02/09/2024
Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang wikang pambansa. Ngayong 2024, ang tema ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino ay: “Filipino:Wikang Mapagpalaya.”
Pagkakakilanlan natin ang wikang Filipino. Ito rin ang bumubuklod sa atin para magkaisa at magtulungan sa pagsulong natin sa maayos na kinabukasan. Sa paggamit ng wikang Filipino, ipinahahayag natin ang kusang pagyakap sa ating kultura, tradisyon, at kaugalian.
Mga gawain at selebrasyong naganap mula Agosto 26 hanggang Agosto 30, 2024:
- Mga Larong Pinoy
- Mga Awiting Pambata
- Mga Kakanin mula sa Iba’t-Ibang Probinsya ng Pilipinas
- Mga Kasuotang Filipino
- Sayaw: “Piliin Mo Ang Pilipinas”