30/11/2025
Cebal at Cullo, Wagi sa Division Meet ‘25
Sa bawat pagpalo ng bola at bawat paghampas ng raketa, muling namayani ang lakas, husay, at determinasyon ng dalawang natatanging atleta sa larong Lawn Tennis—isang patunay ng kanilang matinding dedikasyon at walang sawang pagsusumikap.
8–2 puntos: Matamis na Panalo
Si Rhian G. Cebal ng Grade 10–SPA Jessica Soho, kasalukuyang Presidente ng SPA Student Government, at si Precious Athena E. Cullo ng Grade 7–SPA Jovita Fuentes, ay kapwa nagwagi at magdadala ng karangalan sa Departamento ng SPA bilang opisyal na kinatawan sa Western Visayas Regional Athletics Association (WVRAA).
Isang malaking karangalan para sa Departamento ng SPA ang tagumpay na ito. Ang inyong sipag, determinasyon, at kahusayan ay inspirasyon sa kapwa ninyo mag-aaral.
Patuloy ninyong dalhin ang sigla, puso, at dangal ng DNHS-SPA sa Regional Meet!
✍️: Renz Jules Villaruz
🖼️: Mary Janine Esteban