03/09/2026
๐ญ๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐บ๐๐๐๐๐, ๐ฐ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐, ๐ฒ๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐
Masigla at makulay na ipinagdiwang ng buong pamayanan ng Fatima Integrated School ang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Setyembre 3, 2026, ganap na alas-8:00 ng umaga, sa paaralan.
Bitbit ang temang โ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฐ: ๐ฒ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,โ nagtipon ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Baitang 10, mga g**o sa elementarya at sekondarya, mga magulang, at mga kawani ng paaralan upang bigyang-halaga ang wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Naging tampok sa pagdiriwang ang pagrampa ng mga mag-aaral na suot ang iba't ibang pambansang kasuotan, Barong Tagalog, Filipiniana, at mga makabagong bersiyon ng kasuotang Pilipino. Layunin nitong maipakita hindi lamang ang kagandahan ng mga kasuotan kundi maging ang pagpapahalaga ng kabataan sa kulturang kanilang kinagisnan.
Sinimulan ang programa sa mga preliminaries sa pamamagitan ng pagtaas ng watawat ng Pilipinas, na sinundan ng panalangin sa pamamagitan ng isang audiovisual presentation. Nagbigay naman ng pambungad na mensahe si ๐๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐จ ๐. ๐๐ข๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐, na nagpaalala sa mga mag-aaral na patuloy na pahalagahan ang sariling wika at kultura sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. โIpagmalaki natin ang ating wikang Filipino at ang kulturang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya at artificial intelligence, maaari nating gamitin ang mga ito bilang katuwang sa pagkatuto at pananaliksik, ngunit hindi natin dapat kalimutan ang ating sariling wika, kasaysayan, at kultura.โ โ ๐. ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐จ ๐. ๐๐ข๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐,
Sinundan ito ng isang pantanghal na palabas mula sa mga mag-aaral ng Baitang 3, na nagbigay ng masiglang simula sa programa. Matapos nito, ipinakilala ni ๐๐ข๐ง๐ข๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ข๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐. ๐๐๐๐ข๐๐ง, ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ang mga iginagalang na hurado na nagsilbing tagasuri sa patimpalak. Ipinaliwanag naman ni ๐๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐. ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ , ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ang mga pamantayang pagbabatayan sa pagpili ng mga mananalo.
Isa sa mga pinakainaabangang bahagi ng programa ang rampa at pagpapakita ng mga kasuotang Pilipino. Unang ipinamalas ng mga mag-aaral mula Kindergarten at Baitang 1 ang kanilang mga makukulay at kahanga-hangang kasuotan. Bawat kalahok ay binigyan ng kani-kanilang numero upang mas madali silang makilala at masuri ng mga hurado.
Sinundan ito ng mga intermisyon bilang mula sa Baitang 4 Topaz at Baitang 7, na nagdagdag ng sigla at saya sa programa. Sumunod namang rumampa ang mga mag-aaral mula Baitang 2 at Baitang 3, na ipinakita ang kani-kanilang bersiyon ng mga kasuotang sumasalamin sa kultura at tradisyong Pilipino. Nagbigay naman ng intermisyon ang mga mag-aaral mula Baitang 5 at Baitang 8 bago ipinagpatuloy ang programa sa pagrampa ng mga mag-aaral mula Baitang 4 at Baitang 5. Ipinagpatuloy pa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagrampa ng mga mag-aaral mula Baitang 6, na sinundan ng mga pagtatanghal mula sa mga mag-aaral ng Baitang 6 at Baitang 10.
Bukod sa pagrampa, naging bahagi rin ng pagdiriwang ang iba't ibang pagtatanghal gaya ng talumpati, sayaw, kantahan, sabayang pagbigkas, at balagtasan, na nagbigay-daan upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento habang ginagamit at pinahahalagahan ang wikang Filipino.
Sa kabuuan ng programa, kapansin-pansin ang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral mula Kindergarten, Baitang 1, at Baitang 2 ang nagpakita ng iba't ibang pambansang kasuotan ng Pilipinas, habang ang mga mag-aaral mula Baitang 3 hanggang Baitang 10 ay naghandog ng mga sayaw at sabayang pagbigkas.
Hindi rin nagpahuli ang mga magulang na dumalo upang suportahan at saksihan ang mga pagtatanghal ng kanilang mga anak. Ang kanilang presensya ay nagsilbing dagdag na inspirasyon sa mga mag-aaral na buong tapang na ipakita ang kanilang talento at pagmamalaki sa kulturang Pilipino.
Matapos ang mga pagtatanghal, isinagawa ang pinakahihintay na paggawad ng parangal na pinangunahan nina ๐. ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐จ ๐. ๐๐ข๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐, ๐๐ญ ๐๐. ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐๐ฅ๐ข๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐๐ญ, ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ญ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ.
Narito ang mga nagwagi sa patimpalak:
๐๐๐๐ 4
๐๐จ๐ฒ: #71 ๐๐ข๐ซ๐ฅ: #57
๐๐๐๐ 3 ๐๐จ๐ฒ: #15 ๐๐ข๐ซ๐ฅ: #62
๐๐๐๐ 2 ๐๐จ๐ฒ: #83 ๐๐ข๐ซ๐ฅ: #56
๐๐๐๐ 1 โ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฒ: #16 โ ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ ๐๐ข๐ซ๐ฅ: #84 โ ๐๐ฅ๐ญ๐ก๐๐ ๐๐ฒ๐ซ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ง๐
Sa kaniyang mensahe sa pagtatapos ng programa, hinikayat ni ๐๐. ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐๐ฅ๐ข๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐๐ญ, ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ญ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ, ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa sariling wika at kultura. โNawa'y dalhin ninyo ang aral at inspirasyong natutuhan ninyo ngayong araw hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa inyong pang-araw-araw na buhay. Ang inyong talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa kulturang Pilipino ay mga kayamanang dapat patuloy na linangin.โ โ ๐๐. ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐๐ฅ๐ข๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐๐ญ, ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ญ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ.
Bilang huling bahagi ng programa, isinagawa ang photo opportunity ng bawat baitang kasama ang kanilang mga tagapayo, bilang pagtatapos ng isang makabuluhan at makulay na pagdiriwang.
Sa pamamagitan ng Buwan ng Wikang Pambansa, muling ipinakita ng Fatima Integrated School na ang wika at kultura ay hindi lamang bahagi ng nakaraan, kundi patuloy na nabubuhay sa bawat Pilipinong gumagamit, nagmamahal, at nag-iingat nito. Sa pagharap sa panahon ng artificial intelligence at mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang wikang Filipino bilang tulay sa impormasyon, kasangkapan sa pagkatuto, at salamin ng pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.