Araling Panlipunan VII- S.Y 2021-2022

Araling Panlipunan VII- S.Y 2021-2022 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Araling Panlipunan VII- S.Y 2021-2022, Education, Dasmariñas.

Eksaktong 108 taon na ang nakararaan, nauwi na sa digmaan ang mainit na tensyon sa pagitan ng Austro-Hungarian Empire at...
30/07/2022

Eksaktong 108 taon na ang nakararaan, nauwi na sa digmaan ang mainit na tensyon sa pagitan ng Austro-Hungarian Empire at ng Serbia, hudyat ng pagsisimula ng isa sa pinakamadugong digmaan sa kasaysayan.

Pasado alas-onse ng umaga, ika-28 ng Hulyo, 1914, isang deklarasyon ng pakikidigma ang ipinahayag ng pamahalaang Austro-Hungarian laban sa pamahalaang Serbian, na ipinadala sa foreign ministry ng Serbia sa pamamagitan ng telegrama. Ito ay bilang tugon ng Austro-Hungarian Empire sa tila kabastusan ng Serbia sa naging sagot ng huli sa ultimatum, nang hindi pumayag ang Serbia na mag-imbestiga ang Austria sa Serbia, kaugnay ng nangyaring pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austro-Hungarian Empire isang buwan na ang nakararaan.

Isang araw matapos ang deklarasyon ng digmaan, narinig ang unang putok ng tinaguriang "The Great War" o ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Belgrade, kapitolyo ng Serbia, nang binomba ito ng barkong Austrian na SMS Bodrog pasado ala-una ng hapon. At bilang tugon sa unang pag-atakeng ito ng mga Austrian sa Belgrade, nagpadala ng mensahe ang Tsar ng Russia na si Nicholas II, na tutulungan ng Russia ang Serbia, kaya inutos niya ang pangkalahatang mobilisasyon ng mga hukbong Russian sa hilagang bahagi ng Austro-Hungarian Empire. Binalaan ng pinsang German ni Nicholas II na si Kaiser Wilhelm II, kaalyado ng Austro-Hungarian Empire, na huwag makikialam sa sigalot sa pagitan ng dalawang bansa. At noong unang araw ng Agosto, nagdeklara ng pakikidigma ang Imperial Germany laban sa Russia, at ang France na kaalyado ng Russia sa Triple Entente, ay nagdeklara ng pakikidigma laban sa Germany sa parehong araw. Bagama't kaalyado ng France sa Triple Entente ang United Kingdom, hindi sigurado ang pamahalaang British na lumahok sa kaguluhan sa mainland Europe. Pero nang malamang nilabag ng Germany ang neutrality ng Belgium na siniguro ng Britanya, para maisakatuparan ang istratehikal na Schlieffen Plan ng Germany, nagdeklara na rin ng pakikidigma ang Britanya laban sa Germany noong ika-4 ng Agosto. Sa pagkakataong iyon, kalat na sa buong Europa ang Digmaang sumiklab sa rehiyong Balkan, ay magdudulot ng kamatayan at pagkawasak sa mga bansang nagsilahok rito.

Iba't ibang mga salik ang nakikitang naging sanhi sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kabilang na rito ang pag-usbong ng nasyonalismo, mapag-igting ang imperyalismo, militarisasyon at pagpapalakas ng mga makabagong makinaryang pandigma ng mga bansang Europeo, at ang alyansa ng mga bansa laban sa isa't isa.

Mga Sanggunian:
• History.com Editors (n.d.). Austria-Hungary declares war on Serbia. History.com. Retrieved July 28, 2021. https://www.history.com/.amp/this-day-in-history/austria-hungary-declares-war-on-serbia
• Kelly M. (2020, March 26). 5 key causes of World War I. ThoughtCo. July 28, 2021. https://www.thoughtco.com/causes-that-led-to-world-war-i-105515



4th qtr. Week 1&2
07/04/2022

4th qtr. Week 1&2

AP 3rd qtr. WEEK 1-4
02/03/2022

AP 3rd qtr. WEEK 1-4

WHLP and Module Week 8, 2nd quarter
12/02/2022

WHLP and Module
Week 8, 2nd quarter

AP 2nd qtr. Module Week 6-7WHLP Week 6-7
03/01/2022

AP 2nd qtr. Module Week 6-7
WHLP Week 6-7

2nd quarterWeek 5
15/12/2021

2nd quarter
Week 5

2nd quarter (week 1-4)
01/12/2021

2nd quarter (week 1-4)

Araling Panlipunan VIIWEEK 3-5(Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez and Tirona)
06/10/2021

Araling Panlipunan VII
WEEK 3-5
(Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez and Tirona)

Araling Panlipunan VIIWeek 2 (Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez and Tirona)
27/09/2021

Araling Panlipunan VII
Week 2 (Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez and Tirona)

Araling Panlipunan VII (Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez, Tirona)Day 1- Gawain sa Pagkatuto 1-3.       p. 6-7Day 2-...
20/09/2021

Araling Panlipunan VII (Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez, Tirona)

Day 1- Gawain sa Pagkatuto 1-3. p. 6-7
Day 2- Gawain sa Pagkatuto 4-7. p. 9-11

17/09/2021

Magandang araw!

To all students of Hembrador, Malihan, Mangubat, Ramirez and Tirona.

I will upload here all the materials in AP, especially MODULES and WHLP.

Pls. add your classmates in this page, if they aren't yet included in this page. Thank you!

Sir Jake Erezuela

Address

Dasmarinas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Araling Panlipunan VII- S.Y 2021-2022 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category