02/09/2026
Kulminasyon ng Buwan ng Wika: Talento'y ibinida
Naggagandahang kasuotan at pagtatagisan ng mga talento. Iyan ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa Kulminasyon sa Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"
Sa isang maliit na bulwagan ng Sulop Senior High School, naganap ang maliit na programa kung saan ang mga mag-aaral sa iba't ibang strand ay nagpakitang gilas sa kanta at dagliang talumpati.
"Ang tema natin ngayong taon 2026 sa Buwan ng Wika ay nagpapaala na ang wikang Filipino at artificial intelligence ay maaaring magtulungan upang mapalawak ang kaalaman, mapa-unlad ang pag-iisip, at mapanatiling buhay ang ating wika at kultura." Pahayag ng coordinator na si Gng. Leizl S. Magallanes. Dagdag pa niya na sana ang programa ay maging intrumento ng mga mag-aaral sa pagpapalaganap at pagyabong sa wikang Filipino, hindi lang sa salita kundi sa gawa.
Sa pagsisimula ng programa, isa-isang ibinida ng mga mag-aaral at g**o ang kanilang kasuotang Filipino.
Hindi magaganap ang isang paligsahan kung wala ang mga hurado na sina Bb. Riza R. Garde, G. Jimmy Embodo, at G. April Jay C. Diolata na ipinakilala ni Bb. Christine Joy A. Albaera.
Sa huli, kinuha ng FBO strand ang ikatatlong puwesto, STEM strand naman ang ikadalawang puwesto, at inuwi ng ICT strand ang kampeon sa dalawahang awit o duweto.
alam niyang ginawa niya ang lahat. Nagpasalamat din siya sa sumuporta sa kaniya lalong lalo na ang kapuwa niya STEM na mag-aaralKulminasyon ng Buwan ng Wika: Talento'y ibinida
Naggagandahang kasuotan at pagtatagisan ng mga talento. Iyan ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa Kulminasyon sa Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" noong
umaga sa ika-2 ng Setyembre, taong 2026.
Sa isang maliit na bulwagan ng Sulop Senior High School, naganap ang maliit na programa kung saan ang mga mag-aaral sa iba't ibang strand ay nagpakitang gilas sa kanta at dagliang talumpati.
"Ang tema natin ngayong taon sa Buwan ng Wika ay nagpapaala na ang wikang Filipino at artificial intelligence ay maaaring magtulungan upang mapalawak ang kaalaman, mapa-unlad ang pag-iisip, at mapanatiling buhay ang ating wika at kultura." Pahayag ng coordinator na si Gng. Leizl S. Magallanes. Dagdag pa niya na sana ang programa ay maging intrumento ng mga mag-aaral sa pagpapalaganap at pagyabong sa wikang Filipino, hindi lang sa salita kundi sa gawa.
Sa pagsisimula ng programa, isa-isang ibinida ng mga mag-aaral at g**o ang kanilang kasuotang Filipino.
Hindi magaganap ang isang paligsahan kung wala ang mga hurado na sina Bb. Riza R. Garde, G. Jimmy Embodo, at G. April Jay C. Diolata na ipinakilala ni Bb. Christine Joy A. Albaera.
Sa unang patimpalak kinuha ng FBO strand ang ikatatlong puwesto, STEM strand naman ang ikadalawang puwesto, at inuwi ng ICT strand ang kampeon sa dalawahang awit o duweto.
Sa ikadalawang patimpalak na ang dagliang talumpati, kinuha ng STEM strand ang kampeon.
Habang ang ikadalawang puwesto ay nakuha ng ASSH strand, nasungkit ng BAE Strand ang ikatatlong puwesto.
Nagtapos ang Kulminasyon sa mensahe ng pasasalamat na binigay ni Bb. Khemeza L. Ordaneza at sa pagbibigay ng mga sertipiko sa mga nagwagi at mga kalahok.
โ๏ธZyrelle Jane O. Say-a