08/09/2026
TINGNAN | ARAW NG PAGTATALAGA NG MGA BATANG ISKAWTS
Isang masigla at makabuluhang Araw ng Pagtatalaga ng Mga Batang Babae at Lalaking Iskawts ang isinagawa kahapon, ika-07 ng Setyembre, 2026 sa South 2 Covered Court, San Marino City, Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Sa pangunguna ng ating butihing punong-g**o, Ma’am Ilyn P. Javelosa, katuwang ang ating BSP Coordinator, Sir Jonathan A. Benedicto, at GSP Coordinator, Ma’am Faith A. Cerezo, naisakatuparan ang layunin ng gawain na makapagtalaga ng mga bagong iskawts na makakatuwang ng pamunuan sa pagpapanatili ng maayos, matiwasay, at malinis na paaralan.
Sa pamamagitan ng gawain, sabay-sabay na sinambit ng mga itinalagang iskawts ang pangako ng katapatan sa organisasyong kanilang kinabibilangan, at ang pangako ng pagtupad sa kanilang tungkulin bilang batang iskawts. Nagbigay kabuluhan din sa aktibidad ang mga masisipag at mahuhusay na Investing Officers na sina Sir Jhomar Espida Oñas, BSP– Cluster VII, at Ma’am Flora Celeste Esteron, GSP – District Field Adviser, Paliparan II Elementary School, na siyang nanguna sa panunumpa ng mga batang itinalaga.
Sa tagumpay ng gawaing ito, taos-pusong pasasalamat ang aming ipinababatid sa aming punong-g**o, Ma’am Ilyn P. Javelos; BSP Coordinator, Sir Jonathan Benedicto; GSP Coordinator, Ma’am Faith A. Cerezo; Mga Dalubg**o, Ma’am Elma Martinez, Ma’am Laarni Galabo, Ma’am Josephine Mercado, at Sir Brigido F. Caranto Jr..
Buong-pusong pasasalamat din ang aming ipinaaabot sa aming Investing Officers, Sir Jhomar Espida Oñas, at Ma’am Flora Celeste Esteron, sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa tungkulin bilang g**o at iskawts.
Panghuli, sa aming mga minamahal na kaguruan, magulang, at batang iskawts— maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa paaralan.
Patuloy nating linangin sa ating mga sarili ang pagiging Maka-Diyos, Makatao, Maka-Kalikasan, at Makabansa!