21/09/2026
🌟 APAT NA PAGDIRIWANG, ISANG MATAGUMPAY NA HAKBANG PARA SA KAUNLARAN AT KAALAMAN! 🏫✨
Naging bukod-tangi at puno ng sigla ang ginanap na 4-in-1 Culminating Program noong Setyembre 18, 2026 kung saan sama-samang ipinagdiwang ang:
🥗 Nutrition Month — Para sa malusog at masiglang pangangatawan
🇵🇭 Buwan ng Wika — Para sa pagpapahalaga sa ating kultura at wikang pambansa
🌏 ASEAN Month — Para sa pagpapatibay ng pagkakaisa sa ating rehiyon
🔬 Science Month — Para sa paglinang ng kaalaman, imbestigasyon, at inobasyon
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga mag-aaral na nagpamalas ng kanilang angking talento, sa mga g**o na naging gabay at hulmahan ng tagumpay, at sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa bawat gawain ng paaralan.
Isang malaking pagpupugay sa buong komunidad ng paaralan para sa isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang! 🎉👏