08/12/2025
Goal naming magkaklase noon na mag-review as more time as we could for the CELE, kasi ang usual na November CELE ay na move sa September, so mayroon nalang kaming 4 months to review after we graduate from college. So we tried reviewing during our last semester in school, pero hindi namin nagawa dahil bombarded kami ng schoolworks during this time.
Nag-decide na lang kaming mag review after lahat ng obligations namin sa school. Fortunately, nakita namin ang schedules ng Review Innovations for the CELE review batch September 2025 and naging masaya kami kasi fit lang siya sa aming schedules. With this, hindi kami nag hesitate mag enroll sa RI kasi proven and tested na siya ng mga seniors namin and even our profs sa college.
Masasabi ko na very crucial ang “review days” para pumasa sa board exam kaya hindi ako nagkamaling mag enroll sa RI kasi tinulongan nila akong ma build ang confidence ko sa sarili na kayang-kaya ko lang ang board exam.
Sa RI ko din na build ang mindset na “magiging topnotcher ako!”.
During the first few weeks of my review in RI, na overwhelm ako sa dami ng topics and coverage na kailangan aralin and imaster, hanggang sa hindi ko na alam kung tama at sapat na ba ang ginagawa kong preparation para sa board exam. Pero nawala lahat ng doubts na ito noong narealize ko na lahat ng sets na inaaral ko ay galing kay RI at bigay ni RI lamang, kasi kung ano man ang ginagawa ko basta galing kay RI, sapat at tama na ito, kasi nga choosing RI is truly the right choice!
At nung na move ang SEPT CELE to NOV,
RI didn’t leave us by providing their “Extended Refresher Course” for free sa mga students na nag enroll na sa kanila. They only prove na RI is the right choice and dito ko na realize kung gaano ka passionate ang mga instructors and staffs ng RI na makapasa lahat ng students nila, lalong-lalo na sa instructors na patuloy na nagla-live lectures para sa extendent refresher sets.
Sa RI, magaling lahat ng instructors and they really make sure na macocover lahat ng topics during the review days and masasagotan lahat ng problems kahit gaano pa yan kahirap. During my college days, weakness ko talaga ang PSAD, kasi sadiyang mahirap lang talaga ito. Pero dahil sa RI, naging madali ang PSAD para sa akin, kasi simplified ang pag turo ng concepts, pero napaka-powerful ng impact para ma retain sa utak ang concept. At yun, ang dating weakness ko ay naging highest grade ko during the board exam, kasi naiwasan kong ma trap dahil hindi lang formulas ang naging baon ko, pati na din ang concepts na natutunan ko.
Hindi ko talaga inexpect na magiging Topnotcher ako sa CELE, kasi normal na estudyante lang ako sa college, bagsak sa integral calculus, bumabagsak sa mga quizzes minsan zero pa, at yung tipong tanggap at masaya na ako sa passing grade lamang.
Napakalaki ng tulong ng RI na ma achieve ko ang pinapangarap ko na mag top sa board exam. Pero kung may inaasam ka na isang bagay, makukuha’t makukuha mo siya kung pagtitiyagaan mo at sasabayan mo ng dasal sa ating Panginoon.
Engr. Raniel Dan Macalino Irag
Top 10, November 2025 Civil Engineering Licensure Exam
Ateneo de Davao University | 89.85%
--
04/12/2025
29/11/2025
27/11/2025
17/11/2025
08/11/2025
30/10/2025
11/10/2025
03/10/2025