Sunny Philippines

Sunny Philippines

Share

On Sunny Philippines shares warmth and hope through nature, crafts, and everyday Filipino life. Join us in celebrating the beauty and strength of daily living.

A space for simple joys, reflections, and resilience under the sun. MANORS SOON IN DAVAO CITY A VISTALAND COMPANY! Get ready for an upgraded, affordable lifestyle beyond your expectation
- Manors! An integrated residential community that offers holistic lifestyle with its unmatched access to leisure, entertainment shopping, schools and more of life’s necessities is coming real soon! Stay tuned for more updates!

12/08/2026

Naglabas ng manifestation sina Sen. B**g Go at Sen. Robin Padilla matapos mabanggit ang kanilang pangalan sa testimonya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan.

Ayon sa dalawang senador, walang anomalya sa pagrekomenda ng mga proyekto dahil dumaan umano ang mga ito sa proseso ng budget at legislative scrutiny.

Binigyang-diin naman ni Padilla na “For Later Release” o FLR ang status ng mga pondong binanggit, kaya hindi umano basta-basta nailalabas ang pera. Giit niya, dapat kumpleto ang konteksto bago maglabas ng mga ulat tungkol sa naturang mga proyekto.

Giit ni Padilla, “Sana lang po sa susunod pagka may nagsulat ng ganyan, ituloy-tuloy niyo naman. Kasi nabanggit kami pero hindi nabanggit na FLR 'yun, 'For Later Release'.”

12/08/2026

Pinuna ni Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison ang social media post ni Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan kaugnay ng “misleading questions” issue.

Para kay Sison, hindi angkop ang timing ng post habang isinasagawa ang impeachment trial at itinuring itong kawalang-galang sa kapwa abogado.

“We are not naive with what the private prosecutor is talking about. I really just find it in a bad taste to do this at this time. And I think it is inappropriate to do it to a fellow member of the bar because even if we sit on the opposing side of this hall, we remain to be, both members of the bar."

"And as officers of the court we owe each other respect, politeness or even kindness. And it does’nt take one to be a lawyer ro know that the first thing that our parents to each us to do is humility,” pahayag ni Atty. Sheila Sison.

12/08/2026

Kinuwestiyon ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno ang sistema ng pamamahagi ng ayuda, at iginiit na mas dapat unahin ang paglikha ng trabaho at pangmatagalang kabuhayan para sa mga Pilipino.

12/08/2026

Nanindigan ang kampo ni Vice President Sara Duterte na presumed innocent pa rin ang Bise Presidente at kumpiyansang madidismiss ang tatlong kasong grave threats na isinampa ng DOJ.

Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim, may seryosong legal questions din sa pagsasampa ng kaso laban sa isang nakaupong impeachable officer, lalo na’t may kaugnayan umano ito sa impeachment case.

Sinabi ng kampo ni VP Sara na gagamitin nito ang lahat ng available legal remedies sa tamang panahon.

DEPENSA: CREDIT NOTICE SA DEPED CONFIDENTIAL FUNDS, PATUNAY NA NAPAYAGAN SA AUDIT

Samantala, iginiit ng depensa sa impeachment trial na mahalagang dokumento ang COA credit notice para sa confidential funds ng DepEd noong unang dalawang quarter.

Ayon kay Atty. Michael Poa, ipinapakita umano nito na matapos suriin ng COA ang liquidation reports at iba pang dokumento, pinayagan sa audit ang paggamit ng pondo. Gayunman, maaari pa rin umanong ma-reopen ang isang credit notice.

12/08/2026

Iminungkahi ni Senator-judge Juan Miguel Zubiri ang bagong schedule para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte—alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Layunin nitong maiwasan ang pagkaantala ng impeachment proceedings dahil sa regular na sesyon ng Senado.

Ayon kay Presiding Officer Senator-Judge Chiz Escudero, pag-aaralan muna ang panukala at kailangan itong talakayin sa caucus bago ipatupad. Magbibigay rin ng sapat na notice sa magkabilang panig sakaling magkaroon ng pagbabago.

12/08/2026

Testigo ng prosekusyon na si Del Campo, nasa Senado na.

12/08/2026

Dating Public Works Secretary Manuel Bonoan isasalang sa witness stand ngayong Miyerkules, Agosto 12, 2026, sa nagpapatuloy na paglilitis sa kasong malversation laban kay dating Senador B**g Revilla Jr. at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan.

11/08/2026

Sa Day 14 ng impeachment trial, naging sentro ng pagdinig ang paggamit ng OVP confidential funds para sa umano’y surveillance bago ang ilang aktibidad ni VP Sara Duterte. Sapat ba ang mga ebidensyang iniharap para mapatunayan ang wastong paggamit ng pondo?

11/08/2026

Sa Day 14 ng impeachment trial, sinuri ang paggamit ng OVP confidential funds at ang koneksiyon nito sa mga aktibidad ni VP Sara Duterte sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay COA State Auditor Xylene Del Campo, nagsagawa umano ng surveillance bago ang pagpunta ng bise presidente sa mga programa at aktibidad.

Gayunman, sinabi ni Del Campo na hindi sapat ang mga dokumentong isinumite ng OVP para mapatunayan sa audit ang paggamit ng pondo para sa intelligence operations.

Samantala, iginiit ni CPA-lawyer Harold Respicio na hindi nangangahulugang mali o ninakaw ang paggamit ng confidential funds dahil hindi naman inaasahang makapagbibigay ng resibo ang mga taong nagbibigay ng impormasyon sa gobyerno.

Sinabi naman ng defense panel na ipaliliwanag nito sa takdang panahon ang paggamit at saklaw ng OVP confidential funds.

“Well, in proper time we’ll have to address that also para makita din kung ano talaga iyong… Ano-ano ba talaga ang paggamit ng confidential funds at ano ‘yung saklaw ng pinaggamitan nito,” saad ni Defense Panel Spokesperson Atty. Michael Poa.

11/08/2026

Iginiit ng kampo ni dating Cong. Jacinto “Jing” Paras na mahina at kulang sa bigat ang mga ebidensyang iniuugnay kay alyas “Ken” sa umano’y honeytrap plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto. Iniharap nina Atty. Mark Tolentino at Atty. Ferdinand “Ferdi” Topacio sa NBI-NCR ang affidavit ni Paras bilang tugon sa isinasagawang imbestigasyon.
48m

You
ito te sa IP naman tyf........

“MAGALING GUMAWA NG ‘FICTION’” — TOPACIO

Kinuwestyon ni Atty. Ferdinand “Ferdi” Topacio ang pahayag ni NBI Director Melvin Matibag kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y honeytrap plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Topacio, tila nauuwi umano sa konklusyon ang ilang pahayag kahit nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Giit niya, hindi dapat mauna ang publicity kaysa due process, at tila nagbabago umano ang kuwento ng kabilang kampo.

Binigyang-diin ni Topacio na si dating Cong. Jacinto “Jing” Paras ay matagal nang kritiko ng Marcos administration.

Want your school to be the top-listed School/college in Davao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Davao City