30/08/2026
EAC 3RD YEAR NURSING STUDENT, PINURI SA AGARANG PAGTULONG SA BIKTIMA NG AKSIDENTE SA SILANG
Pinuri ang EAC 3rd Year Nursing Student na si Andrea Layugan matapos umanong agad na tumulong sa isang taong nasangkot sa aksidente malapit sa Silang Central School.
Ayon sa isang concerned citizen na nakasaksi sa insidente, agad na nilapitan at tinulungan ni Andrea ang nasugatang biktima habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya.
Makalipas ang humigit-kumulang 10 minuto, dumating ang ambulansya upang ipagpatuloy ang pag-asikaso sa biktima.
Wala namang ibang naiulat na nasaktan sa insidente.
Ang mabilis na pagtugon ni Andrea Layugan ay nagsilbing halimbawa ng malasakit, kahandaan at pagtulong sa kapwa sa oras ng emergency.
Nagsisilbi rin itong paalala sa publiko na maging maingat at mapagmatyag, lalo na sa mga lugar na malapit sa mga paaralan.
๐ Saludo kay Andrea Layugan sa kanyang malasakit at kahandaang tumulong!