CIHS El Articulo

CIHS  El Articulo

Share

Ang pahinang ito ay nagnanais na maitampok ang mahuhusay na akdang likha ng mga mag-aaral ng Congressional Integrated High School.

24/09/2018
23/09/2018

Congratulations! ❤

18/09/2018

Hinay-hinay lang! 😂

31/07/2018

Buwan ng Wikang Pambansa 2018
Tema: Filipino, Wika ng Saliksik

17/05/2018

Hello Congressionalians! 😊

Ikaw ba'y may angking kakayahan sa pagsulat, pagguhit, pagkuha ng larawan o kaya nama'y sa pagbabalita?

Ano pa ang hinihintay mo? Ikaw n nga ang hinahanap namin upang maging bahagi ng "Ang Kongresyunalyan."

Ang sumusunod ang maaari mong salihan upang maging bahagi ng nabanggit na pahayagan:
1. News writing
2. Editorial writing
3. Feature writing
4. Science writing
5. Sports writing
6. Photojournalism
7. Copyreading and Headline writing
8. Editorial Cartooning
9. Collaborative Publishing
10. Radio Broadcasting
11. TV Broadcasting
*Column writing
*Devcom writing

Sa mga nagnanais makilahok, magtungo lamang sa Languages Department at hanapin sina G. Billy Añola at Bb. Mhiel Agustin para sa pagpapatala at pagpapakita ng angking kakayahan! Maraming salamat! ❤💪👍

05/01/2018

BATONG PAMAMAHALA

Berdugo man kung ituring, kakikitaan naman ng kagandahang layunin. Siya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Kilala siya bilang isang strikto, matapang, tigasin at higit sa lahat galit sa korapsiyon at droga. Noon pa lamang na nakaupo siya sa Davao bilang alkalde ay talaga namang siya'y kinatatakutan. Kung kaya't siya ang napusuan ng sambayanang Pilipino bilang susunod na lider ng bansa upang malutas na ang matagal na problema ng krimen at droga.

Sa pag-upo pa lamang ni Pangulong Duterte bilang presidente ng Pilipinas, siya ay agad nangako na susugpuin ang droga at krimen sa bansa. Aniya, sa loob ng 3 buwan ay matutuldukan na ang mga nasabing problema. Sa paglipas ng mga linggo, sunod-sunod ang mga naging patayan sa pagitan ng mga pulis at mga pinaghihinalaang pusher. Hanggang sa kasalukuyan ay libo-libo na ang naging kaso ng Extra-Judicial Killings at Vigilante Style Killings. Nakababahala lang na maging ang mga walang muwang na kabataan ay nadadamay sa mga ganitong programa ng pangulo.

Sariwa pa sa ating mga alaala ang nangyari sa mga kabataang sina Kian Lloyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman. Malalagim at karumal-dumal na paraan ng pagpatay ang kanilang naranasan sa kabila ng murang edad. Oo nga't layunin lamang ng pamahalaan na maisaayos ang bansa ngunit hindi ba't nagiging kalabisan na ang mga ganitong klaseng balita? Nasaan ang hustisya para sa kanila? Maibabalik pa ba ng gobyerno ang mga nawalang buhay nila?

Ang pangulo bilang pinakamataas na kapangyarihan ng bansa ay may napakalaking responsibilidad. Layunin ng bawat lider ang ikagaganda at ikaaayos lamang ng nasasakupan. Si Duterte bilang presidente ng bansa ay kinakikitaan ng magagandang plataporma, programa at layunin ng taumbayan. Hindi mapagkakailang napakagaling na lider ni Duterte ngunit hindi ba't tungkulin din niyang pangalagaan ang karapatang pantao ng mga Pilipino? Bilang mga mamamayan ng bansang ito, obligasyon nating suportahan ang pamahalaan sa mga hakbang na ginagawa nito dahil ito ay para rin sa atin. Ngunit kung may karapatang naapakan o naabuso ang kapangyarihan ay doon na tayo 'wag magbulag-bulagan. Sa ngayon, asahan na lamang muna natin ang batong pamahahala at sa pangulo'y buong pusong magtiwala.

Edmon S. delos Reyes
X - Amorsolo, 2017-18

30/12/2017

Kinain ng Sistema

Subukan mong tingnan ang iyong paligid
O' di ka ba napapaisip kung bakit?
Kung bakit ang noong malalayang ibon
ay ngayo'y bilanggo na nitong panahon.

Naalala ko ang sabi ng aking ina
"O sige maglaro ka ngunit bumalik ka kapag hapon na"
Isa rin ako sa mga batang hinahapon sa palaruan
At ang palo ng ina ang inuuwian

Ngayo'y napamasid ako sa aking paligid
Bakit tila wala ng mga batang naglalaro sa gilid?
O hindi ka ba napapaisip?
Na baka ang mga bata'y inihip nang ika'y nakaidlip?

Ngunit ako'y di sumuko at hinanap ang kasagutan
Ah! ang mga bata nga pala ngayo'y hawak na ang kanilang telepono hanggang sikatan
Mga makabagong teknolohiya tunay bang kapakinabangan?
Teknolohiya na makatutulong dapat bang pagkatiwalaan?

Isa lang naman ang nais kong sabihin
Teknolohiya'y wag mo naman abusuhin
Hindi lang ito para sa'yo, ito'y para sa'tin
Ito'y pagyabungin at sa mabuti gamitin.

Kim Andrea B. Suarez
X - Amorsolo, 2017-18

30/12/2017

Ang Nakalimutang Piraso

Ako ay nagwika ng tatlong salita,
Na kulay ng lipunan ay kakaiba.
Pero ito'y unting-unting nawawala
Dahil sa mga kamay ng teknolohiya.

Ang bawat pagpindot tayo'y nahuhulog,
Sa mga kulay na ating tinutuhog,
Kahit dagdag sa kaalaman ng tugtog,
Ang anyo'y nadadaganan ng kahog.

Katulad ng nawawalang salita,
Ng mga labing wala namang ginagawa,
Sa kulay ng nakaraan ay nakatala,
Makabagong kultura'y kumakawala.

Dapat ang koneksyon na sapat ay tapat,
Sa mga madlang mahal na nagsisilipat,
Para sa mga nakaraan ng pagmulat,
Patungo sa sunod na kasalukuyang patpat.

Johndel Encabo
X - Amorsolo, 2017-18

02/12/2017

KABATAANG NILAMON NG KARIMLAN

Ani Rizal ang kabataan ay pag-asa ng bayan
Ngunit tila ngayo'y sila'y problema ng sambayanan
Mga magulang bakit ang anak ay napabayaan?
Na humantong sa karima-rimarim na karimlan.

Estudyante na araw-araw ang tungo ay tambayan
Kasama ang mga barkadang kanilang naging sandalan
Sama-samang nag-akayan patungo sa maling daan
Pare-pareho rin na nahulog sa kailaliman.

Dating lapis ang hawak ngayo'y sigarilyo ang yakap
Noo'y tubig ang panawid-uhaw napunta sa alak
Natutong gumamit ng bawal na gamot na talamak
Paano na babangon sa delubyong kinahaharap?

Kabataang nasa liwanag akayin ang nabulag
Huwag hayaang makulong sa kadenang 'di makalag
Nang sa gayo'y makalaya sa kulungang nagpahirap
At nang makalipad 'tong ibon na mayroong pangarap.

Cristel Cruz
10 - Amorsolo, 2017-18

25/11/2017

Ikalabing-Isang Utos

Matang walang saplot, balot ng talukap ng mga mata
Sandatang pamuna kung kaya't ilag ang pandinig
Mga tinggang lisensyado kung kaya't di masawata
Nilamon na ng takot sapagkat may busal ang bibig.

Isang simpleng okasyon, kaarawan na ni Elena
Ngunit, sa ibang paraan natampok ang ating bida
Imbitado ang baryo, mga tao nagtipon sa plaza
Ang bida'y bulagta't naligo ng dugo sa kalsada.

Kung dati, marami ang nabubuhay sa gamot, ngayon,
Ang gamot na ang siyang nagtatawag kay kamatayan
Malalamukos mo ang papel ngunit hindi ang karton--
S'yang saad ng ikalabing-isang utos- WAG TULARAN!

Mga mata ko'y walang saplot kaya't dinukot ko sila
Wala ring silbi ang pag-ibig, kawawa ang iba
Saglit na nagbukas ang langit at tuluyang nagsara
Malinaw kong nakita ang tunay na kulay nila.

Kristine Elaine Roco
10 - Amorsolo, 2017-18

25/11/2017

Tunay na Sakit

Nakipagtagisan ang araw sa ulan,
Hindi patatalo sa luksong labanan,
Ang buwan at tala’y nanonood lamang
Sa dugong nanatak sa lupa ng bayan.

At habang patuloy ang pakikilaban,
Nitong Haring Araw sa buhos ni Ulan,
Naghihingalo na'ng mga mamamayan,
Sa mundong ang kulay - bahang kapatagan!

Sa lagkit ng putik, lugmok ang katawan,
At ngayo’y ragasa sa sandaigdigan
At pilit tatabon sa tinig ng bayan
Na minsang nagsabi na sana’y umulan!

Sa nagdagsang dumi sa ilog at dagat,
Hindi ba nangakong babalik sa s’yudad?
Sa nagtayong bahay sa esterong tambak,
Hindi ba sumumpa s’ya ninyong katapat?

Sa gitna ng laban ng lamig at init,
Ngumiti si Buwan at Talang marikit,
Sabay na nagsabing “Lahat ng hinagpis,”
“Tao ang maysala, ang tunay na sakit!”

Kyla Nicole Alpis
10 - Amorsolo, 2017-18

25/11/2017

Itim na Kalapati

Iba't ibang kulay ng mga ilaw, mga usok ng sigarilyo, mga nakaririnding tugtugin at mga naglalampungang babae't lalaki. Ilan lamang 'yan sa mga sasalubong sa akin pag papasok na ako sa aking trabaho dito sa casa.

"Pokpok" kung tawagin ako rito sa lugar namin, trese anyos pa lamang ako ng ipasok ako ng aking ina sa kabaret. Maganda raw kasi ako dahil kalahating Pinay at Amerikana ako. Sabi pa ni nanay, magkakaroon daw ako ng maraming pera dahil tiyak na pipilahan ako ng mga lalaki. Ayaw ko man pero wala akong nagawa kundi sumunod na lang dahil alam ko na ito lamang ang paraan para maiahon ko sa hirap ang aking pamilya at maipagamot ang aking kapatid na si Junjun na may sakit sa puso. Nakakadiri, nakapaninindig balahibo, hindi ko alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Dapat sa mura kong edad ay nag-aaral ako, naglalaro, hindi 'yung sumasayaw sa gitna ng entablado na halos nakahubad na. Hinihiyawan ng mga lalaki na sabik sa laman. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito dahil maraming tao ang umaasa sa'kin.

Isang gabi, habang ako'y nagtatanghal bigla na lamang nagkagulo ang mga tao. Hindi ko alam ang aking gagawin ng mapagtanto ko na nahuli kami ng mga parak. Tatakbo na sana ako ng may tumamang matigas na bagay sa aking paa.

Mindy Muhi
10 - Amorsolo, 2017-18

Want your school to be the top-listed School/college in Dasmariñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Dasmariñas
4114