18/06/2026
📣Second Quarter National Simultaneous Earthquake Drill📣
Matagumpay na naisagawa ang Second Quarter National Simultaneous Earthquake Drill ngayong Hunyo 18, 2026, alas-9:00 ng umaga, bilang bahagi ng paghahanda ng ating paaralan sa anumang sakuna, lalo na sa lindol.
Bilang paalala at pagpapalawak ng kaalaman, nagsagawa rin ng maikling orientation sa loob ng mga silid-aralan upang muling balikan ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Layunin nito na mas mapaigting ang kamalayan at kahandaan ng bawat mag-aaral.
Ang mga mag-aaral naman sa afternoon session ay aktibong nakiisa sa drill sa pamamagitan ng pagsasagawa nito sa kani-kanilang tahanan, kasama ang kanilang mga pamilya—isang patunay ng pakikiisa at kahalagahan ng kahandaan sa loob at labas ng paaralan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Gng. Anecita D. Taneo, School Head, katuwang ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang.
Sama-sama para sa kaligtasan!
Lagi’t laging handa, sa oras ng sakuna.
08/06/2026
📣 BALIK-ESKWELA 2026 🎒
Ngayong Hunyo 8, 2026, opisyal nating sinimulan ang panibagong taon ng pag-aaral sa pamamagitan ng Flag Ceremony, Class Orientation, at iba pang opening block activities. Patuloy rin ang on-going enrollment para sa mga mag-aaral.
Sa pangunguna ni Ma’am Anecita D. Taneo, School Head, kasama ang ating masisipag na SEES teachers, at sa pakikiisa ng mga magulang at mag-aaral, naging maayos at makabuluhan ang pagbubukas ng klase.
Maligayang pagbabalik sa ating paaralan! Nawa’y maging ligtas, masaya, at puno ng kaalaman ang taong panuruan na ito.
05/06/2026
General PTA Assembly SY 2026–2027
Matagumpay na naisakatuparan ang General PTA Assembly para sa School Year 2026–2027 noong June 5, 2026, na nagsilbing mahalagang daluyan ng pagbibigay-impormasyon at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng paaralan at mga magulang.
Ang programa ay mahusay na pinangunahan ng emcee na si Ma’am Marites Napa, Grade 2 Adviser, na naging gabay sa maayos na daloy ng gawain.
Sinimulan ang programa sa registration at mga preliminaries, na sinundan ng Welcome Remarks mula sa ating punong g**o, Ma'am Anecita D. Taneo.
Sa bahagi ng General Orientation Proper, tinalakay ng mga tagapagsalita ang mahahalagang usapin para sa bagong taon panuruan:
📌 Academic Calendar (Three-Term System) – Christopher L. Lompero, MT1
📌 Enrollment Documents Needed – Jacquelyn V. Bautista, LIS coordinator
📌 Child Protection Policy / HGP – Ominta A. Lantud, Guidance Teacher-in-charge
📌 School Policies – Ellen V. Taguba, MT1
📌 WINS – Maricel P. Lagata, WINS coordinator
📌 Health and Wellness – Virginia C. Mataverde, Clinic Teacher- in-charge
Ang programa ay nagtapos sa Closing Remarks mula sa ating SPTA president, Gng.Rizza F. Buentiempo, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pakikiisa ng komunidad.
Ipinapabatid ang taos-pusong pasasalamat sa mga magulang at g**o sa kanilang aktibong pakikilahok. Ang ganitong pagtutulungan ay mahalaga sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon at ligtas na kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
05/06/2026
Brigada Eskwela Day 4 & 5 Highlights
Maraming salamat po sa ating mga Brigada Heroes na patuloy na tumulong sa pag-ayos at pagpanatili ng kalinisan ng ating paaralan.
Day 4: Pinangunahan ng YES-O Coordinator na si Ma’am Emma Aquiatan ang oryentasyon para sa mga mag-aaral at magulang tungkol sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagpapatupad ng kalinisan sa loob at labas ng paaralan.
Day 5: Nagtapos ang programa sa isang masiglang Zumba dance bilang pagpapalakas ng katawan kasama ang mga KDBM at SEES teachers.
Muli, maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta! Samasama para sa isang malinis at maayos na paaralan!
04/06/2026
📢 PAANYAYA SA MGA MAGULANG:
GENERAL PTA ASSEMBLY
Magandang araw po!
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang na dumalo sa ating General PTA Assembly sa Hunyo 5, 2026 (Biyernes) sa Sultan Esmael School Ground.
Oras:
Kinder to Grade 6 Parents/Guardian:
7:00 - 11:00 AM
Sa pagpupulong na ito, tatalakayin ang mahahalagang impormasyon para sa darating na taon ng pag-aaral, kabilang ang bagong Three-Term School Calendar.
Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang mas mapagtibay ang ating pagtutulungan para sa tagumpay at magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
03/06/2026
📣 BRIGADA ESKWELA 2026 | DAY 2 & 3 UPDATE 📣
Ipinagpatuloy sa Ikalawang Araw ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga silid-aralan sa tulong ng mga g**o, mag-aaral, at boluntaryong mga magulang. Sa Ikatlong Araw naman, nagsagawa ng orientasyon ang mga kawani ng Barangay Health Center para sa mga magulang hinggil sa kahalagahan ng bakuna, wastong nutrisyon, at regular na pagmomonitor ng timbang at taas ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin din ni Ma’am Virginia Mataverde, Teacher-Clinic In-Charge, ang mga mahahalagang paalala tungkol sa kalusugan.
Sa hapon, nagpatuloy ang clean-up drive sa buong paaralan bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pasukan.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamunuan sa mga opisyal ng SELG sa kanilang pagtulong sa paglilinis ng LR room at sa boluntaryong pagsuporta sa enrolment. Ang matagumpay na gawain ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan ng komunidad.
03/06/2026
Enroll na sa ALS para sa School Year 2026-2027‼️📣
Kung ikaw ay out-of-school youth or adult (OSYA) edad 12 years old pataas at gustong magpatuloy ng pag-aaral sa Elementary o
16 years old pataas ngunit natigil ng pag-aaral sa Junior High School (JHS), maaaring kang magpatuloy sa iyong pag-aaral
sa pamamagitan ng ALS.
PARAAN NG PAGPAPATALA:
✅ ONLINE Enrollment: https://tinyurl.com/ALS26-27
✅ DROPBOX: Kumuha ng Enrollment Form (AF2) na nasa box at sagutan. Ibalik kasama ang photocopy ng iyong BIRTH CERTIFICATE. Ihulog ito sa dropbox kung saan kumuha ng form.
Para sa mga karagdagang impormasyon o katanungan:
📌fb account: Maria Rose Durano
📌call : 0909-466-2338
📍 Sultan Esmael Elementary School - Learning Center
tinyurl.com
02/06/2026
ARAL Learning Camp 2026
Sultan Esmael Elementary School proudly celebrates the successful implementation of the ARAL / Summer Learning Camp 2026, conducted from May 6 to June 2, serving learners from Grades 2–6 with focused support in reading and numeracy.
This 20-day program strengthened learners’ foundational skills, boosted their confidence, and prepared them for the incoming school year through engaging and meaningful learning experiences.
👏 With heartfelt appreciation, the school recognizes the dedication and commitment of our ARAL Tutors:
Ellen V. Taguba, Rechelle U. Yasis, Rizza F. Imperial, Ednalyn C. Reyes, Jessel S. Abante, and Jasmen B. Abdul for their tireless efforts in guiding and inspiring our learners.
🌟 Special thanks to our External Tutor/Volunteer, Suzette Q. Agramon, for her invaluable support in the program’s success.
🤝 We also acknowledge the presence and support of our SPTA President, Mrs. Riza Buentiempo, for strengthening community involvement.
Sincere appreciation is extended to our School Head, Ma’am Anecita D. Taneo, for her guidance and unwavering support that ensured the smooth and successful implementation of the program.
🎉 Most importantly, congratulations to our ARAL learners for their diligence, perseverance, and hard work throughout the program. Your dedication is truly commendable, and we are proud of your achievements!
Together, we continue to uplift every learner toward success.