15/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ |
Minsan, ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ฆ
Madalas, ๐ด๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐ช
Minsan, ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ
Madalas, ๐ต๐ข๐บ๐ฐ
Minsan, madalas sa ๐๐ข๐ฑ๐ฆ๐ธ๐ฆรฑ๐ฐ๐ป
Madalas kong nakikita ang sarili sa isang sulok ng V. Mapa. Sa tapat ng mga establisyemento at kabahayan na napapalibutan ng mga daang nag-uugnay sa ibaโt ibang lugar sa bayan.
Para sa karamihan, isa lamang itong lansangan. Ngunit para sa ilan, ito ay isang lugar na pinipili mong balikan, hindi dahil kailangan, kundi dahil sa tuwing aalis ka ay may isang bagay na sa iyo ay naiiwan.
[๐ด๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐]
Isang baso ng Kape de Leche matapos ang mahabang klase. Isang malamig na upuan matapos ang sunod-sunod na duty. Isang mesa sa gilid habang hinihintay ang susunod na subject, ang susunod na tao, o ang lakas ng loob para harapin ang susunod na gawain. Sa pagitan ng mga tawanan, tunog ng mga baso at mahinang ingay sa kalsada, may mga sandaling hindi naman kailangang maging espesyal. Minsan, sapat nang may hawak kang kape at may lugar kang mapagpapahingahan.
[๐ด๐๐
๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐.]
Minsan ang hinahanap natin ay ilang minutong walang nagtatanong kung kumusta tayo, walang deadline na humahabol, at walang kailangang patunayan. Kaya minsan, mag-isa kang uupo. Ilalapag ang bag sa tabi, hahawakan ang baso, at hahayaang lumipas muna ang mundo sa harap mo.
Dito madalas na nabubuo ang mga kwentong maka-makata, at naluluwal ang mga kwentong may dalang pagsubok, pangarap at pag-asa. Dito madalas napupunan ng mga salita at ng sagot ang mga bagay na dapat matagal nang nakita.
May mga pagkakataong ang pinakamalaking anyo ng tapang ay ang pag-upo muna at paghinga. Ang pag-amin sa sariling pagod. Ang pagtanggap na hindi lahat ng sagot ay kailangang makita sa isang araw. At sa pagitan ng isang higop at isa pang sandali, marahil ay unti-unti mong nauunawaan na hindi naman pala kailangang laging may kasamang iba upang hindi makaramdam ng pag-iisa.
[๐ด๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐.]
Gayunpaman, may mga gabing hindi sapat ang sarili lamang. May mga kuwentong mas masarap sabihin kapag may nakikinig, at may mga tawanan na mas buo kapag may kahati. Dito rin humahaba ang mga kuwentuhang dapat sanaโy saglit lamang, ngunit inaabot ng hatinggabi. Mula sa alaala ng tropa hanggang sa mga kalokohan sa paaralan, mula sa mabibigat na problema hanggang sa mga bagay na walang saysay ngunit nakakatawa pa rin.
๐๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐ช๐จ.
Hindi lamang sa ingay ng paligid, kundi sa mga kuwentong dala ng mga taong kasama ko. Sapagkat tulad ko, bawat isa ay may sariling pagod na hindi nakikita, sariling pangarap na pilit binubuo, at sariling mga laban na tahimik na nilalabanan. Sa isang mesa, maaaring magsama-sama ang magkakaibang buhay at, kahit sandali, makahanap ng pahingang pare-pareho.
[๐ด๐๐
๐๐๐๐, ๐ป๐๐๐]
At sa mga araw na gusto kong ipagdiwang ang tahimik kong mga panalo, gaya ng pagraos ko sa isang mahaba at nakakapagod kong araw, ang una kong naiisip ay ikaw.
Ikaw sa kabilang dulo ng lamesang pumapagitna sa ating dalawa, habang pinagmamasdan ko ang tahimik mong pagtawa.
Natuto na yata ang mga paa ko sa koryong magtungo sa lugar na kung saan, kahit hindi man palaging tahimik, ay masaya naman at payapa.
At marahil, iyon ang dahilan kung bakit paulit-ulit tayong bumabalik sa mga lugar na hindi kailangang may dahilan para manatili.
๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐รฑ๐๐.
โโโโโโ
sulat ni: Nova Garcia
likha ni: Earl Balingit
larawan ni: Sidney Bruto
partisipasyon: DDC Optometry Students
lunan: Kapeweรฑoz, V.Mapa St. Brgy. 11-B, Davao City