13/01/2026
DASMARIÑAS MONARCH BASKETBALL ELEMENTARY ,ROAD TO RAAM 2026-
Pinaghahandaan na ng mga batang Beaulah Land Integrated System School o BLISS sa Brgy. Salawag Dasmariñas City ang paparating na Regional Athletic Association Meet sa gaganapin sa Batangas City sa darating na Marso 4 hanggang 14 ,2026
Kabilang sa mga opisyal na manlalaro ng DASMARIÑAS MONARCH ELEMENTARY sina Prince Garcia, Rainier Lianza , Lucas Dolon , Mike Jian Camerino , Jersel Masendo, Lanz Rey, Harvey Vaal , James Olat , Sean Perfecto , Khurt Balanac , Laxus De Guzman at si Mharcky Cabrito
Isinama rin sa line up ang tatlong mahuhusay na manlalaro mula sa pampublikong paaralan na sina Prince Cedrick Cawaling at Anjello Tolentino na mula sa Dasmariñas Elementary School at mula naman sa Dr.Jose P. Rizal Elementary School na si Gian Andrei Basmayor.
Pangungunahan ni Head Coach Jeffrey Kentzie at Assistant Coach EM Gofredo ang pag sasanay at paggabay sa mga batang manlalaro upang maging mahusay at manalo sa RAAM 2026
Beaulah Land Integrated Science School
Dasmariñas City Public Information Office