26/08/2026
Ngayong araw ng Agosto 26, 2026 ay maayos na naisagawa ang pagtatapos ng Buwan ng Wika sa Bluefield Technological Institute Inc. na may temang Wikang Filipino at AI Kasangkapan sa pananaliksik at Tulay sa yaman ng karunungan. Sa aktibidad na isinagawa ay hindi lamang natin naipapakita ang ating mga talento, kundi higit sa lahat ay naipamalas natin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika, kultura, at pagkakakilanlang Pilipino.
Ang buwan ng wika ay hindi lamang isang selebrasyon na ginaganao bawat taon. Ito ay isang paalala na ang ating Wikang Filipino ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao at kasaysayan.