18/05/2021
Mapagpalang Araw!
Ang mga gradwadong mag-aaral ng MAED Filipino sa University of Mindanao (Professional Schools) ay inaanyayahan kayong lumahok sa webinar-palihan ukol sa PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS.
Tampok sa webinar na ito ang mga simulain at gabay sa pagsusulat ng mapanuri, epektibo at makabagong peryodismo.
Pagkakalooban ng elektronikong sertipiko ang sinumang makakadalo sa nasabing palihan. Para sa rehistrasyon, pumunta sa link na ito: https://forms.gle/Zc6B6zTDonT1vYZP7 o i-scan ang QR code na nasa poster.