09/07/2026
📍 MATAGUMPAY NA PAG-UULAT NG 2ND QUARTER SPIRPA SA SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL! 📊🏫
Hulyo 9, 2026 – Isang makabuluhan at produktibong hapon ang naganap sa San Miguel Elementary School (SMES) sa matagumpay na pag-uulat ng School Program Implementation Review and Plan Adjustment (SPIRPA) para sa Ikalawang Kwarter ng Fiscal Year 2026. Ang SPIRPA ay naglalayong masusing suriin ang pagsasagawa ng mga programa, proyekyo at aktibidad ng paaralan, tukuyin ang mga naging hamon sa implementasyon ng mga ito, at magbalangkas ng mga epektibong hakbangin upang mas mapataas pa ang kalidad ng edukasyon at serbisyo para sa mga mag-aaral ng SMES.
Naging organisado at maayos ang takbo ng programa na pormal na binuksan ni Mr. Randy G. Mendoza (Principal IV) sa pamamagitan ng kanyang mainit na Panimulang Pagbati. Sinundan ito ng isang mapanghamon at nakasisiglang Inspirational Messages mula kay Dr. Crisaldo A. Belas (PSDS, Cluster 5) na dumalo sa pamamagitan ng Online Video Conference. Upang maging gabay sa daloy ng talakayan, malinaw na inilahad ni Mrs. Reinalyn F. Morga (SIP Coordinator) ang Statement of Purpose, na sinundan naman agad ng opisyal na Determination of Quorum ni Mrs. Warlina V. Punzalan (Master Teacher I).
Sa pagpapatuloy ng programa, ibinahagi ng aming Punongg**o, Mr. Randy G. Mendoza, ang mahahalagang Data on Education Pillars, habang komprehensibo namang iniulat ni Mrs. Elizabeth T. Rile (School M&E Designate) ang Physical Target (AIP). Para naman sa aspetong pinansyal, masusing siniyasat at inihayag ni Mrs. Jenalyn V. Palapuz (School MOOE in-charge) ang Financial Target (WFP).
Lubos ding nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa walang sawang suporta mula sa aming mga katuwang sa edukasyon na sina Nur Firdaus P. Tambara (SELG President) para sa liderato ng kabataan, Melody T. Farr (SPTA President) para sa suporta ng mga magulang, at Hon. Marvin M. Benis (Barangay Captain, San Miguel II) para sa pakikipagtulungan ng komunidad.
Sa pagkakapit-bisig ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at lokal na pamahalaan, patuloy na magiging matatag ang San Miguel Elementary School sa paggabay sa kinabukasan ng bawat batang San Migueleño!