21/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฆ๐ฑ๐ต๐ฆ๐ฎ๐ฃ๐ฆ๐ณ 21: 54th Anniversary of 1972 Martial Law Declaration
โ๐๐ฒ๐บ๐ผ๐ฐ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ ๐ถ๐ ๐ฑ๐ฒ๐ฎ๐ฑ.โ Ito ang ipinaloob ng estudyanteng-manunulat na si Liliosa R. Hilao sa kanyang libreta, matapos ideklara ni diktador Ferdinand Marcos Sr. ang pambansang Martial Law sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081, pinetsahang Setyembre 21, 1972.
Ang implementasyon nito ay tahimik na sinimulan ni Marcos noong Setyembre 22, ngunit hindi niya aanunsiyuhin sa publiko ang proklamasyon hanggang Setyembre 23, sa isang brodkast ng 7:15 ng gabi. Simula noon, kulay itim ang sinuot ni Liliosa, tila ipinagluluksa ang patay na demokrasyang Pilipino. Kabilang sa kanyang maraming pang-estudyanteng aktibidad, inilabas niya ang kanyang kathang โDemocracy is Dead in the Philippines under Martial Lawโ sa Hasik, ang noong pangestudyanteng publikasyon ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Pitong buwan ang makalipas, noong Abril 1973, ipinasok ng mga lasing na miyembro ng Constabulary Anti-Narcotics Unit ang tahanang Hilao, at malubhang binugbog si Liliosa sa harap ng kanyang pamilya. Dinakip nila ang babaeng โstudyante at dinala sa Camp Crame, kung saan siyaโy mapapailalim sa tortyur at karahasang pisikal at sekswal sa susunod na mga araw. Matapos matagpuang dispigurado at may ebidensya ng tortyur ng kanyang nakatatandang kapatid na si Alice sa Camp Crame Station Hospital, ipapaalam sa kanila na pumanaw na si Liliosa sa sugat at pinsala. Pinarangalan siya ng pamantasan ng gawad ng posthumous cm laude, at nireserbahan ng bakanteng upuan sa kanilang seremonyang pagtatapos dalawang linggo lamang ang makalipas ng kanyang pagkamatay. Kikilalanin si Liliosa Hilao bilang martir, bayani, ang unang biktimang namatay sa detensyon sa ilalim ng panunupil at karahasan ng diktaduryang Marcos Sr.
Isa lamang ito sa mga madilim na katotohanan ng Martial Law. Malaking bahagi ng mga pangalang nakaukit sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City ay mga pangalan ng kabataan at estudyante, kung kaninong mga balikat ay nahatulan ng bigat ng pakikibaka, kung kaninong sakripisyo ay patuloy na umaalingawngaw, dekada nang nakalipas. Ngunit ang kanilang pagkamartir ay hindi dapat iniluluwalhati yaong sa mga manlalaban at mandirigma, na siyang buhay ay itinakdang ialay para sa bansa, dahil ang pagsasaisip nito ay pagabandona sa katotohanang hindi naman silang karapat-dapat na mamatayโ hindi dapat binawi ang kanilang buhay bilang kabataan sa kamay ng mga sakim at makasalanan. Silaโy mga estudyanteโ mga manunulat, mananaliksik, estudyanteng-liderโ na may kinahaharap sanang maliwanag na kinabukasan kundi dahil sa diktadurya.
Ipagpasiya natin na ang pagkitil kay Liliosaโ at sa lahat ng mga martir noon at ngayonโ ay magsilbing mabigat na paalalang ๐๐๐๐ฎ๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ผ๐, paalalang pakinggan ang babala ng kasaysayan: na sa gobyernong kayang unahin ang pansariling interes, sa kamao ng mga lideratong handang magpaka-diktador, handang isakripisyo ang buhay ng mamamayang Pilipino, tayong lahat ang talunanโ babala na ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ ๐๐น๐ถ makaladkad ang taumbayan sa putik at lusak ng diktadurya at Martial Law, at paalala na nasa ating lahat ang kapangyarihang talunin ang mga pwersa ng kawalang-hustisya, nasa ating lahat ang tungkuling bantayan at pangalagaan ang kinabukasan ng bansa at ng isaโt isa.
-
Communicate with us through our accounts!
Facebook: /thecrssc.dlsmhsi
Instagram:
*The views and opinions in this post are of the CRS Student Council's, and do not reflect those of the institution, its students, and administration.