27/07/2026
QUOTE OF THE WEEK | July 27–31, 2026
"Treat people with respect if you want to be respected."
Sa Sultan Ali Akbar Sinenggayan National High School, naniniwala tayo na ang paggalang ay pundasyon ng isang ligtas, maayos, at mapagmalasakit na komunidad. Bilang bahagi ng ating TAG (Three Acts of Goodness), hinihikayat ang bawat miyembro ng ating paaralan na isapuso at isabuhay ang ating tatlong pangakong ito:
🤝 Do Good Deeds
💬 Speak Good Words
💖 Think Good Thoughts
Ang simpleng pagpapakita ng paggalang sa ating mga salita, kilos, at pakikitungo sa kapwa ay may malaking epekto sa pagbuo ng positibong kultura sa ating paaralan.
OFFICIAL INSTRUCTION
Bilang suporta sa ating Quote of the Week Campaign, ang lahat ng mag-aaral ay inaanyayahang gawin ang mga sumusunod:
✅ 1. I-LIKE ang opisyal na post na ito.
✅ 2. I-SHARE ito sa inyong sariling Facebook Wall gamit ang "Public" privacy setting upang mas marami ang maabot ng mensahe.
✅ 3. HUWAG BAGUHIN ANG CAPTION. Gamitin nang buo ang opisyal na caption na ito bilang tanda ng inyong pakikiisa at commitment sa TAG – Three Acts of Goodness.
✅ 4. Sa dulo ng caption, ilagay ang inyong buong pangalan, grade level, at section sa format na ito:
Name: Juan Dela Cruz
Grade & Section: Grade 8 – Narra
Sa pamamagitan ng inyong pakikiisa, sama-sama nating maipalalaganap ang kultura ng paggalang, kabutihan, at positibong pag-uugali hindi lamang sa loob ng ating paaralan kundi maging sa ating online community.
✨ Magsimula sa paggalang. Magpatuloy sa kabutihan. Maging inspirasyon sa iba.