02/12/2019
Siguraduhin na laging handa sa anumang sakuna! Ano-ano nga ba ang mga dapat ihanda sa oras ng kalamidad?
‼️ First Aid Kit 💊 - May laman dapat itong paunang lunas sa inyong sakit tulad ng sakit ng tyan, lagnat, ubo, sipon, allergies, etc.
‼️ Mga pagkain na hindi madaling mapanis 🍽 - Tulad ng canned goods, instant foods, biscuits, candies.
‼️ Tubig na maiinom 💧 - Siguruduhin na malinis at secured ang inyong lalagyan ng tubig upang hindi mapasukan ng dumi.
‼️ Flashlight, posporo o Lighter 🔦 - kahit na anong magagamit niyo na pang ilaw sa madilim.
‼️ ID, mga importanteng dokumento at extrang pera 🗂 - i-secure din sa inyong emergency kit ang mga ID, importanteng dokumento at extrang pera na magagamit at maaaring kailanganin pa.
‼️ Cellphone at Powerbank 📱 - Siguraduhin na FULL CHARGE ang inyong mga gadgets na pwedeng gamitin pang contact sa mga kamag-anak.
‼️ Mga Extrang Damit 👚👖 - Kung sakaling kayo ay mababasa, siguraduhin na mayroon kayong pampalit upang hindi magkasakit.
At syempre huwag pong kakalimutan magdasal upang bigyang gabay ang mga pamilya natin sa oras ng sakuna.
Stay safe and dry, Kabayan! 😉