ISCAG Philippines - Da'wah Female Section

ISCAG Philippines - Da'wah Female Section

Share

ISCAG PHILIPPINES - Da'wah Female Section

Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 21/04/2026

MUHADARAH ISLAMIYYAH

Alhamdulillah papuri at pag dadakila ay tanging sa Allah lamang sa isang mabiyayang pagtitipon na puno ng kaalaman, paalala, at pagpapalakas ng ating eeman.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito, mula sa iba’t ibang organizations na umattend, sa ating mga estudyante na naglaan ng oras, sa ating mga masisipag na volunteers lalo't higit sa ating mga butihing guests speaker na nag bahagi ng kapaki pakinabang na mga kaalaman sa atin.

Sa kabuuan ng pagtitipon, pinaalalahanan tayo na sa gitna ng ingay at pagsubok ng mundo, ang tunay na kapanatagan ay matatagpuan sa paglapit sa Allah. Nawa’y maisabuhay natin ang mga aral na ating natutunan at gawin ang Islam bilang sentro ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Nawa'y tanggapin ng Allah ang pag sisikap ng bawat isa. 💚🤲🏻

Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 17/04/2026

Bismillah!Lubos po ang aming taos-pusong pasasalamat sa nagkaloob ng aklat na “Pinagaang Kahulugan ng Maluwalhating Qur’an sa Wikang Tagalog.”

Malaki po ang maitutulong nito sa ating mga mag-aaral upang hindi lamang mabigkas ang Qur’an, kundi maunawaan at mapagnilay-nilayan ang mga kahulugan ng mga talata nito na siyang nagiging daan upang mas mapalapit ang puso sa gabay ng Allah.

Tunay na ang ganitong gawain ay kabilang sa mga patuloy ang gantimpala, sapagkat ito ay kaalamang napapakinabangan

Sa bawat pagbasa at pagsasabuhay ng mga aral ng Qur’an, nawa’y patuloy ninyong matanggap ang gantimpala mula sa Allah.

Para naman sa mga nagnanais magbahagi rin ng kabutihan sa pamamagitan in-kind, o cash donations maaari po kayong mag-message sa aming page para sa karagdagang impormasyon.

Jazakumallahu khayran wa barakallahu feekum. 💚🤲🏻

Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 17/04/2026

NEW REVERT MUSLIMS

Hindi pare-pareho ang landas ng bawat tao patungo sa Islam.May ilan na mula pagkabata ay inilapit na ng Allah sa Islam, habang ang iba naman ay hinayaan munang maglakbay, maghanap, at maranasan ang iba’t ibang pananaw sa buhay bago tuluyang makita ang katotohanan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagkakaibang ito, iisa ang pinatutunayan—na ang hidayah ay isang biyaya na hindi natin kayang angkinin sa sarili nating lakas. Ito ay regalo mula sa Allah na ibinibigay Niya sa sinumang Kanyang naisin.💚🤲🏻

13/04/2026

Assalamualaykum wa rahmatullahi wa barakatuh! 💚

ISCAG Philippines-Da'wah Female Section warmly invite you to join our Muhadarah Islamiyyah — a beautiful gathering of knowledge, reflection, and sisterhood, exclusively for sisters.

Come and nourish your soul as we reconnect with the Qur’an and discover the true tranquility of the heart through the guidance of the Qur’an and Sunnah.

Together with our respected guest speakers — Ustadha Aisha Mae Nantiza and Ustadha Maryam Quiñones.

Let us sit together for the sake of Allah. 🤲🏻💚

Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 06/04/2026

Ang paghahanap ng kaalaman sa Islam ay hindi lamang simpleng pag-aaral, ito ay isang uri ng pagsamba (ibadah) na minamahal ng Allah. At habang dinaragdagan natin ang ating kaalaman, mas lalo tayong napapalapit sa kabutihan.

Ang tunay na kaligayahan at tagumpay sa mundong ito maging sa kabilang buhay ay nagmumula sa tamang kaalaman. At ang karamihan sa kasamaan ay bunga ng kamangmangan at paglayo sa gabay ng Islam.

Naway piliin natin mapabilang ang ating mga sarili sa mga nag sasaliksik ng kaalaman at nag sisikap matuto anuman ang edad at estado natin sa buhay.

Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 06/04/2026

NEW REVERT MUSLIMS

Hindi maitatanggi na ang Islam ang pinakamabilis lumaganap na relihiyon. Marami ang lumalapit upang alamin ang katotohanan at sa sandaling maunawaan nila, agad nila itong tinatanggap at taos-pusong binibigkas ang Shahadah o Testimony of Faith.

Naway patuloy silang patnubayan ng Allah sa matuwid na landas at magpatuloy sila sa pag sasaliksik ng kaalaman na siyang magiging gabay nila upang maisabuhay ang Islam. Ameen 💚🤲🏻

28/03/2026
Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 27/03/2026

Distribution of Zakatul Fitr | Ramadhan Program 2026

Alhamdulillah, sa kapahintulutan at awa ng Allah matagumpay nating naipamahagi ang almost 250 packs ng bigas.

Through the generosity of our donors and sponsors, naging posible ang gawaing ito.Jazakumallahu khayran sa mga taong nag tiwala at nag bahagi.

Nawa’y ipagkaloob muli sa atin ng Allah ang pagkakataon sa susunod na Ramadhan na makapamahagi ng Zakat al-Fitr at magpatuloy sa paglilingkod para sa Kanyang kaluguran.

May Allah bless all those behind this program, ang ating mga donors, volunteers, at organizers with barakah in their wealth, time and efforts. Barakallahu feekum. 💚🤲🏻🤲🏻

Photos from ISCAG Philippines - Da'wah Female Section's post 27/03/2026

New Revert Muslims during the month of Ramadhan.

Bawat isa ay may kanya-kanyang kwento kung paano nila niyakap ang Islam but one thing is certain, it is the guidance and mercy of Allah that brought them to the truth.

Nawa’y patuloy silang patnubayan sa matuwid na landas, ang landas ng mga pinagpala, ang landas ng katotohanan at liwanag. Ameen! 🤲🏻💚💚

Want your school to be the top-listed School/college in Dasmariñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Brgy. Salitran 1, City Of Dasmarinas, Cavite
Dasmariñas
4114

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
2pm - 5pm