27/07/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ |๐ท๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐บ๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐-๐ฉ๐๐๐๐
๐ญ๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐-๐ถ๐๐ 2026
PATUCO, SARANGANI, DAVAO OCCIDENTAL โ Sa hangaring maisulong ang kalusugan, wastong nutrisyon, kalinisan, at kapakanan ng bawat mag-aaral, matagumpay na inilunsad ng Patuko Integrated School ang School-Based Feeding Program (SBFP) Kick-Off 2026, sa pamumuno ng butihing School Head, Maโam Rhiena Riza L. Monteza.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral, magulang, at mga g**o tungkol sa kahalagahan ng masustansyang pagkain, personal na kalinisan, wastong paghuhugas ng kamay.
Pinasimulan ang programa sa pamamagitan ng isang makabuluhang pambungad na pananalita mula kay Maโam Mary Josette C. Boroy, Master Teacher ng Patuko Integrated School, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng upang matiyak ang kalusugan ng mga batang benepisyaryo ng feeding program.
Isa sa mga tampok ng kick-off activity ang pagsasagawa ng wellness exercise na naging bahagi ng pagsusulong ng healthy lifestyle hindi lamang para sa mga benepisyaryo kung hindi sa lahat ng mag-aaral,g**o at magulang na nakilahok.
Hindi rin nagpahuli ang paaralan sa pagtataguyod ng personal hygiene. Isinagawa ang hygiene check, kabilang ang pagsusuri sa kalinisan at haba ng mga kuko ng mga mag-aaral at Handwashing Activity, kung saan muling ipinakita at ipinaalala sa mga bata ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamayโisang simpleng gawain ngunit napakahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at sakit.
Kasabay ni to ang pamamahagi rin ng hot meal (champorado) na ISANG INITIATIBO ng paaralan para sa lahat ng mag-aaral.
Sa pamamagitan ng School-Based Feeding Program Kick-Off 2026, muling pinatunayan ng Patuko Integrated School na ang edukasyon ay hindi lamang nakatuon sa akademikong pagkatuto. Ang isang batang malusog, malinis, masigla, at sapat ang nutrisyon ay mas handang matuto, makilahok, at mangarap para sa para sa kinabukasan.
Sa sama-samang pagtutulungan ng school leadership, teachers, parents, learners, at buong school community, patuloy na isusulong ng Patuko Integrated School ang isang paaralang hindi lamang nagtuturo kundi nagmamalasakit, nag-aaruga, at nagbibigay-buhay sa pangarap ng bawat mag-aaral.
๐ธ Maam Renafe C. Patis