Daraga Community College

Daraga Community College The Official page of Daraga Community College GOALS
As a tertiary academic institution, the DComC shall have the following goals and objectives:
a.
(4)

VISION
An academic institution of excellence, highly responsive to the evolving culture and practice of teaching and learning for quality education, that is committed to produce empowered, productive and globally competitive professionals. MISSION
To produce quality, relevant and productive graduates by employing best practices and actively diffusing a culture of research and excellence. Provide

a high-quality education to each student to fully develop his knowledge, desirable values, and skills of learning;
b. Provide a safe, nurturing, disciplined, and stimulating environment in which each individual is challenged and enriched by learning within a culture of mutual respect;
c. Prepare each student to fulfilling a happy and successful life as an active citizen in a global and sustainable society;
d. Engage in positive partnership with all parents and guardians to support and recognize each student's learning and development; and
e. Network with other internal and external stakeholders to support the needs and professional development of staff and stakeholders.

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ ๐„๐ง๐ญ๐ซ๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐•๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ž๐ž๐ฌ! ๐ŸŽ‰Congratulations to Dr. Leila Lak...
12/08/2026

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ ๐„๐ง๐ญ๐ซ๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐•๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ž๐ž๐ฌ! ๐ŸŽ‰

Congratulations to Dr. Leila Lakindanum-Cerdino, Dean of the College of Business Education; Ms. Anabel C. Bongala, MM, Program Head; and Ms. Germel Salar M. Moit, MEntrep (CAR), Faculty Member of the BS Entrepreneurship Program of Daraga Community College, for being recognized as Fully Certified Entrepreneurship Educators and for winning the Best Venture Award among the 10 participating universities and colleges in the Bicol Region.

Their achievement demonstrates creativity, ingenuity, innovation, and excellence, setting a meaningful standard for aspiring entrepreneurs and entrepreneurship educators.

The awards were presented during the WEN Ignite Entrepreneurship Faculty Development Training Commencement Ceremony, held via Zoom on July 6, 2026.

The three educators successfully completed the necessary requirements under the Faculty Development Program (FDP) conducted by the Wadhwani Entrepreneurship Network (WEN), Wadhwani Foundation, from May 26 to June 20, 2026.

The Wadhwani Foundation is a global, high-growth, not-for-profit technology organization dedicated to social good. Since its inception in 2001, the Foundation has maintained a powerful mission: accelerating job growth and enabling millions of people to earn a family-sustaining wage and lead a dignified life.

This recognition is a testament to their dedication to entrepreneurship education, innovation, and the development of future entrepreneurs.

Congratulations, Dr. Leila, Maโ€™am Anabel, and Maโ€™am Germel! May this achievement inspire you to continue creating meaningful impact through entrepreneurship education. ๐ŸŽ“๐Ÿ†โœจ









๐€๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐’๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐š๐ญ ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐›๐ก๐š๐ฌ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ซ๐š๐ ๐š ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ง๐š ๐‘ต๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’Ž๐’‘๐’๐’Œ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐…๐ข...
03/08/2026

๐€๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐’๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐š๐ญ ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐›๐ก๐š๐ฌ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ซ๐š๐ ๐š ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ง๐š ๐‘ต๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’Ž๐’‘๐’๐’Œ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ซ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ข๐ค๐จ๐ฅ: ๐Œ๐ ๐š ๐€๐ฆ๐›๐š๐  ๐ฌ๐š ๐ƒ๐จ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š, ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ˆ๐๐ž๐ง๐ญ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐ข๐ค๐จ๐ฅ๐š๐ง

Ang mga saliksik na ito ay higit pa sa dokumentasyon ng mga tradisyon, paniniwala, kabuhayan, at salaysay ng mga Bikolano. Sa pananaw ng lingguwistika, ang mga ito ay pag-aaral sa mga paraan kung paano nagiging imbakan ng kasaysayan, kultura, at identidad ang wika. Ang bawat katutubong salita, idyoma, kasabihan, terminolohiya, at naratibo na naitala, hindi lamang bahagi ng bokabularyo kundi bahagi ng kolektibong alaala ng isang sambayanan.

Sa pagsusuri ng mga karanasan kaugnay ng pamanang kultural, lumilitaw na ang identidad ng mga Bikolano ay hindi nalilikha lamang ng heograpiya o kasaysayan kundi ng mga kahulugang ibinibigay ng pamayanan sa kanilang mga karanasan. Ang mga salitang ginagamit upang pangalanan ang mga lugar, ritwal, simbolo, at tradisyon ay nagsisilbing mga repositoryo ng kahulugan, na nag-uugnay sa kasalukuyang salinlahi sa kanilang nakaraan. Sa ganitong pananaw, ang wika ay nagiging daluyan ng alaalang pangkultura at kasaysayang lokal.

Mahalagang ambag din ng mga saliksik hinggil sa katutubong panggagamot ang pagbubunyag sa isang malawak na etnomedikal na leksikon ng Kabikolan. Ang mga katawagang ginagamit sa pagpapagaling, pag-unawa sa karamdaman, at pakikipag-ugnayan sa kalikasan ay nagpapakita ng natatanging sistema ng kaalaman ng mga Bikolano. Ipinakikita nito na bago pa man umiral ang mga modernong institusyon ng medisina, mayroon nang nakagawian at organisadong paraan ng pag-unawa sa kalusugan na nakapaloob sa wika ng komunidad. Ang pagkawala ng mga terminolohiyang ito ay nangangahulugan din ng pagkawala ng isang mahalagang bahagi ng intelektuwal na kasaysayan ng rehiyon.

Ang mga pag-aaral tungkol sa mga pamahiin, kasabihan, at idyoma ay naglalantad ng tinatawag sa etnolingguwistika na worldview encoded in language o pananaw-daigdig na nakapaloob sa mga pahayag ng mamamayan. Ang mga pamahiin ay hindi simpleng paniniwala lamang; sumasalamin ang mga ito sa sinaunang paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan, pananampalataya, at lipunan. Ang mga kasabihan naman ay tagapag-ingat ng mga pagpapahalagang moral, samantalang ang mga idyoma ay nagpapakita ng malikhaing pag-iisip ng mga Bikolano. Sa kabuoan, ang mga anyong ito ng diskurso ay mahalagang bahagi ng di-materyal na pamanang pangkultura ng Kabikolan.

Mula naman sa pag-aaral ng mga leksikon ng kabuhayan, lalo na sa larang ng pagkain, agrikultura, at produksiyon ng abaka, lumilitaw ang malalim na ugnayan ng wika at ekonomiya. Ang bawat katawagan sa mga proseso ng pagtatanim, pag-aani, pagproseso, at paglikha ng produkto ay bunga ng mahabang panahong pakikibagay ng tao sa kaniyang kapaligiran. Dahil dito, ang mga salitang ito ay hindi lamang teknikal na termino kundi mga bakas ng kasaysayang pangkabuhayan ng mga pamayanang Bikolano. Kapag nawawala ang isang lokal na industriya o tradisyonal na gawain, kasabay nitong nanganganib ang pagkawala ng mga salitang nakaugnay rito.

Ang mga pagsusuri sa mga pagdiriwang, pistang bayan, at iba pang gawaing pangkultura ay nagpapakita na ang mga ritwal at pampublikong pagtatanghal ay mga anyo rin ng komunikasyong pangkultura. Sa bawat awit, sigaw, simbolo, at salaysay na ginagamit sa mga pagdiriwang ay muling binubuo at pinagtitibay ang pagkakakilanlang Bikolano. Ang mga ito ay nagiging buhay na teksto na maaaring basahin at suriin bilang representasyon ng kolektibong kamalayan ng isang rehiyon.

Sa larangan ng turismo at pamanang kultural, mahalagang maunawaan na ang mga pook-pamana ay hindi lamang mga destinasyon. Ang mga ito ay mga espasyong naglalaman ng mga kuwento, gunita, at kahulugang panlipunan. Sa pamamagitan ng naratibo ng mga mamamayan at ng mga tekstong biswal na naglalarawan sa mga lugar na ito, mas nabibigyang-buhay ang ugnayan ng tao, wika, at espasyo. Ito ang dahilan kung bakit ang heritage discourse ay mahalagang bahagi ng makabagong pag-aaral ng kultura at identidad.

Mahalaga rin ang mga saliksik tungkol sa gampanin ng kababaihan sapagkat ipinakikita ng mga ito kung paano hinuhubog ng wika at diskurso ang pagtingin ng lipunan sa kasarian. Ang pagkilala sa ambag ng kababaihan sa agrikultura at pagpapaunlad ng komunidad ay hindi lamang usapin ng representasyon kundi ng pagbibigay-halaga sa mga tinig na madalas na naisasantabi sa mga tradisyunal na naratibo ng kasaysayan.

Samantala, ang pagsusuri sa mga sagisag-kultura sa panitikang Bikol ay may natatanging kabuluhang pangkasaysayan. Ang mga epiko at tradisyonal na salaysay ay nagsisilbing imbakan ng sinaunang kamalayan ng mga pamayanan. Sa mga tekstong ito matatagpuan ang mga konsepto ng kabayanihan, pamumuno, ugnayan sa kalikasan, at pagkakabuklod ng komunidad. Sa pagbuo ng korpus at sistematikong pagsusuri sa mga tekstong ito, napangangalagaan ang intelektuwal at pampanitikang pamana ng Kabikolan para sa mga susunod na henerasyon.

Sa mas malawak na konteksto, ang lahat ng mga pag-aaral na ito ay may mahalagang ambag hindi lamang sa Bikolanong identidad kundi maging sa Pilipinong identidad. Ang pambansang identidad ay hindi nabubuo mula sa iisang sentro ng karanasan. Sa halip, ito ay binubuo ng samot-saring lokal na kultura, wika, at kasaysayang rehiyonal. Sa bawat naitatalang salitang Bikol, sa bawat nadodokumentong tradisyon, at sa bawat nasusuring salaysay ng komunidad, higit ding napayayaman ang konsepto ng pagiging Pilipino. Ang lokal na kaalaman ay nagiging pambansang kaalaman; ang rehiyonal na identidad ay nagiging mahalagang bahagi ng pambansang identidad.

Sa ganitong dahilan, ang mga saliksik na ito ay maituturing na mahalagang ambag sa preserbasyong pangwika, dokumentasyong pangkultura, at rekonstruksiyong pangkasaysayan ng Kabikolan. Pinatutunayan ng mga ito na ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon kundi isang buhay na arkibo ng kultura, karunungan, at pagkakakilanlan ng sambayanan.

Ang mga saliksik na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng technical assistance, konsultasyon, at serbisyo publiko ng KWF Sentro ng Wika at Kultura ng Dalubhasaan ng Pamayanang Daraga, katuwang sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon ng Filipino, dokumentasyon ng mga wikang rehiyonal, at pagpapalalim ng Araling Bikol at Filipino bilang larang ng saliksik na nakaugat sa kultura, kasaysayan, at identidad ng sambayanang Pilipino.

03/08/2026
03/08/2026

๐“ฆ๐“ฒ๐“ด๐“ช. ๐“š๐“พ๐“ต๐“ฝ๐“พ๐“ป๐“ช. ๐“˜๐“ท๐“ธ๐“ซ๐“ช๐“ผ๐”‚๐“ธ๐“ท.

Ang wika ang susi sa kaalaman, kultura, at pagkakakilanlan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, patuloy nating isulong ang paggamit ng Wikang Filipino bilang kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa mas malawak na yaman ng impormasyon.

Sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa pamamagitan ng iba't ibang patimpalak at gawaing nagpapahalaga sa ating wika at kultura.

๐‘ฏ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’‚โ€™๐’• ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’‰๐’๐’Œ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’Š๐’Š๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’…๐’Š๐’“๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚ 2026!

ADVISORY | FINAL CALL FOR UNCLAIMED TES & TDP GRANTSAttention to all Tertiary Education Subsidy (TES) and Tulong Dunong ...
23/07/2026

ADVISORY | FINAL CALL FOR UNCLAIMED TES & TDP GRANTS

Attention to all Tertiary Education Subsidy (TES) and Tulong Dunong Program (TDP) grantees!

This is the FINAL CALL for all grantees who have not yet claimed their financial grants. All concerned grantees are hereby advised to immediately visit the DComC UniFAST/Scholarship Office on or before July 31, 2026, to verify and process their unclaimed grants.

The list of grantees with unclaimed grants is provided below.

https://drive.google.com/file/d/1GMuTOQtKfq22IQhWg-SUUINeyYFMRyFL/view?usp=drive_link

https://drive.google.com/file/d/1GMuTOQtKfq22IQhWg-SUUINeyYFMRyFL/view?usp=drive_link

https://drive.google.com/file/d/1GMuTOQtKfq22IQhWg-SUUINeyYFMRyFL/view?usp=drive_link



Please note: This advisory applies to all unclaimed TES and TDP grants, regardless of the semester or academic year covered. It is not limited to the semester(s) and academic year(s) previously mentioned.

If you believe you still have an unclaimed grant or stipend but your name does not appear on the list, you are still encouraged to visit the DComC UniFAST/Scholarship Office for verification and the necessary processing.

Important: Failure to claim your grant may result in the unclaimed funds being returned to the CHED Regional Office, in accordance with the applicable UniFAST/CHED guidelines.

๐‘ท๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’–๐’‘๐’๐’“๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚ 2026 ๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’‚๐’๐’–๐’ƒ๐’‰๐’‚๐’”๐’‚๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’Š ๐‘ซ๐’Š๐’“. ๐‘ฒ๐’†๐’†๐’๐’†๐’ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ถ. ๐‘ณ...
17/07/2026

๐‘ท๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’–๐’‘๐’๐’“๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚ 2026 ๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’‚๐’๐’–๐’ƒ๐’‰๐’‚๐’”๐’‚๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’Š ๐‘ซ๐’Š๐’“. ๐‘ฒ๐’†๐’†๐’๐’†๐’ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ถ. ๐‘ณ๐’Š๐’Ž

Buรณng-pusรฒng sinusuportahan ng Dalubhasaan ng Pamayanang Daraga ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa temang โ€œWikang Filipino at Artificial Intelligence (AI): Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€ Ang temang ito ay napapanahรณn, makahulugan, at napakahalaga sa kasalukuyang panahon kung kailan ang teknolohiya at dihitalisasyon ay mabilis na umuunlad at patuloy na nagbabago sa paraan ng pagkatuto, pakikipag-ugnayan, pananaliksik, pagtatrabaho, at pamamahala sa lipunan. Sa panahong ang impormasyon ay madaling maipamahagi sa loob lamang ng ilang segundo at ang Artificial Intelligence ay nagiging kabahagi na ng ibaโ€™t ibang gawain ng tao, lalo nating nakikita ang pangangailangang matiyak na ang Wikang Filipino ay hindi lamang tagasunod ng pagbabago kundi isa ring mahalagang tagapagtaguyod ng pag-unlad, inobasyon, at demokratikong pag-access sa kaalaman.

Ang wikร  ay higit pa sa isang simpleng kasangkapan ng komunikasyon. Ito ay sisidlan ng ating kasaysayan, kultura, identidad, pagpapahalaga, pananaw sa buhay, at kolektibong karanasan bilang isang sambayanan. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, naipahahayag natin ang ating mga kaisipan, damdamin, paniniwala, at pangarap. Ito rin ang nagsisilbing tulay upang magkaunawaan ang ibaโ€™t ibang rehiyon, kultura, at pangkat sa bansa. Dahil dito, ang pagsasama ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence ay hindi lamang usapin ng teknolohiya kundi usapin ng pambansang kaunlaran, panlipunang ingklusyon, at pangangalaga sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Sa lรกrang ng pananaliksik, napakahalaga ng wikร  bilang pangunahing daluyan ng paglikom, pagsusuri, at pagpapalaganap ng kaalaman. Ang AI ay may kakayahang magsuri ng malalaking pangkat ng datos, maghanap ng mga padron, magkategorya ng impormasyon, at magbigay ng mabilis na akses sa napakaraming sanggunian. Gayunman, magiging lubos lamang na kapaki-pakinabang ang teknolohiyang ito kung kinikilala at pinauunlad nito ang Wikang Filipino. Ang pagkakaroon ng sapat na korpus ng wikร , diksiyonaryo, glosaryo, terminolohiyang akademiko, at mga sangguniang nakasulat sa Filipino ay mahalaga upang maging mas tumpak at mas kapaki-pakinabang ang paggamit ng AI sa kontekstong Pilipino.

Sa lรกrang ng lingguwistika, napakahalaga ng AI sa pagsusuri ng tunog, estruktura, gramatika, kahulugan, at paggamit ng mga wikร  sa Pilipinas. Sa tulong nito, maaaring mas mapabilis ang pagdodokumento sa mga katutubong wikร , pag-aaral sa mga varyasyon at diyalekto, at pagbuo ng mga korpus na magsisilbing pundasyon sa higit pang pagpapaunlad ng Filipino. Nagiging mahalaga rin ito sa intelektuwalisasyon ng wikร  upang magamit ang Filipino bilang wikร  ng mataas na edukasyon, agham, teknolohiya, at pananaliksik.

Sa lรกrang ng panitikan, nagiging mahalagang katuwang ang AI sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagtukoy sa mga padron ng wika at estilo, pagsusuri sa mga obra maestra, at pagpapalawak ng akses sa mga panitikang Pilipino. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mas maraming mamamayan ang maaaring magkaroon ng pagkakataong mabasa, mapag-aralan, at mapahalagahan ang mayamang panitikan ng bansa. Pinatitibay nito ang ating kamalayang pangkultura at pinananatiling buhay ang ating mga pamana para sa mga susunod na salinlahi.

Sa lรกrang ng edukasyon, mahalaga ang Filipino bilang wikร  ng pagkatuto, pag-unawa, at intelektuwal na paglinang. Mas nagiging mabisa ang pag-aaral kapag ang mga konsepto ay naipaliliwanag sa wikang malapit sa karanasan at pang-unawa ng mga mag-aaral. Kasabay nito, ang AI ay maaaring gamitin upang makabuo ng mga matatalinong plataporma sa pagkatuto, mga kagamitang panturo, elektronikong aklat, at iba pang mapagkukunang pang-edukasyon na mas naaabot ng mga mag-aaral sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa.

Sa lรกrang ng Espesyal na Edukasyon o SPED, ang pagsasanib ng Filipino at AI ay maaaring makatulong sa pagbuo ng mas ingklusibong kapaligiran sa pagkatuto. Ang mga kagamitang pantulong na gumagamit ng Filipino ay nagiging daan upang higit na matulungan ang mga mag-aaral na may ibaโ€™t ibang pangangailangan at kakayahan, habang pinapalawak ang kanilang pagkakataong matuto at makilahok sa lipunan.

Sa lรกrang ng sikolohiya, mas nagiging makabuluhan ang pag-aaral sa kaisipan, damdamin, pag-uugali, at karanasan ng mga Pilipino kapag ito ay ginagawa sa wikang kanilang kinagisnan. Ang mga salitang ginagamit ng tao ay sumasalamin sa kaniyang pananaw at pagkatao. Sa tulong ng AI, maaaring suriin ang malalaking pangkat ng datos hinggil sa kalusugang pangkaisipan, pag-uugali, at kapakanang panlipunan upang makabuo ng mas epektibong programa at polisiya.

Sa lรกrang ng medisina, parmasya, at iba pang propesyong pangkalusugan, mahalaga ang malinaw at wastong komunikasyon. Ang paggamit ng Filipino sa mga impormasyon hinggil sa mga sakit, gamot, pangangalaga sa kalusugan, at mga programang medikal ay nagpapataas ng antas ng pag-unawa ng publiko. Mahalaga rin ito sa lรกrang ng pampublikong kalusugan, lalo na sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa pag-iwas sa sakit, pagbabakuna, nutrisyon, kalinisan, at mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Sa lรกrang ng sosyolohiya at antropolohiya, napag-aaralan nang mas malalim ang mga ugnayang panlipunan, kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga Pilipino. Pinahihintulutan ng AI ang pagsusuri ng malalaking datos na makatutulong sa pag-unawa sa mga isyung panlipunan at sa pagbuo ng mga programang higit na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Sa lรกrang ng kasaysayan, ang Filipino ay mahalagang instrumento sa pagpapakahulugan sa mga dokumento, pangyayari, at karanasang humubog sa bansa. Ang AI ay maaaring gamitin upang maisaayos, maisalin, at masuri ang mga makasaysayang talaan upang mas mapalawak ang kamalayan ng sambayanan tungkol sa kanilang pinagmulan at pagkakakilanlan.

Sa lรกrang ng pilosopiya, mahalaga ang Filipino sa malalim na pagsusuri ng mga konsepto, kaisipan, at pagpapahalagang bumubuo sa kaisipang Pilipino. Ang paggamit ng sariling wikร  sa pagninilay at pangangatwiran ay nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga pananaw na nakaugat sa ating kultura at karanasan bilang isang bayan.

Sa lรกrang ng ekonomiks, nakatutulong ang Filipino upang higit na maunawaan ng mamamayan ang mga usapin hinggil sa kabuhayan, implasyon, pananalapi, pamumuhunan, at pambansang ekonomiya. Ang AI ay nakatutulong sa pagsusuri ng malalaking datos pang-ekonomiya upang makabuo ng mga programang makapagpapasigla sa kaunlarang pangkabuhayan.

Sa lรกrang ng agham pampolitika at pampublikong administrasyon, mahalaga ang Filipino upang maging malinaw ang komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan. Sa pamamagitan ng wikang madaling maunawaan, higit na napalalakas ang pakikilahok ng publiko sa mga gawaing pampamahalaan at demokratikong proseso.

Sa lรกrang ng batas at hustisya, ang malinaw na paggamit ng Filipino ay mahalaga upang maging higit na nauunawaan ng mamamayan ang kanilang mga karapatan, tungkulin, at mga umiiral na batas. Ang AI ay maaaring makatulong sa pagsusuri ng mga dokumento, pagsasalin ng mga teksto, at pagpapadali ng pag-access sa impormasyong legal.
Sa lรกrang ng inhinyeriya at arkitektura, mahalaga ang Filipino sa pagpapaliwanag ng mga teknikal na konsepto sa mga manggagawa, teknisyan, at komunidad. Pinatitibay nito ang kaligtasan, kalidad, at pagiging episyente ng mga proyektong pang-imprastruktura at pangkaunlaran.

Sa lรกrang ng agham at teknolohiya, nararapat na patuloy na paunlarin ang Filipino bilang wikร  ng siyentipikong diskurso, pananaliksik, at inobasyon. Ang paglikha ng mga terminolohiyang teknikal sa Filipino ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalamang pang-agham at sa paglahok ng mas maraming Pilipino sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng espesyalisasyon.

Sa lรกrang ng impormasyon at komunikasyรณng teknolohiya o ICT at agham pangkompyuter, mahalagang magkaroon ng mga aplikasyon, software, search engine, chatbot, at iba pang sistemang dihital na nakauunawa at nakagagamit ng Filipino. Sa ganitong paraan, mas nagiging ingklusibo ang teknolohiya at mas maraming mamamayan ang nakikinabang sa mga bunga ng dihitalisasyon.

Sa lรกrang ng agrikultura at pangisdaan, nakatutulong ang Filipino sa pagpapalaganap ng makabagong kaalaman sa pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, produksiyon ng pagkain, at pangangalaga sa likรกs na yaman. Sa tulong ng AI, maaaring masuri ang datos ukol sa klima, ani, peste, at produksiyon upang makatulong sa mas mahusay na pagpapasiya ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa lรกrang ng turismo, napapahalagahan at naipakikilala ang yaman ng kultura, kasaysayan, sining, at likรกs na kagandahan ng Pilipinas. Ang Filipino ay nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagtaguyod ng ating pambansang identidad habang nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapalawak ng akses sa impormasyong panturismo.

Sa lรกrang ng midya at pamamahayag, mahalaga ang Filipino sa mabilis, malinaw, at responsableng paghahatid ng impormasyon. Ang AI ay maaaring makatulong sa pagberipika ng datos, pagsusuri ng impormasyon, at paglaban sa pagkalat ng maling balita at disimpormasyon.

Sa lรกrang ng malikhaing industriya, kabilang ang panitikan, musika, pelikula, teatro, sining biswal, disenyo, at mga bagong anyo ng digital na nilalaman, nagsisilbi ang Filipino bilang kasangkapan sa malikhaing pagpapahayag at pagpapaunlad ng pambansang kultura.

Sa lรกrang ng negosyo at entrepreneurship, mas nagiging mabisa ang pakikipag-ugnayan sa mga mamimili at mamamayan kapag ginagamit ang wikang kanilang nauunawaan. Ang AI ay maaaring makatulong sa pagsusuri ng merkado, pagpapabuti ng serbisyo sa kostumer, at pagbuo ng mga estratehiyang nakatutulong sa paglago ng mga negosyo.

Sa lรกrang ng Technical-Vocational Education and Training (TVET), mahalaga ang Filipino sa pagbibigay ng teknikal at praktikal na kaalamang magagamit sa hanapbuhay. Nakatutulong ito sa paghahanda ng mga manggagawang Pilipino para sa mga pangangailangan ng makabagong industriya at ekonomiya.

Sa lรกrang ng Disaster Risk Reduction and Management, napakahalaga ng malinaw at mabilis na komunikasyon. Ang mga babala, paalala, at tagubilin sa panahon ng kalamidad ay higit na nagiging epektibo kung gumagamit ng Filipino at kung sinusuportahan ng AI para sa mabilis na pagsusuri at pagpapalaganap ng impormasyon.

Sa lรกrang ng Environmental Science, mahalaga ang Filipino sa pagpapalawak ng kamalayan hinggil sa pagbabago ng klima, pangangalaga sa kalikasan, konserbasyon ng likรกs na yaman, at pagpapanatili ng balanseng ekolohiya. Ang AI ay nagsisilbing mahalagang katuwang sa pagsusuri ng datos pangkapaligiran at pagbuo ng mga solusyon sa mga suliraning ekolohikal.
Sa lรกrang ng Urban at Regional Planning, mas nagiging makabuluhan ang pakikilahok ng mamamayan sa pagbuo ng mga lungsod at pamayanang ligtas, maayos, sustenรกble, at makatao. Mahalaga ang Filipino sa pakikipagkonsultasyon at pagpapabatid ng mga programang may kaugnayan sa pagpapaunlad ng komunidad.

Sa lรกrang ng pambansang seguridad at depensa, mahalaga ang malinaw na daloy ng impormasyon upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at katatagan ng bansa. Ang AI at Wikang Filipino ay maaaring magsilbing katuwang sa pagsusuri ng datos, pagpapalaganap ng impormasyon, at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mamamayan at mga institusyong nagtatanggol sa bansa.

Higit sa lahat, nagiging napakahalaga ang pagsasanib ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence sa paglikom, pamamahala, pagsusuri, at interpretasyon ng datos. Kapag ang mga sarbey, talatanungan, panayam, at iba pang kagamitang pampananaliksik ay nakasulat sa Filipino, mas malaya at mas tumpak na naipahahayag ng mga kalahok ang kanilang mga saloobin, karanasan, at pananaw. Bunga nito, mas mataas ang antas ng pagiging maaasahan, pagiging makatotohanan, at kalidad ng mga nakalap na datos. Sa kabilang banda, ang AI ay nakatutulong sa mabilis na pagproseso ng napakalaking dami ng impormasyon, pagkilala sa mga padron at ugnayan, awtomatikong pagsasalin, pagsusuring estadistikal, at pagbubuo ng mga kongklusyong nakabatay sa ebidensiya.

Ang pagsasama ng Filipino at AI ay nagreresulta sa mas episyente, mas ingklusibo, mas makatao, at mas maka-Pilipinong proseso ng pananaliksik. Sa kabuoan, ang Wikang Filipino at Artificial Intelligence ay hindi magkatunggali kundi magkatuwang sa pagsusulong ng pambansang kaunlaran. Habang ang AI ay nagsisilbing makabagong kasangkapan sa pagproseso at pagpapalaganap ng impormasyon, ang Wikang Filipino naman ang nagsisilbing tulay upang maging makahulugan, naaabot, at kapaki-pakinabang ang kaalamang ito para sa bawat mamamayan. Ang tunay na layunin ng teknolohiya ay hindi upang palitan ang tao o ang wikร , kundi upang higit na mapalawak ang kakayahan ng tao sa paglikha, pagtuklas, at pagbabahagi ng karunungan.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, nawaโ€™y patuloy nating itaguyod ang Wikang Filipino bilang wikร  ng karunungan, wikร  ng pananaliksik, wikร  ng inobasyon, wikร  ng kultura, at wikร  ng pambansang kaunlaran. Sa pagkakaugnay ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence, higit nating mapalalawak ang akses sa impormasyon, mapatitibay ang pambansang identidad, mapagyayaman ang ibaโ€™t ibang lรกrang ng kaalaman, at maisusulong ang isang makatarungan, ingklusibo, makabago, at maunlad na Pilipinas para sa kasalukuyan at sa mga darating pang salinlahi.

Mabuhay ang Wikang Filipino. Mabuhay ang karunungang Pilipino. Mabuhay ang pananaliksik, inobasyon, at teknolohiyang nagsisilbi sa sambayanang Pilipino.

OFFICIAL ANNOUNCEMENT | TES ONLINE APPLICATION NOW OPENThe DARAGA COMMUNITY COLLEGE hereby announces that the Online App...
16/07/2026

OFFICIAL ANNOUNCEMENT | TES ONLINE APPLICATION NOW OPEN

The DARAGA COMMUNITY COLLEGE hereby announces that the Online Application for the Tertiary Education Subsidy (TES) for First Semester, Academic Year 2026โ€“2027 is NOW OPEN.

Application Period: July 16โ€“24, 2026

Apply now and secure your chance to become a TES grantee!







10/07/2026
OFFICIAL ADVISORY | NEW TDP GRANTEES โ€“ BATCH 25.11st Semester, AY 2025โ€“2026Congratulations to all NEW TDP (Tulong Dunong...
09/07/2026

OFFICIAL ADVISORY | NEW TDP GRANTEES โ€“ BATCH 25.1
1st Semester, AY 2025โ€“2026

Congratulations to all NEW TDP (Tulong Dunong Program) Grantees โ€“ Batch 25.1!

The Office of the Scholarship Coordinator is now calling for the submission of documentary requirements for validation and billing purposes.

For complete details regarding the requirements, submission schedule, and other important information, kindly read the attached advisory.

To view the complete list of grantees, please access the Google Drive link below.

https://tinyurl.com/NEWTDP25-1-1STSEM25-26
https://tinyurl.com/NEWTDP25-1-1STSEM25-26
https://tinyurl.com/NEWTDP25-1-1STSEM25-26

Address

Salvacion
Daraga
4501

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daraga Community College posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Daraga Community College:

Shortcuts

Share

Category