Arturo Jugo National High School-INFORMATION HUB

Arturo Jugo National High School-INFORMATION HUB Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Arturo Jugo National High School-INFORMATION HUB, School, Manhoy, Dao.

25/09/2022
05/09/2022

Happy National Teachers’ Month!

Ipadama ang pasasalamat, ipakita ang pagpupugay kina Ma’am at Sir ngayong buwan na inilaan para sa kanila.

Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month. Sa temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino,” ating bigyang-pugay ang husay at kadakilaan ng mga Pilipinong g**o na patuloy na nagbibigay ng hindi matatawarang dedikasyon para sa pag-abot ng pangarap ng bawat batang Pilipino.

Tunghayan ngayong Martes, Setyembre 6, ang National Teachers’ Month Kick-off Celebration sa pangunguna ng Schools Division ng Davao Del Norte, na mapapanood via livestream sa DepEd Philippines official website, page, at YouTube Channel.

Kitakits!

01/09/2022

Pagbati ng isang mapayapang araw sa lahat!

Ngayong araw ang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Kapayapaan o National Peace Consciousness Month (o tinatawag din na Peace Month).

Alinsunod sa Proklamasyon bilang 675 na inisyu noong Hulyo 20, 2004, naging opisyal ang selebrasyon ng kapayapaan na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. Kasabay din nito ang pandaigdigang selebrasyon ng Araw ng Kapayapaan na ginaganap tuwing Setyembre 21 taon-taon.

Layunin ng proklamasyon na makintal sa kamalayan at maintindihan ng bawat Pilipino ang komprehensibong proseso ng kapayapaan, gayundin upang itaas ang kultura ng kapayapaan nang walang karahasan, na nirerespeto ang karapatan at kalayaan, ang pagpapasensiya, pang-unawa, at pagkakaisa.

Ang tema sa taong ito ay "Pagkakaisa at Paghilom: Isang Bansa para sa Kapayapaan" bilang tanda na sa ating pagkakaisa, muli tayong makakabangon at maghihilom sa mga pagsubok na dumaan sa atin tulad ng pandemya.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.


27/08/2022

CALL FOR ENTRIES! 📣

Handog ng National Council for Children's Television (NCCT) ang taunang patimpalak para sa mga makabatang dokumentaryo, ang 𝐃𝐨𝐤𝐲𝐮𝐁𝐚𝐭𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟐 na may temang "𝗦𝗮 𝗠𝘂𝗻𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮, 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗞𝗮 𝗕𝗮?"

Pumili ng paksa sa mga sumusunod na isyu:

✅ Cyber Wellness
✅ Cyberbullying
✅ Digital Citizenship
✅ Children's Rights sa Social Media

Ang huling araw ng pasahan ay sa Setyembre 5, 2022.

Bisitahin ang bit.ly/DokyuBata2022 para sa DokyuBata 2022 Contest Mechanics.

Kung mayroong katanungan, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email na [email protected]

Magkwento at lumikha para sa batang Pilipino!





Address

Manhoy
Dao
5810

Opening Hours

Monday 8am - 5:30pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arturo Jugo National High School-INFORMATION HUB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category