12/04/2026
MGA IMPORTANTENG TANONG SA INYONG SPECIALIST KAPAG NAGPAPA-TEST
BEFORE TESTING
✅Anu-anong mga dokumento ang kailangang dalhin during the test?
✅Kakailangin pa ba ng ibang assessment katulad ng hearing test, OT o speech-language o psychological evaulation, depende sa resulta?
✅Ano ang gagawin kapag ang child ay naging dysregulated, natakot o ayaw mag-cooperate during the test?
✅Ilang oras o sessions ang testing?
✅Ano ang gagawin kapag masyadong matagal nag-intay para sa testing?
AFTER TESTING
✅Nameet ba ng anak ko ang criteria for autism o iba pang developmental conditions or kailangan pa ng more observation o testing?
✅Anu-ano yung na-observe ninyo na tumugma sa symptoms ng diagnosis?
✅Ano yung pinakamahalagang ma-address na pangangailangan sa loob ng 3 months?
✅Ano ang uunahin- OT, ABA, speech, parent coaching, school support, or may iba pa?
✅May mga medical o co-occuring concerns ba na kailangang i-monitor katulad ng sleep, feeding, tantrums, safety, seizure, anxiety, hyperactivity, at iba pa?
✅Ilang beses ang mga therapy nya kada linggo? Ano yung realistic na magawa sa bahay every day?
✅Ano ang sasabihin ko sa teacher o school ng anak ko?
✅Paano ko malalaman na nag-iimprove na ang anak ko sa therapy?
AT PINAKA-IMPORTANTE:
🔘Ano po ang mga ahensya ng gobyerno ang makakatulong sa pagpapatherapy o retest ng anak ko?
🔘Ano ang proseso ng pagkuha ng PWD ID?
🔘Ano ang mga accommodations na dapat ibigay ng school para sa anak ko?
🔘Anong program o curriculum ang nababagay para sa anak ko? (Full SPED ba, inclusive education, regular school, home school, etc). Saan ko ito mahahanap?
🔘Anu-ano ang kailangan kong tulong bilang magulang na nagpapalaki ng isang anak na may disability?