21/11/2025
Magtuturo tayo para sa bata.....para sa bayan š
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MINSAN AY NAWAWALA ANG ATING PAGIGING EFFECTIVE TEACHER
(Base sa sariling obserbasyon, karanasan, at opinyon)
1. DINADALA NATIN ANG PERSONAL NA PROBLEMA SA KLASE.
Kapag bugbog tayo sa sariling pinagdaraanan, naapektuhan ang ating pagtuturo. Sa halip na ibuhos ang atensyon at pasensya sa mga bata, sila pa ang napagbubuntunan ng init ng uloākahit wala silang kinalaman sa mga problema natin sa buhay.
2. INIISIP NATING PABIGAT ANG PROPESYON.
Minsan, nakakalimutan natin kung bakit tayo pumasok sa pagtuturo. Tingin natin ay puro stress at reklamo na lang. Napapaisip tuloy tayoāgusto ba nating sweldo lang ang kunin, pero hindi naman ibinibigay ang tamang serbisyo? O gusto nating magturo dahil tungkulin natin ito para sa mga bata, kahit may kaakibat na pagod?
3. MEDIOCRE O HINDI SAPAT ANG ATING PAGHAHANDA.
Masakit marinig, pero may mga pagkakataon na hindi natin naibibigay ang pinakamahusayāmaling pagbigkas, kulang sa kaalaman, at hindi malinaw na pagtuturo. Kung mali ang pundasyong ibinibigay natin, paano pa aangat ang mga bata?
4. MAS BUSY TAYO SA PANGUNGUTYA KAYSA SA PAGGABAY.
Imbes na iangat at tulungan ang estudyanteng hirap, may ilang g**o na pinagtatawanan, kinakantsawan, o ibinabalita pa sa kapwa g**o ang kahinaan ng bata. Isa ito sa pinaka-di kanais-nais na ugali sa propesyon.
5. HINDI SERYOSO SA SEMINARS AT TRAININGS.
Nagre-relax, late dumating, naka-phone, at hindi nakikinig. Sa huli, tayo rin ang hindi nagi-improveāgayong ang layunin ng trainings ay linangin ang ating kakayahan.
6. SAHOD LANG ANG NAIISIP.
Totooāmababa ang sahod ng g**o. Pero alam naman natin ito bago pa tayo pumasok sa DepEd. May ilan na puro reklamo, ngunit hindi nagre-reflect kung maayos ba ang kalidad ng kanilang pagtuturo. Lagi nating tanungin: āGaganda lang ba ang performance ko kapag lumaki ang sweldo ko?ā
7. SELF-CENTERED ATTITUDE.
May ilang g**o na akala ay sila lang ang tama at sila ang batas sa loob ng klase. Nababawasan ang boses at karapatan ng mga estudyante. Pati pagbebenta, pagpapagawa ng personal na bagay, at iba pang hindi naaayon sa propesyonānagagawa pa.
8. FEELING PINAKAMATALINO.
Yung tipong ayaw tumanggap ng payo dahil feeling nila ay nasa kanila ang pinakamataas na kaalaman. Ang masaklap, sila rin ang pinakaayaw magpaturo.
9. FEELING PRINCIPAL O UNTOUCHABLE.
May ilang g**o na parang mas mataas pa ang pag-asta kaysa sa principal. Sa baguhan, panay utos; sa kapwa g**o, panay pangmamaliit. Para bang nakasakay sa kalabaw at akala moāy kalabaw na rin.
10. HINDI NAGIGING MABUTING HUWARAN.
Madalas nating sabihing bawal, pero tayo mismo ang lumalabag.
Bawal ang colored hairāpero may g**o na naka-kulay.
Bawal ang tattooāpero may teacher na kita ang tattoo.
Bawal ma-lateāpero si mam at sir laging late sa flag ceremony.
Kung gusto nating igalang, kailangang tayo ang unang maging ehemplo.
-------------------------------------------------------------------------
Kung medyo natamaan ka, malaya kang magpahayag o magbigay ng saloobin. Kung sa tingin mo ay mali ang pananaw na ito, malaya ka ring punahin.
Ang punto lamang: tayo ring mga g**o ay nangangailangan ng gabay, disiplina, at patuloy na pag-unlad. Hindi dahil g**o tayo ay perpekto na. Kailangan din nating matuto, magbago, at magpakatotooāpara maging tunay tayong epektibo para sa ating mga estudyante.