07/06/2025
BAGONG KINDERGARTEN CUT-OFF AGE ๐ต๐ญ๐ฆ๐ง
Mas maraming batang Pilipino na ang mabibigyan ng pagkakataong makapagsimula ng pag-aaral batay sa kanilang kakayahan at kahandaan. Sa bagong polisiya, maaari na pong makapag-enroll sa Kindergarten ang mga batang limang taong gulang pagsapit ng Oktubre 31.
๐ก GAYUNMAN, MAY MGA PAGBUBUKOD O EXCEPTIONS PA RIN PO TAYO.
Maari ring tanggapin ang mga batang magli-limang taong gulang mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31, bastaโt natugunan ang alinman sa dalawang kondisyon:
1๏ธโฃ Nakapagtapos ng isang taong Early Childhood Development (ECD) program mula sa isang CDC o LC na may permit o opisyal na pagkilala; o
2๏ธโฃ Sumailalim sa ECD checklist assessment na isasagawa ng mga g**o sa Kindergarten sa panahon ng enrollment hanggang unang linggo ng klase.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, layunin nating gawing mas inklusibo at makatao ang edukasyon, mula sa pinakaunang hakbang pa lang. Salamat kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagtutulak ng mga repormang tumutugon sa pangangailangan ng bawat bata. ๐ต๐ญ