12/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง, ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ!
๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ช๐จ๐ถ๐ฆ๐ญ ๐๐ณ๐ช๐ญ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฆ๐ด, ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ธ๐ด ๐๐ณ๐ช๐ต๐ฆ๐ณ
Isang daan at dalawampu't walong taon na ang nakalipas simula nang ipahayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga pananakop ng mga Kastila. Naganap ito sa balkonahe ng bahay ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa Cavite kung saan iwinagayway ang watawat ng bansa kasama ng pagwika ni Ambrosio Rianzares Bautista ng Deklarasyon ng Kalayaan mula sa mga banyaga. Matapos tatlong daan at tatlumpu't tatlong taon ng pananakop ay naganap ito bunga ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong inialay maging ang kanilang buhay para sa kalayaan.
Ang araw ng kalayaan ay nananatiling higit pa sa isang paggunita sa nakaraanโisa itong paalala na ang kalayaan ay hindi natatapos sa pag tataboy ng mananakop. Isang adhikaing dapat patuloy na pinangangalagaan at isinasabuhay ng bawat henerasyon dahil ang pagkakakulong ng ating demokrasya ay hindi lamang sa pananakop ng mga banyaga nangyayari.
Nananatili parin ang mga hamong sumusubok sa ating bansa at nagkakait sa atin ng kalayaan. Sa gitna ng korapsyon, maling paggamit ng kapangyarihan, at mga suliraning panlipunan, naaalala natin na ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng sariling watawat ngunit ito rin ay ang kakayahang mamuhay nang may dignidad, katarungan, at pantay na oportunidad.
Ngayong araw ng kalayaan, nawaโy hindi lamang natin alalahanin ang mga bayani ng nakaraan. Nawaโy maging insipirasyon sila upang tayo rin ay maging mabubuting mamamayan sa kasalukuyan. Mamamayang mapanuri sa katotohanan, matatag sa paninindigan, at handang kumilos at ipaglaban ang bayan. Sapagkat ang kalayaan ay hindi lamang pamana ng ating mga ninuno. Ito ay isang responsibilidad na ipinagkatiwala sa ating upang manatili at maipasa sa mga susunod na mamamayang pilipino.
Sa araw na ito ay kinikilala hindi lamang ang nakaraang naghatid sa Pilipinas ng kalayaan mula sa ilang daang taon ng pananakop. Inaalala ngayon ang bawat Pilipino na pilit lumalaban upang mapanatili ang kalayaan na mayroon tayo. Sa mga manunulat na patuloy na naghahatid ng mga totoong impormasyon kahit na kaakibat nito ang takot at pambabantaโ kayo ang tunay na gumigising sa demokrasya ng ating bansa. Sa mga opisyal ng gobyernoโ nasyonal man o lokalโ na nanatiling tapat sa paglilingkod para sa taong-bayan at hindi para sa pera ng taong-bayan, nawa'y patuloy kayong maging mga boses ng Pilipino sa mga pagdinig sa kabila ng mas malakas na boses ng kasakiman.
At higit sa lahat, sa bawat Pilipinong nananatiling mulat sa katotohanan at lumalaban para sa kaalaman at karapatan ng lahat, kayo ang pag-asa sa ating pagkamit kalayaan saanmang larangan ng lipunan.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ!
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐!
๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ช๐ฌ๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ข๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ