18/09/2026
https://www.facebook.com/share/1Bqf4GdGEw/
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136, s. 2026, suspendido ang trabaho sa mga ahensya at instrumentalities ng National Government, kabilang ang GOCCs at state universities and colleges, sa September 28, 2026, simula 1:00 PM.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Ang hakbang ay bahagi ng paggunita sa 34th National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day 2026.
Basahin: https://www.officialgazette.gov.ph/tFb8bC