13/08/2026
🇵🇭🤖 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 🤖🇵🇭
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, mas nagiging mabilis at malawak ang ating pag-access sa impormasyon. Sa isang simpleng paghahanap, maaari tayong makatuklas ng bagong kaalaman, makapagsaliksik, at makapagbahagi ng impormasyon sa iba.
Isa sa mga makabagong kasangkapang bahagi ng pagbabagong ito ay ang Artificial Intelligence o AI. Ngunit kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang patuloy na pagpapahalaga sa wikang Filipino—isang wikang nagbibigay-kahulugan sa ating mga kaalaman, karanasan, at pagkakakilanlan.
Ngayong Agosto, sama-sama nating ipinagdiriwang ang 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 na may temang:
“𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.”
Sa temang ito, ipinapaalala sa atin na ang wika at teknolohiya ay maaaring magsama upang mapalawak ang ating kaalaman. Sa tulong ng AI, nagiging mas accessible ang iba't ibang impormasyon, ngunit nasa atin pa rin ang responsibilidad na suriin, unawain, at gamitin ito nang tama.
At sa gitna ng makabagong mundong ito, nananatiling mahalaga ang sariling wika. Gaya ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Ang mga salitang ito ay nagsisilbing paalala na habang tayo ay patuloy na sumusulong, hindi natin dapat kalimutan ang wikang bahagi ng ating pagkakakilanlan.
📣 MGA TAMUGEMS, HALINA’T MAKIISA!
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral ng Lower Tamugan National High School na makibahagi sa ating opisyal na Buwan ng Wika 2026 DP Blast! 🇵🇭
Gamitin ang opisyal na frame at caption upang ipakita ang inyong pakikiisa sa pagdiriwang at ang inyong pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa malawak na yaman ng impormasyon.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐓 𝐀𝐈: 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍 🇵🇭📚
Ako si ___________, isang proud Grade _____ student ng Lower Tamugan National High School, buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔!
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng Artificial Intelligence, nagiging mas malawak ang ating pagkakataong matuto at magsaliksik. Ngunit sa dami ng impormasyong maaari nating makita, mahalagang matutuhan nating maging mapanuri at responsable sa paggamit ng teknolohiya.
Bilang kabataan, gamitin natin ang AI bilang kasangkapan upang matuto, magsaliksik, at makalikha ng bagong kaalaman—habang patuloy na ginagamit at pinayayaman ang ating sariling wika.
Sapagkat ang wikang Filipino ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayan. Ito ay maaari ring maging wika ng pananaliksik, wika ng teknolohiya, at tulay sa yaman ng impormasyon.
𝙈𝙖𝙜𝙨𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠, 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙖𝙣𝙤𝙣𝙜, 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙪𝙧𝙞, 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣—𝙨𝙖 𝙬𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙚𝙠𝙣𝙤𝙡𝙤𝙝𝙞𝙮𝙖. 🇵🇭🤖
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
👇🏻 𝙈𝙖𝙖𝙧𝙞 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙖𝙘𝙘𝙚𝙨𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙛𝙧𝙖𝙢𝙚 𝙙𝙞𝙩𝙤:
https://twb.nz/buwanngwika-batingaw
✍️: Melisah Dzul Iskandar
🖼️: Alexa Mae