RVAlbay Daraga NHS

RVAlbay Daraga NHS School ID 301825

13/06/2026
🇵🇭 Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas! Ipagmalaki natin na tayo ay mga Pilipino!Ngayong ika-12 ng Hunyo, 2026 ipinagdiriw...
11/06/2026

🇵🇭 Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas! Ipagmalaki natin na tayo ay mga Pilipino!

Ngayong ika-12 ng Hunyo, 2026 ipinagdiriwang natin ang ika-128 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Ginugunita natin ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay makamit lang natin ang kalayaan.

Sa bawat pagwagayway ng watawat at sa bawat aral ng kasaysayan, patuloy nating isinasabuhay ang diwa ng kalayaan sa isip, sa salita at sa gawa at tunay na ipinagmamalaki ng lahat ng mga mag-aaral, g**o at mga personalidad ng DNHS na tayo ay PILIPINO.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Kalayaan!



08/06/2026
08/06/2026

Maagang nagising. Maagang naghanda. At ngayon, maagang nangangarap.

Muling nabuhay ang mga silid-aralan ng Daraga National High School sa unang araw ng pasukan para sa School Year 2026–2027. Bitbit ng bawat mag-aaral ang bagong pag-asa, bagong kuwento, at panibagong pagkakataong abutin ang kanilang mga pangarap.

Sa tulong ng mga g**o, kawani, magulang, at mga katuwang ng paaralan, naging maayos, ligtas, at masigla ang pagbubukas ng klase sa ilalim ng Oplan Balik Eskwela 2026.

Hindi lang ito pagbabalik sa paaralan—ito ay pagbabalik ng mga pangarap, pagkakaibigan, tawanan, at mga alaalang muling mabubuo sa loob ng silid-aralan.

Isang bagong school year.
Isang bagong simula.
Isang hakbang palapit sa pangarap.

Welcome back, Daragueño learners! Ang pinakamagandang bahagi ng taon ay nagsisimula pa lang.

🎤 Aloha Albaytar
📸💻 Kim Biton/Athan Postrado

#

07/06/2026

"Ganyan pag nagkakaisa"
Sa loob ng isang linggo,nalinis,napinturahan,napaganda natin ang Daraga National High School.
Maraming salamat sa lahat ng tumugon sa panawagan ng Brigada Eskwela 2026
Ang pagod sulit para sa kinabukasan ng mga mag aaral !!!
# Bayanihan

“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman” Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga g**o, magula...
03/06/2026

“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga stakeholders na nakiisa sa ating Brigada Eskwela! Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, masisig**o natin ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto ng ating mga kabataan.

Dahil sa Brigada, hindi lang paaralan ang ating inaayos—kundi ang kinabukasan ng bawat mag-aaral. Mabuhay ang diwang Bayanihan!

Photographers: Arrean Heart Blazo | Aliyah Umali |Thia Lesniana
Layout Artist: Angel Noelle Monteon

Address

Sagpon
Daraga
4501

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63528260692

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Daraga NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to RVAlbay Daraga NHS:

Shortcuts

Share

Category