03/09/2025
Si G*t. Jose Rizal noon ay nagwika na "Ang hindi marunong magmahal sa sariling Wika ay higit pa ang amoy sa mabaho at malansang isda."
Isa sa mga ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas ay ating sariling at natatanging Wika, na siyang humubog sa ating pagka-Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ito ay yumayabong kasabay ng ating mga paniniwala at kahanga-hangang kultura.
Kaya, ang Mababang Paaralan ng Barobo sa pangunguna ng aming Punong G**o na si G. Romel Francisco ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika upang ipabatid sa buong kabataan na "ANG PAGTANGKILIK AT PAGMAMAHAL SA SARILI NATING WIKA AY SIYANG UNANG HAKBANG PATUNGO SA KAUNLARAN NG BAWAT ISA MAGING NG ATING BANSA."