SamaFil HCCSI

SamaFil HCCSI Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SamaFil HCCSI, School, Km. 9 Sasa, Davao City.

Ang Wikang Filipino ay mabisang kasangkapan. Ginagamit ito upang magsagawa, umunawa, at magbahagi ng pananaliksik. Ito r...
26/08/2026

Ang Wikang Filipino ay mabisang kasangkapan. Ginagamit ito upang magsagawa, umunawa, at magbahagi ng pananaliksik. Ito rin ang nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa atin sa malawak na yaman ng impormasyon, upang madaling maabot at mapakinabangan ng lahat ang kaalaman para sa kaunlaran ng bayan at ng sarili.

Obra nina:
Bb. Stephany Apurado at Bb. Kimberly Omambac
Mula sa IKAAPAT NA TAON mg Kolehiyo



Wika ang ugat, AI ang bagong sanga, at pananaliksik ang bunga.Sa bawat tanong na ating sinasaliksik, may kaalamang naghi...
26/08/2026

Wika ang ugat, AI ang bagong sanga, at pananaliksik ang bunga.

Sa bawat tanong na ating sinasaliksik, may kaalamang naghihintay na matuklasan. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence, binubuksan natin ang mas malawak na daigdig ng impormasyon, hindi upang palitan ang ating pag-iisip, kundi upang palawakin ito.

Ating yakapin ang makabagong kasangkapan nang hindi kinakalimutan ang wikang nagsisilbing tulay sa ating pagkakakilanlan at pagkatuto.

Mula sa sariling wika, patungo sa makabagong kaalaman.

Obra nina:
Bb. Charlotte Lapayag at Bb. Jessa Barientos
Mula sa IKATLONG TAON ng Kolehiyo



Ang ginuhit namin ay tungkol sa Temang “ Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa Yaman ng Imporma...
26/08/2026

Ang ginuhit namin ay tungkol sa Temang “ Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa Yaman ng Impormasyon”. Sa panahon ng makabagong teknolohiya ang A.I. ay naging kasangkapan para mapadali anf paghahanap ng impormasyon sa isang pindot lang, ito ay nagsisilbing gabay lamang, kaya’t wag itong abusuhin at gamitin ang buong potential ng A.I. sa tamang pananaliksik.

Obra nina:
G. Christian Humol at G. Charlson Enriquez
Mula sa IKALAWANG TAON ng Kolehiyo



Ang larawan na aming iginuhit ay simbulo ng pagkakaisa ng bawat Filipino upang paunlarin ang bayan. Obra nina:G.Rodel Pa...
26/08/2026

Ang larawan na aming iginuhit ay simbulo ng pagkakaisa ng bawat Filipino upang paunlarin ang bayan.

Obra nina:
G.Rodel Pangawas at G.James Canza
Mula sa UNANG TAON ng Kolehiyo



📣 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗜𝗬𝗢!Magandang araw sa lahat! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, hatid namin sa inyo ang mga lara...
23/08/2026

📣 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗜𝗬𝗢!

Magandang araw sa lahat!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, hatid namin sa inyo ang mga larawan ng mga makikisig na Lakan at maririkit na Lakambini ng HCCS 2026!

PARAAN NG PAGBOTO:
I Heart ang larawan ng Inyong paboritong kalahok. Ang pinakamaraming HEART REACTIONS ang magiging batayan para sa People’s Choice Award.

Kaya ano pang hinihintay ninyo? Bumoto, mag-react, at suportahan ang inyong paboritong pambato!

🗓️ Bukas ang botohan hanggang Agosto 27, 2026, ganap na 12:00 PM lamang.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta! Mabuhay ang Wikang Filipino!





Handa na ba kayong ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa taong 2026? Ngayong Agosto, sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng ...
18/08/2026

Handa na ba kayong ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa taong 2026?

Ngayong Agosto, sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa temang “Wikang Filipino AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Yaman ng wikang Filipino at mga katutubong wika na bahagi ng ating pagkakakilanlan at kasaysayan. Halina’t makiisa sa makulay at makabuluhang Buwan ng Wika!

Isang Mapagpalang Araw po sa Ating Lahat!Ikinagagalak kong ipabatid at ipakilala sa inyo ang bagong hanay ng mga opisyal...
25/08/2025

Isang Mapagpalang Araw po sa Ating Lahat!

Ikinagagalak kong ipabatid at ipakilala sa inyo ang bagong hanay ng mga opisyales ng Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) para sa taong 2025–2026. Ang mga pinunong ito ay inihalal nang may lubos na pagtitiwala dahil sa kanilang kahusayan, katapatan, at taos-pusong malasakit sa ating organisasyon. Sa kanilang pamumuno, tiwala kami na higit pang mapapalalim at mapapalawig ang mga adhikain ng samahan ang pagyamanin at itaguyod ang ating wika, kultura, at pagkakaisa.

Inaanyayahan namin ang bawat isa na makiisa sa mga darating na proyekto at gawain na magpapatibay sa ating samahan. Sama-sama nating isulong ang isang makabuluhan at matagumpay na taon para sa SAMAFIL at para sa wikang Filipino!

OBRA NINA:G. Jeremy Lariosa Cago at G. Christian Andrew HumolMula sa UNANG TAON ng Kolehiyo
21/08/2025

OBRA NINA:
G. Jeremy Lariosa Cago at G. Christian Andrew Humol
Mula sa UNANG TAON ng Kolehiyo



Ang larawang ito ay sumasagisag na anuman ang rehiyon, tradisyon, at pagkakaiba ng wika, nagkakaisa pa rin ang mga Pilip...
21/08/2025

Ang larawang ito ay sumasagisag na anuman ang rehiyon, tradisyon, at pagkakaiba ng wika, nagkakaisa pa rin ang mga Pilipino. Isa na rito ang pagtuturo at pagpapahalaga sa iba’t ibang katutubong wika. Ipinapakita rin dito na ang paraan ng bigkas ng bawat isa ay nagsisilbing palatandaan kung saang bahagi ng Pilipinas sila nabibilang. Gayunman, hindi ito nagiging hadlang; sa halip, ipinapakita nito na anuman ang ating wika, tayo ay nananatiling iisa.

OBRA NINA:
G. John Carl G. Lacaba at Bb. Charlotte C. Lapayag
Mula sa IKALAWANG TAON ng Kolehiyo



Ang obrang ito ay sumasagisag sa pagkakaisa ng kabataan mula sa iba’t ibang kultura at tradisyon. Ang aklat ay sumisimbo...
21/08/2025

Ang obrang ito ay sumasagisag sa pagkakaisa ng kabataan mula sa iba’t ibang kultura at tradisyon. Ang aklat ay sumisimbolo sa kaalaman at pag-aaral na nagiging tulay upang magkaisa at magtulungan ang bawat isa. Ang pagkakahawak-kamay ay siyang patunay na sa kabila ng ating pagkakaiba sa pananamit, relihiyon at pinagmulan, iisa ang ating mithiin at ito ay ang makamit ang kapayapaan at kaunlaran ng bayan.

OBRA NINA:
Bb. Joan Bangcoyo at Bb. Rica Mercado
Mula sa Ika-apat na taon ng Kolehiyo



Address

Km. 9 Sasa
Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SamaFil HCCSI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category