21/09/2026
๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ผ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ธ๐๐ฎ๐ฑ๐๐ฟ๐๐ฎ.
Limampuโt apat na taon ang nakalipas mula nang ideklara ang Batas Militar noong 1972, libo-libong mamamayan, mga estudyante, peryodista, manggagawa, at lider-komunidad, ang naging biktima ng panggigipit, pag-aresto, at paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr. Nagsimula ang sulo ng paglaban sa mga pamantasan, pamamahayag, at mga organisasyon, mga puwang kung saan unang umusbong ang panawagang magdala ng tunay na pagbabago sa mga lansangan.
Ayon sa mga tala ng Amnesty International at Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), higit 70,000 katao ang ikinulong, higit 34,000 ang pinahirapan, at mayroong higit 3,240 ang pinaslang sa ilalim ng rehimeng ito. Hindi rin maitatangi ang sapilitang pagsara sa daan-daang pahayagan, istasyon ng radyo, at telebisyon upang tuluyang patahimikin ang malayang boses ng peryodismo.
Ilang taon man ang magdaan, namumutawi pa rin ang sigaw ng bayan para sa katarungan at katotohanan. Hindi kailanman mabubura ng panahon ang mga sugat ng nakaraan, ni maipapatahimik ng pananakot ang boses ng mga naninindigan. Patuloy pa rin ang panawagan sa mga lansangan upang panagutin ang pamahalaan.
Hindi pa rin natatapos ang pakikibaka laban sa korapsyon at lumalalang panggigipit sa malayang pahayagan. Subukan man nilang burahin ang mga pahina ng ating kasaysayan at palitan ito ng kasinungalingan, hindi kailanman mababaon sa limot ang dugong dumanak at sakripisyo ng mga nagtanggol sa kalayaanโat kailanman ay hindi mamamatay ang paninindigan para sa katotohanan.
๐๐๐ฎ ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด-๐๐ฟ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Hanggaโt may kabataang naninidigan para sa katotohanan at katarungan, magsisilbing ningas ang ating boses upang tiyakin na hindi na kailanman muling maghahari ang kasakiman sa ating bayan.