipino ay hindi naiiwan ng panahon. Sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng AI, nananatiling buhay, dinamiko, at pangunahing tulay ang wikang pambansa sa pagbuo ng kaalaman at pagpapahayag ng makabagong kaisipan.

๐ŸŒŸ ๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! ๐ŸŒŸInaanyayahan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Jes...
01/08/2026

๐ŸŒŸ ๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! ๐ŸŒŸ

Inaanyayahan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Jesus J. Soriano ang lahat ng mag-aaral, g**o, magulang, alumni, at kawani na maging bahagi ng isang makabuluhan at makabagong pagdiriwang ng ating pambansang wika.

๐Ÿ“– Tema:

โ€œ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐‘ฐ: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’โ€

Ngayong Agosto, sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan ng Wikang Filipino at tuklasin kung paano ito higit pang napayayaman sa responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI).

๐ŸŽ‰ Abangan ang ibaโ€™t ibang patimpalak, gawaing pangwika, at mga programang magpapakita ng talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa ating sariling wika!

๐‰๐‰๐’๐๐‡๐’, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐ˆ๐†-๐€๐Œ๐๐ˆ๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐งHulyo 16, 202...
16/07/2026

๐‰๐‰๐’๐๐‡๐’, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐€๐Š๐ˆ๐†-๐€๐Œ๐๐ˆ๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Hulyo 16, 2026 โ€“ Matagumpay na isinagawa ng Jesus J. Soriano National High School (JJSNHS) ang PAKIG-AMBIT 2026 (Strengthening School-based Implementation of the Enhanced Kโ€“12 Curriculum through Technical Assistance for School Leaders and Teachers) bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kalidad ng edukasyon at pagpapatibay ng implementasyon ng Enhanced Kโ€“12 Curriculum.

Pinangunahan nina ๐„๐ฅ๐ฌ๐ข๐ž ๐„. ๐†๐š๐ ๐š๐›๐ž, ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซโ€“๐Œ๐€๐๐„๐‡, ๐š๐ญ ๐…๐ซ๐ข๐ญ๐ณ๐ข๐ž ๐ˆ๐ฏ๐ฒ ๐‰. ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง, ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ, ang masusing technical assessment at validation ng mga programa, proseso, at dokumentasyon ng paaralan. Nagbigay rin sila ng mahahalagang rekomendasyon at teknikal na gabay upang higit pang mapahusay ang pamamahala ng paaralan at ang paghahatid ng de-kalidad na edukasyon.

Sa pangunguna ng pamunuan ng JJSNHS at sa pagtutulungan ng mga Head Teachers, Master Teachers, mga g**o, at non-teaching personnel, naging maayos at matagumpay ang isinagawang assessment. Ipinamalas ng buong komunidad ng paaralan ang kanilang kahandaan, dedikasyon, at pagkakaisa sa pagsusulong ng patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.

Muling pinatunayan ng matagumpay na PAKIG-AMBIT 2026 ang matibay na paninindigan ng Jesus J. Soriano National High School sa pagtataguyod ng kultura ng kahusayan, pananagutan, at tuloy-tuloy na pag-unlad para sa kapakinabangan ng bawat mag-aaral.

โœ๏ธRalp R. Alac
๐Ÿ“ธRalp R. Alac

๐”๐ฅ๐š๐ง, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‡๐š๐๐ฅ๐š๐ง๐ : ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ 2026โ€“2027, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌHindi naging hadlang ang maulang panahon sa matagumpay...
11/07/2026

๐”๐ฅ๐š๐ง, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‡๐š๐๐ฅ๐š๐ง๐ : ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ 2026โ€“2027, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ

Hindi naging hadlang ang maulang panahon sa matagumpay na pagsasagawa ng Opening Program ng Intramurals 2026โ€“2027 ng Jesus J. Soriano National High School, Biyernes, Ika-10 ng Hulyo, 2026.

Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan, nanatiling mataas ang sigla at entusiasmo ng buong komunidad ng paaralan. Umalingawngaw ang matitinding hiyawan, palakpakan, at suporta mula sa mga mag-aaral na buong pusong nakiisa sa pagbubukas ng isa sa pinakahihintay na taunang gawain ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa seremonya ng pagsisindi ng sulo na pinangunahan ni Kianz King Catulong kasama ang kanyang mga kapwa DAVRAA Sipak Takraw players. Ang pagsisindi ng sulo ay sumisimbolo sa pagkakaisa, pag-asa, determinasyon, at diwa ng patas na kompetisyon. Higit pa rito, ito ay nagsisilbing paalala na ang tunay na layunin ng Intramurals ay hindi lamang ang pagwawagi, kundi ang pagpapakita ng sportsmanship, disiplina, at pagtutulungan ng bawat kalahok.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni MAPEH Coordinator Maโ€™am Cleo R. Damo, โ€œWe are gathered here today because, despite the challenges and our demanding instructional schedules, we made it happen.โ€

Inaasahan ang ibaโ€™t ibang kompetisyon sa mga susunod na araw, kabilang ang mga larong lahi, ball games, board games, at e-games, kung saan maipapakita ng mga kalahok ang kanilang husay, talento, estratehiya, at diwa ng patas na paglalaro.

Magpapatuloy ang mga nakatakdang aktibidad at kompetisyon ng Intramurals 2026โ€“2027 sa Sabado, Hulyo 11-12 2026, na may layuning higit pang pagyamanin ang pakikilahok, pagkakaisa, at paglinang sa ibaโ€™t ibang kakayahan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng larangan ng palakasan.

โœ๏ธ:NINA FE RODES
๐Ÿ“ธSO-SHYNE FAITH C. CASANA

๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป: ๐——๐—ฎ๐—ฎ๐—ป-๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—ก๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น    Natigil ang isinagawang Opening Ce...
08/06/2026

๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป: ๐——๐—ฎ๐—ฎ๐—ป-๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—ก๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น

Natigil ang isinagawang Opening Ceremony at unang araw ng pasukan sa JJSNHS matapos yumanig ang isang malakas na lindol na may magnitude na 6.7 nitong Lunes, Hunyo 8, 2026. Sa kabila ng biglaang pagyanig, naging maayos at ligtas ang paglikas ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan dahil sa maagap na pagtugon ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) Team.

Naganap ang lindol habang nagtitipon ang buong komunidad ng paaralan sa flag ceremony bilang bahagi ng pagbubukas ng taong panuruan. Dahil nasa isang bukas na lugar ang karamihan sa mga mag-aaral at kawani sa oras ng pagyanig, naiwasan ang mas malalang panganib na maaaring idulot ng pagbagsak ng mga bagay o pagkasira ng mga gusali.

Pinangunahan ni maโ€™am Emy B. Goc-ong, punong-g**o ng JJNHS, ang maayos at organisadong paggalaw ng kapwa g**o at mag-aaral habang sinusunod ang mga tinakdang safety protocols ng paaralan. Dahil dito, mabilis na naisakatuparan ang kaligtasan ng bawat isa.

Bilang pag-iingat, pansamantalang sinuspinde ang mga klase at iba pang aktibidad sa paaralan. Pinauwi rin ang mga mag-aaral matapos masig**o ang kanilang kalagayan upang maiwasan ang anumang panganib mula sa mga posibleng aftershock.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang malubhang pinsala sa mga pasilidad ng paaralan at wala ring naiulat na nasugatan sa insidente. Patuloy namang nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga kinauukulan upang matiyak na ligtas ang mga gusali bago muling gamitin.

Samantala, hinihikayat ng pamunuan ng paaralan ang lahat ng mag-aaral, magulang, at kawani na manatiling alerto at maging handa sa mga posibleng aftershock habang patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon.

โœ๏ธNINA FE RODES
๐Ÿ“ธDAKILA

๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐“๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐š: ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง, ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ฎ๐ค๐š๐ง       Tiniyak ng pamunuan ng Jesus J. Soriano National High Scho...
05/06/2026

๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐“๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐š: ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง, ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ฎ๐ค๐š๐ง

Tiniyak ng pamunuan ng Jesus J. Soriano National High School ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan ng paaralan matapos ang matagumpay na pagtatapos ng isang linggong Brigada Eskwela ngayong araw ng Hunyo 5, 2026.

Sa temang โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ€ naging gabay ang sama-samang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at iba pang mga katuwang ng paaralan upang maisagawa ang paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Binigyang-tuon ni Principal IV Ma'am Emy B. Goc-ong ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat isa sa paghahanda para sa nalalapit pasukan.

โ€œThis school is preparing for the opening of classes this Monday, with the active participation of parents, teachers, and students,โ€ pahayag ni Maโ€™am Emy B. Goc-ong, punong-g**o ng JJNHS.

Sa huling araw, ang paaralan ay nakatanggap ng kabuuang โ‚ฑ12,300 na donasyon, habang โ‚ฑ3,850 naman ang para sa mga materyales. Patunay lamang ito na sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa, marami pa rin ang handang magbigay ng kanilang suporta.

Sa pagtatapos ng Brigada Eskwela, muling napatunayan ang diwa ng bayanihan sa komunidad dahil sa sama-samang pagkilos at dedikasyon ng lahat ng kalahok. Ito ay patunay na handang-handa na ang paaralan sa pagtanggap sa mga mag-aaral para sa taong panuruan 2026โ€“2027.

โœ๏ธZal Bayon
๐Ÿ“ธ Jannah Buenavista

Address

Sitio Escuela, Catalunan Grande
Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dakila - Jesus J. Soriano NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category