26/08/2026
🌱 PROJECT TARA BATIBOT: ECO-BAYANIHAN IN ACTION! 💚
Sama-sama nating isinasabuhay ang diwa ng bayanihan para sa kalikasan! 🌿♻️
Matagumpay na naisagawa ng Langkaan Elementary School ang mga unang gawain para sa Project TARA BATIBOT: Eco-Bayanihan, sa aktibong pakikiisa at pagtutulungan ng ating mga SPTA Officers, SELG Officers, at YES-O Officers.
💚 SPTA Officers — nanguna sa mga gawaing may kaugnayan sa pagtatatag ng composting system at paghahanda para sa paggawa ng eco-bricks gamit ang mga nakolektang plastic bottles at iba pang plastic wastes.
🌱 SELG Officers at YES-O Officers — naging katuwang sa pagsusulong ng wastong paghihiwalay ng basura, pangongolekta ng recyclable materials, at paghikayat sa mga kapwa mag-aaral na maging responsable sa pagtatapon at pangangalaga ng kapaligiran.
Ang simpleng pagkilos ng bawat isa ay malaking hakbang tungo sa isang malinis, luntian, at ligtas na paaralan. Ipinapakita natin na kapag ang buong school community ay nagtutulungan, tunay na nagiging makabuluhan ang bawat munting hakbang. 💚
TARA, BATIBOT! 🌿♻️
Tara sa wastong segregation!
Tara sa recycling!
Tara sa eco-bricks!
Tara sa mas malinis at luntiang Langkaan Elementary School!
🤝 Eco-Bayanihan: Sama-sama para sa Kalikasan, Sama-sama para sa Kinabukasan!
🌱💚