19/08/2025
Libreng gupit, tampok sa ika-50 anibersaryo ng DIHS; mga estudyante, g**o, nakinabang
Naghatid ng ginhawa sa mga estudyante, g**o, at iba pang kawani ng paaralan ang libreng gupit na handog ng Dasmariñas Integrated High School (DIHS) bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo nito, katuwang ang Alumni Association at Pride Incorporated na kinabibilangan ng mga boluntaryong barbero at hairdressers.
Ayon kay Nati Billones, tagapamahala ng proyekto, naging matagumpay ang aktibidad dahil sa mainit na pagtanggap ng mga g**o, estudyante, at maging ng kanilang mga magulang, na nakasaksi ng malaking benepisyo nito sa pagtitipid at pagpapanatili ng presentableng ayos ng buhok sa paaralan.
“Positive naman yung response nila, tanggap nila at nagpapasalamat sila sa ganitong proyekto ng alumni organization, kase minsan lang to, at ito ang first time na naganap sa eskwelahan ang libreng gupit,” ani Billones.
Ibinahagi naman ng ilang estudyante na ang libreng gupit ay nakatulong hindi lamang sa kanilang itsura kundi pati na rin sa kanilang konsentrasyon sa pag-aaral, dahil hindi na rin nila kailangan pang intindihin ang gastos sa pagpapagupit.
“Para po ano, hindi sila, para hindi po sila mahirapan sa pag-aaral, kasi nakaka-distract po yung buhok e,” pahayag ni Sophia Dosado, Grade 9 student, habang inilarawan niya na malaki ang naitulong nito sa kanilang pagiging komportable sa klase.
Para naman sa mga lalaki, malaking bagay ang aktibidad upang masunod nila ang grooming policy ng paaralan nang hindi nag-aalala sa gastusin, ayon kay Enzo Tabogoc ng Grade 10.
“Sig**o po yung ano, pag-follow nalang po sa handbook o sa rules ng school yung maayos na gupit sa mga lalaki, hindi yung mga overgrown,” giit ni Tabogoc.
Nakinabang rin maging ang ilang mga g**o sa proyekto, lalo na at bihira para sa kanila ang magkaroon ng libreng serbisyo tulad nito sa gitna ng kanilang abalang iskedyul.
“Pinapakita nito yung camaraderie, yung cooperation, as well as yung, bayanihan, kasi malaking tulong ‘to specifically sa mga students, lalo na sila ‘yung most na nangangailangan
ng service na ‘to, ng free haircutting,” paliwanag ni Donna Maikka Baldos ng Filipino Department, na natuwa rin na nakapagpagupit siya nang libre.
Binigyang-diin naman ni Nancy Movido De Jesus, pangulo ng DIHS Alumni Association na hindi lamang ito simpleng aktibidad kundi bahagi ng mas malawak na layunin ng asosasyon na ipagpatuloy ang kanilang serbisyo para sa paaralan at komunidad bilang isang legasiya para sa mga susunod na henerasyon.
“Ang goal namin ay para yun nga, ahm mag tuloy-tuloy, ang aming service sa school atsaka sa community para naman maibalik kung ano yun, hindi naman utang kundi yung aming gusto maging legacy, kasi bilang alumni gusto namin may ma iiwan kaming legacy, na hindi lamang puro sports, “ ayon kay De Jesus.
📰 Article by Krishalyn Diuna
Photos by
📸 Photos by EK Carrascal, Anthonette Resma, Yohan Punzalan, Kevin Baja, Jhon Gabayoyo, Sam Obrero, Toff dela Cruz
🗂 Research by SPJ Media Team