12/03/2024
🔊Good day, Westians!
Nais ko lang ipabatid sa inyo muli na itutuloy na po namin ang contest ng SDRRM. Bale may dalawang contest na maaari ninyong salihan.
▪️Jingle
▪️Spoken poetry
Kung nais niyong sumali, maaari nyo kaming i-message sa aming page o kaya naman pwede nyo din pong ibigay ang inyong list sa SDRRM Office.
Ang dalawang contest na ito ay magaganap sa March 14, 2024. Saan? Sa stage po ito gagawin. Kaya kung nais nyo pong sumali ay maaari na kayong mag bigay ng listahan ng inyong mga pangalanupang mailagay namin kayo sa aming list of participants at makapag ready na sa papalapit na contest.😊😊
📢Furthermore, kung kayo ay mananalo ay makakatanggap kayo ng certificate as a prize. kaya kung gusto ninyong sumali ay maari na kayong mag palista bago mag March 14, 2024.
Ang mechanics:
Jingle: Ang jingle ay maaari kayong gumawa ng sariling kanta tungkol sa sunog o sa kahit anong sakuna. Maaari kayong magki-join sa ibang section upang bumuo ng group. Ang bawat grupo ay may members na 8 to 10. Ang jingle ay magtatagal ng 3 to 5 minutes at maaari din kayong mag-costume at kung wala naman mas preferred namin na naka wastong kasuotan kayo katulad ng P.E Uniform or School Uniform. Maaari din kayong mag dala ng inyong instrument para sa inyong kanta.😉
TAKE A NOTE: BAWAL PO ANG NAKA SIBILYAN, AT KAILANGAN TANDA NINYO ANG INYONG LYRICS
Spoken poetry: Ang spoken poetry ay maaaring magkaroon ng pang bato ang inyong section upang lumahok sa contest na ito at kung mas marami naman ang sumali sa inyong section ay mas mainam. Ang spoken poetry ay related dapat sa Disaster and Awareness. Wala itong time limit. Kung gaano at ano ang inyong nagawang Spoken Poetry ay ayos lang!
TAKE NOTE: ANG CONTEST AY MAG SISIMULA NG 9 AM TO 10 AM PARA SA MGA PARTICIPANTS NA KASALI AY KAILANGAN NA PONG BEFORE MAG 9 AY NASA SCHOOL NA PO.
Nagpapasalamat kami ng lubos sa inyong lahat. Nais naming makita ang inyong galing sa mga ganap na ito!