09/04/2026
Today, we honor the courage, sacrifice, and unwavering spirit of our Filipino heroes who fought for our freedom. Their bravery continues to inspire us to stand strong and united as one nation.
05/04/2026
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay, Ka-DepEd! ❤️🙏
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng ating mga kapatid na Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, isang simbolo ng pag-asa, tagumpay ng kabutihan, at panibagong buhay.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang muling sumibol sa ating mga puso ang pag-asa, pagmamahal, at pananampalataya.
31/03/2026
Congratulations, Batch 2026! 🎓
Isang taos-pusong pagbati mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa lahat ng nagsipagtapos para sa School Year 2025–2026. Ang inyong ipinamalas na lakas ng loob at determinasyon upang makapagtapos ay nararapat na ipagmalaki.
Ikinararangal ng DepEd na maging gabay tungo sa inyong pangarap. Sa pagharap sa panibagong yugto ng buhay, dalhin ninyo ang liwanag ng kaalaman at higit pa itong pag-alabin para sa patuloy na pag-unlad.
Muli, pagbati sa inyong tagumpay!
24/03/2026
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Bilang pasasalamat sa paggabay ng Panginoon sa loob ng pitong (7) taong pananatili ng mga VPVians sa Vicente P. Villanueva Memorial School, dumalo ang mga batang magsisipagtapos kasama ang kanilang mga g**o at mga magulang sa isang baccalaureate mass o misa ng pasasalamat na ginanap sa parokya ng Ang Mabuting Pastol, Marso 24.
22/03/2026
The City Government of Dasmariñas joins the Nation in celebrating Cavite Day, honoring the bravery, unity, and rich history of our Caviteños.
May the bravery of our Caviteño heroes inspire us to continue working together toward a stronger and more progressive Cavite.
21/03/2026
On this day in 1869, Emilio Aguinaldo was born in Kawit, Cavite. He served as the first president of the Philippines.
21/03/2026
🎉 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐫. 𝐏𝐫𝐞𝐒𝐈𝐃𝐞𝐧𝐭! 🎉
Buong puso naming binabati si Sid Mahdy Cadavedo-Capulong sa kanyang pagkakahalal bilang Division Federated Supreme Elementary Learner Government (SELG) Vice President! 🏅👏
Isang napakalaking karangalan hindi lamang para sa inyong sarili kundi para rin sa Vicente P. Villanueva Memorial School. Ipinapakita nito ang inyong husay sa pamumuno, dedikasyon, at malasakit sa kapwa mag-aaral.
Lubos din naming binabati si Bb. Sarale Moreno, SELG Adviser, sa kanyang walang sawang paggabay at suporta na naging daan sa tagumpay na ito. 💙
Ang nasabing halalan ay matagumpay na ginanap sa Dasmariñas Integrated High School, kung saan ipinamalas ang tunay na diwa ng pamumuno at pakikilahok ng mga kabataang lider.
Patuloy na magningning at magsilbing inspirasyon sa iba! 🌟
21/03/2026
Eid Mubarak! 🌙✨
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa masayang pagdiriwang ng Eid'l Fitr kasama ang ating mga kapatid na Muslim.
Nawa’y maghatid ang makabuluhang okasyong ito ng panibagong pag-asa, kagalakan, kapayapaan, at masaganang biyaya sa bawat tahanan.
14/03/2026
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | 𝗡𝗮𝗸𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗩𝗣𝗩𝗶𝗮𝗻𝘀 𝘀𝗮 𝗧𝘄𝗶𝗻𝗸𝗹𝗲𝗿𝘀 𝗣𝗹𝗮𝘆𝗱𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲
Marso 14, 2026 - Matagumpay na ginanap ang Twinklers Playday 2026 sa Francisco E. Barzaga Memorial School na dinaluhan ng mga batang Twinkler Scouts mula sa iba’t ibang paaralan at cluster. Layunin ng programa na paunlarin ang kakayahan, pagkamalikhain, at pakikipagkaibigan ng mga batang scout sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang gawain.
Nagsimula ang programa sa Opening Ceremony na kinabibilangan ng panalangin, Entrance of Colors, pag-awit ng Pambansang Awit, Panunumpa sa Watawat, at Scout Promise and Law. Nagbigay ng Welcome Remarks si Gng. Refugia D. Duran, Principal IV ng paaralan, habang naghatid naman ng Inspirational Message si Gng. Emily L. Belanio, Division GSP Coordinator.
Isinagawa rin ang iba’t ibang aktibidad tulad ng Arts and Crafts, Storytelling, at mga Laro na nagbigay saya at kaalaman sa mga batang Twinklers. Naging bahagi rin ng gawain ang mga batang scout mula sa Vicente P. Villanueva Memorial School sa pangunguna nina Gng. Berlina A. Alcaide, Punong G**o, Bb. Mary Joy De Leon at Bb. Aira Bustamante na aktibong nakiisa sa mga aktibidad.
Sa pagtatapos ng programa, nagpasalamat si Gng. Nellie Ganipan sa lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na gawain. Pinangunahan naman ni Gng. Ma. Perlas T. Cajipo ang programa bilang Master of Ceremony.
Naging masaya at makabuluhan ang araw para sa mga batang Twinklers na nag-uwi ng bagong kaalaman, karanasan, at pagkakaibigan.
13/03/2026
Pi Day today. Lahat biglang naging Math major 😜
13/03/2026
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | 𝗩𝗣𝗩𝗠𝗦, 𝗡𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 “𝗛𝗲𝗿𝗦𝘁𝗼𝗿𝘆” 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗘𝘅𝗵𝗶𝗯𝗶𝘁 𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻
Marso 13, 2026 - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, matagumpay na idinaos ng Vicente P. Villanueva Memorial School (VPVMS) ang “HerStory” Interactive Exhibit, isang makabuluhang gawain na naglalayong kilalanin at ipakita ang mga natatanging kababaihan na nagbigay ng mahalagang ambag sa iba’t ibang larangan ng lipunan.
Sa pamamagitan ng nasabing exhibit, ipinakilala sa mga mag-aaral at g**o ang mga kuwento ng inspirasyon at tagumpay ng mga kababaihang nagsilbing huwaran sa larangan ng agham, edukasyon, pamumuno, sining, at serbisyong panlipunan. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan ng mga VPVians sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa paghubog ng isang mas makatarungan at inklusibong lipunan.
Tampok sa exhibit ang iba’t ibang kababaihang kinilala ng bawat antas sa paaralan:
• Kinder – Teacher Mary Joy De Leon
• Grade 1 – Ailyn Mojica
• Grade 2 – Mayor Jenny Barzaga
• Grade 3 – Josefa Escoda
• Grade 4 – Lea Salonga
• Grade 5 – Gina Lopez
• Grade 6 – Micaela L. Salazar
Ang gawaing ito ay isinagawa kaugnay ng temang “We for Gender Equality and Inclusive Society,” na nagbibigay-diin sa sama-samang pagkilos ng bawat isa upang maisulong ang paggalang, pagkakapantay-pantay, at pantay na oportunidad para sa lahat anuman ang kasarian.
Pinangunahan ang aktibidad nina Gng. Berlina Alcaide, Punongg**o IV, kasama ang mga GAD Coordinators na sina Bb. Lovely Anne Prieto at Gg. Rex Robles, gayundin si Gg. Luis Miguel Calatrava, Administrative Support Staff, na nagsilbing katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa.
Samantala, inaasahan naman ang culminating activity ng pagdiriwang sa darating na Lunes, ika-16 ng Marso, kung saan ipapamalas ng mga batang VPVians ang kanilang iba’t ibang talento at kakayahan bilang pakikiisa sa patuloy na pagsusulong ng gender equality at isang inklusibong komunidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na ipinapakita ng VPVMS ang suporta nito sa pagpapahalaga sa kababaihan at sa pagtataguyod ng isang lipunang may paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa para sa lahat.