08/05/2022
It's friday morning having a gorgeous weather habang kumakain ako sa isang steak house I got a message from one of the life coaches living in new york.
It's a privilige to impact more people in their life, business and relationship.
We have no competition because everyone of us is unique, we are living in the world of collaboration.
Isa sa mga nakapagpabago sa akin at hindi ko makalimutan ay yung phrase na binahagi ng brain coach ko sabi niya:
"Nothing in your life without your agreement"
Alam mo ba na yung buhay mo ngayon ay naka based yan sa pag agree mo na ganun yung mangyayari?
Dati naisip ko baka ganito nalang talaga ang buhay ko mahirap, kasi pinanganak ako sa pamilya na puno ng pagmamahal peru salat sa pera.
Nung nalaman ko ang phrase na yan lahat ng bagay pala ay dumaan sa agreement sa sarili natin.
Let see for example pinanganak ka na mahirap na katulad ko ang palaging nasa isip natin ay ito:
Mahirap lang kami
Wala kaming sapat na pera,
Magkatoto lang pala yan pag nag agree ka na ganun ang magiging buhay mo.
Lahat naman tayo ay may kakayang gawin or baguhin ang nakasanayang buhay natin.
Dahil pareho tayo na binigyan ng panginoon ng utak peru magkaiba lang sa pag gamit.
Kung hindi kana masaya sa buhay mo ngayon, stress ka alam mo ba na you have the ability that you can change it?
Karamihan kasi sa atin ay na trap sa tinatawag na "identity loop" na ang ibig sabihin nito ay
kung ano ang tinuro at natutunan natin sa mga magulang natin nung bata pa tayo nag agree tayo na ganun talaga ang buhay natin na mahirap.
At dalang dala natin yan ilang taon ang nakalipas na hindi natin naitanong ang isa sa pinaka importanteng tanong sa sarili natin"
"How Do I Become Who I am"
Ikaw naitanong mo ba yan sa sarili mo?
Malamang hindi din anoh?
Kasi na indoctrinate tayo sa mga nakapaligid natin noong bata pa tayo like our parents, churches, like media, like TV, like neighborhood etc.
Sila yung nag program at nagpakita sa atin na ganun yung magiging buhay natin.
Sila yung nagprogram sa atin na mahirap kitain ang pera
Sila yung nag program sa atin na we need to struggle para magka pera
Sila yung nag program sa atin na dapat paghirapan natin ang pera bago kitain.
Sila yung nag program na ganito or ganyan ang buhay natin.
Sila yung palagi nating naririig at pinaniniwalaan na ganun yung buhay natin.
Even "your name" sila ang nagbigay niyan sayo.
Ako katulad mo din ako na nagsasabi dati na:
Hindi ko kaya yan
Hindi ako mahilig jan
Hindi ako magaling sa ganyan
Hindi kasi ako bisnis minded
Hindi ako magaling magbenta
At marami pang iba.
Ok na tong buhay ko nakakain sa tatlong beses isang araw.
Happy na ako sa buhay ko may trabaho naman ako, kuntento na ako dito
Nasabi mo din ba yan sa sarili mo?
If yes!
Pareho talaga tayo.Ganun din ako dati eh
Sabihin natin na matanda ka na wala ng tumatanggap ng trabaho
Meron ka ng maintenance sa katawan
Peru ito yung tanong ko sayo friend
Masaya ka ba na ipamana mo yan sa mga anak mo ang buhay mahirap?
Masaya ka ba na makikita mo sila na maranasan nila yung hirap na pinagdaanan mo sa ngayon?
Masaya ka ba na makikita mo sa kanila yung nakikita mo sa sarili mo na palaging stress?
Matuwa ka ba pag sa tuwing may hilingin sila sayo wala kang maibigay?
Kahit simpleng pangangailangan ng pamilya mo ay hindi mo kayang ibigay, masaya ka kaya?
Merong bible qoutes that says:
"Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you"
Alam mo ban ang ibig sabihin ng qoutes na yan in one word?
If hindi mo alam, ito sabihin ko sayo.
Ang ibig sabihin nito ay "Trust"
You need to trust sa kakayahan na meron ka dahil binigay yan ng panginoon sayo therefore kaya mo pala ng gumawa ng kakaiba sa buhay mo ngayon.
Let me know your thoughts in the comments below.
To your transformation,
Gemar