21/06/2026
📢 𝐏𝐚𝐠𝐞 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐍𝐨𝐭𝐢𝐜𝐞
In line with DepEd Order No. 007, s. 2026 (Media Management Guidelines), the Division announces the renaming of its official page from "DepEd Tayo San Miguel ES - Dasmariñas City" to "DepEd Dasmariñas San Miguel Elementary School".
This update ensures a unified and standardized identity across all official DepEd social media platforms.
All personnel, public schools, and stakeholders are hereby advised to take note. Please follow and refer to the updated page for all official announcements and advisories.
17/06/2026
2ND QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 📢
The Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) will be conducted on June 18, 2026, at 9:00 AM.
Stay alert, be prepared, and remember the Duck, Cover, and Hold technique!
12/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang San Miguel Elementary School sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.
04/06/2026
𝐒𝐌𝐄𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒' 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 (𝐅𝐎𝐑 𝐎𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒) 🏫
Matagumpay na naisagawa ang Parents' Orientation para sa S.Y. 2026-2027 sa pangunguna ng ating Principal IV, Mr. Randy G. Mendoza.
Tinalakay sa pagpupulong ang DepEd Vision, Mission, at Core Values, pati na ang mga school policies, curriculum updates, school calendar, ARAL Program, at ang ating sistema sa maayos at ligtas na pagpasok at pag-uwi ng mga bata.
Maraming salamat sa pakikiisa ng mga magulang para sa maayos na pagbubukas ng klase!
02/06/2026
𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐒' 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕 🏫📝
Mga minamahal naming magulang at guardian ng San Miguel Elementary School, inaanyayahan namin kayo sa ating gaganaping 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦' 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡.
Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang mahahalagang impormasyon, mga polisiya, at mga paalala para sa darating na pasukan upang masiguro ang maayos at ligtas na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.
𝗠𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗴𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹. 𝗜𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.
Magkita-kita tayo, Parents! 👋🏻
02/06/2026
𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧: 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐚𝐲𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧! 🏫✨
Opisyal na nating sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 dito sa San Miguel Elementary School! Isang makabuluhang pagtitipon ang ating ginanap ngayong araw para sa paghahanda ng ating paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Lubos ang ating pasasalamat sa ating masigasig na Principal IV, G. Randy G. Mendoza, at sa ating Brigada Eskwela Coordinator, G. Lino C. Pancito, sa pagpangunang ito.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga gurong walang sawang naglalaan ng oras, sa ating mga opisyal ng Barangay, sa mga dedikadong stakeholders, volunteers, at sa ating mga mag-aaral mula sa SELG na nakiisa sa ating layunin.
Tunay ngang sa pagkakaisa, masisiguro natin ang maayos at de-kalidad na edukasyon para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Tara na, mag-Bayanihan na tayo! 🤝💪
30/05/2026
𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀! 🏫✨
Mga magulang, barangay officials, local stakeholders, at mga kaibigang volunteers, inaanyayahan po namin kayong makilahok sa ating Brigada Eskwela 2026 sa San Miguel Elementary School!
Magsisimula ang ating taunang pagtutulungan sa pamamagitan ng ating 𝐊𝐢𝐜𝐤-𝐨𝐟𝐟 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐬𝐚 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀, 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟮, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
🗓 Petsa ng Brigada Eskwela: June 2 hanggang June 5, 2026
𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨?
Bukas ang ating pintuan para sa lahat ng gustong mag-alay ng oras, kasanayan, o donasyon:
✅ 𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹: Paglilinis ng mga silid-aralan, pag-aayos ng mga upuan, at pagpipintura.
✅ 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀 & 𝗟𝗚𝗨: Pagbibigay ng suporta sa mga gamit pang-linis, maintenance ng school grounds, at seguridad.
✅ 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀𝗲𝘀/𝗦𝘁𝗮𝗸𝗲𝗵𝗼𝗹𝗱𝗲𝗿𝘀: Donasyon ng mga gamit tulad ng pintura, cleaning supplies, o kahit meryenda para sa ating mga volunteers.
✅ 𝗔𝗹𝗹 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀: Pag-aayos ng ating mga garden, pag-aayos ng mga bulletin boards, at pag-aayos ng mga pasilidad para sa ligtas at komportableng pagbabalik-eskwela ng mga bata.
Kahit kaunting oras o donasyon, napakalaking tulong po nito para sa ating mga mag-aaral. Sama-sama nating ihanda ang kanilang "second home" para sa mas masayang pag-aaral!
Para sa mga nais mag-donate o mag-volunteer, mag-message lang po sa aming page o hanapin ang ating 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗠𝗿. 𝗟𝗶𝗻𝗼 𝗖. 𝗣𝗮𝗻𝗰𝗶𝘁𝗼.
Brigada Eskwela 2026: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman!
25/05/2026
𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 (𝐒.𝐘. 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕) | 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤-𝐞𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚!🏫✨
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong tiwala at suporta.
Sa unang araw pa lamang ng enrollment, umabot na sa 𝟭,𝟰𝟬𝟴 ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala!
Nakakataba ng puso na makita ang inyong kasabikan para sa bagong taong panuruan. Welcome po sa inyong lahat, mga bata!
Patuloy lang po kaming maghihintay sa mga hindi pa nakakapag-enroll.
Muli, narito ang mga importanteng requirements, at kung may iba pang katanungan tungkol sa Enrollment, narito ang mga links para sa:
✅ 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗥𝗢𝗟𝗟𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗚𝗨𝗜𝗗𝗘𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦:
https://www.facebook.com/share/p/1JG5pJ9rgo/
✅ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗔𝗦𝗞 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘:
https://www.facebook.com/share/p/1BA9p6ECCi/
24/05/2026
𝟏 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆! 𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐍𝐀!
❗️Para sa mga importanteng requirements at iba pang katanungan tungkol sa Enrollment, narito ang mga links para sa:
✅ 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗥𝗢𝗟𝗟𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗚𝗨𝗜𝗗𝗘𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦:
https://www.facebook.com/share/p/1JG5pJ9rgo/
✅ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗔𝗦𝗞 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘:
https://www.facebook.com/share/p/1BA9p6ECCi/
23/05/2026
𝟐 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆! 𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐍𝐀!
𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮!
Para sa lahat ng Enrollees:
❗️Kasama ang Height & Weight ng mag-aaral na ipapasa sa araw ng Enrollment.
❗️Pumunta sa inyong mga Barangay Health Worker para kumuha ng tamang sukat at timbang ng mag-aaral.
Maraming Salamat sa inyong Kooperasyon!
See you! 👋🏻
For the COMPLETE ENROLLMENT GUIDELINES & PROCESS:
(Click the link below)
https://www.facebook.com/share/p/1adXs3SKQ2/?mibextid=wwXIfr