21/09/2026
PROJECT MULAT SA LAHAT
Program Tindig (Core Value Makabansa)
Sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa Pilipinas, mahalagang balikan ang kasaysayan at pagnilayan ang kahalagahan ng kalayaan, karapatang pantao, pakikilahok ng mamamayan, at paggalang sa karapatan ng bawat Pilipino.
Sa ganitong diwa, ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) kasama ang mga mag-aaral ng Salawag National High School (SNHS) ay nagbabahagi ng isang educational material tungkol sa Pax Silica na isang inisyatibang may kaugnayan sa semiconductor, artificial intelligence, advanced manufacturing, at global technology supply chains.
Kasabay ng mga potensyal na benepisyo nito para sa teknolohiya, industriya, pamumuhunan, at trabaho, naging bahagi rin ng pampublikong diskurso ang mga usapin hinggil sa kalikasan, paggamit ng lupa, at kalagayan at karapatan ng mga katutubong komunidad na maaaring maapektuhan ng mga planong development sa Tarlac.
Sabi nga ni Sir Eusebio sa asignaturang Araling Panlipunan sa kaniyang klase:
"Maaaring may magandang dulot ang Pax Silica pero...may salitang "pero"...pero kung may maaagrabyadong kahit na sinong Pilipino (mga katutubong Pilipino) rito, hindi ito maganda para sa ating bansa."
Sa usaping tulad nito, mahalaga ang pag-alam sa mga impormasyon, pakikinig sa ibaโt ibang panig, at mapanuring pag-unawa sa mga posibleng epekto bago bumuo ng sariling pananaw.
๐ฅ Ano nga ba ang Pax Silica?
Alamin ang pinasimpleng paliwanag sa video na inihanda ng ilang mag-aaral mula sa Pangkat 10-Arceo.
Ang video ay likha ng mga mag-aaral at may pahintulot na gamitin para sa post na ito.