25/08/2026
"Ang pangarap, hindi lang dinadasalan—pinagtatrabahuhan at pinag-aaralan!" 📖✨
Sa ating mga mahal na Senior High School students, nakarating din tayo sa huling hirit ng 1st Quarter! Alam naming hindi naging madali ang mga nagdaang linggo—mula sa puyatan, maiitim na eye bags, hanggang sa sunod-sunod na performance tasks at reviewers.
Pero maniwala kayo: KAYA NINYO ITO! 💯
💡 Quick Reminders before taking the exam:
✏️ Magbaon ng extra ballpen at kumpletong gamit.
💤 Magsipag-tulog nang maaga (iwasan muna ang midnight cramming!).
🧠 Huwag kalimutang mag-almusal para kumpleto ang energy.
🙏 Magdasal at magtiwala sa lahat ng inyong pinag-aralan.
Dalhin ang determinasyon at tiwala sa sarili. Ipakita natin ang galing ng SHS! Good luck, and God bless your exams! 💙