06/11/2025
πππππππππ πππ ππππππππ ππππ πππ ππππ π
ππππ ππ πππ πππππ! π
πβοΈ
Be part of this yearβs CAM NORTE HOLIDAY BAZAAR 2025 happening from December 1, 2025 to January 5, 2026 at J.P. Rizal Street, Brgy. 3, Daet, Camarines Norte!
ππ π’π‘π π’π π’π¨π₯ ππ’πππππ¬ ππππππ₯ππ¦π§ππ¦! π£π£π£
ππ§πππ«ππ¬πππ π¦ππ«ππ‘ππ§ππ¬ π¦ππ² ππ©π©π₯π² π‘ππ«π π
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd3pPmwjuwTw2P8jYS-tMbUXEtwY0ByJOCaTeT-aj6JzuU04g/viewform
ππ ππππππππΌππππ πππ!
β¨ Weβre inviting passionate merchants to showcase:
π Delicious food and beverages
π¨ Unique arts & crafts
π Gift items and specialty products
This is brought to you by the Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office headed by Acting Provincial Tourism Officer Ms. Genelyn "Angel" David, LPT with the full support of the Provincial Government of Camarines Norte headed by Acting Governor Engr. Joseph V. Ascutia, Acting Vice Governor Dennis "Kuya Tol" Riel and the Sangguniang Panlalawigan Board Members.
π
π΅π
Β©: Ramon Vecino
βοΈ: Emman Dilanco II
05/10/2025
Ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) at ang Provincial Government ay sinserong nakikiramay sa pagpanaw ni K.Y., 21 taong gulang mula sa Daet, Camarines Norte.
Base sa imbestigasyon at pahayag ng mga doktor na humawak sa kanya, si Ken po ay dinala sa CNPH tatlong araw matapos kakitaan ng mga sintomas, kung saan nakaraan na ang dalawang linggo matapos siyang makalmot ng kanyang a*o at isang linggo matapos na makagat ng pusa. Base sa clinical diagnosis ay may mga sintomas na ng rabies ang pasyente tulad ng takot sa tubig, hirap lumunok at nanghihina. Hindi siya naturukan ng anti-rabbies matapos ang insidente ng kalmot at kagat, at hindi rin nabakunahan ng anti-rabies ang parehong hayop. Ayon din sa isa sa mga doktor na tumingin sa kanya, nagsabi sa kanya si Ken na, βDok may rabies po akoβ.
Matapos ang mga pagsusuri ay kinailangan siyang dalhin sa isolation room kung saan ang pasyente ay makakatanggap ng supportive care habang iniiwasan na rin na makasalamuha ang ibang tao na posibleng mahawa sapagkat ang rabies ay isa sa mga nadeklarang Dangerous Communicable Diseases. Ang sitwasyon ay ipinaliwanag sa kanyang pamilya at sila rin ay pinayuhang magpabakuna laban sa rabies (post-exposure prophylaxis). Ginawa ng mga doktor at nars ang lahat nang makakaya alinsunod sa mga umiiral na batas at patakarang pangkalusugan.
Subalit sa ganitong punto, ang rabies ay nakamamatay lalo na at lumabas na ang mga sintomas. Ito sana ay maiiwasan sa pamamagitan ng agarang pagpapabakuna matapos makalmot o makagat, at sa regular na pagpapabakuna ng alagang hayop.
Ito po ay mapait na leksyon sa ating lahat kung gaano tayong lahat dapat na nagtutulungan na iwasan at labanan ang rabies.
Ang Pamahalaang Panlalawigan po ay naglalaan ng malaking halaga para sa anti-rabies ngunit mas matimbang pa rin dito ang responsible dog ownership. Sa gitna po ng pighati na pinagdadaanan ng pamilya, lalo pa pong nagpapabigat ang mga komento sa social media na nabahiran na po ng ibaβt ibang pananaw at nalilihis na sa totoong isyu na ang bawat isa sa atin ay may gampanin para maiwasan ang rabies. Nawa po ang pangyayaring ito ay mag-iwan sa atin ng mahalagang paalala at leksyon.
Kami po sa CNPH bilang mga healthcare workers at ang Provincial Government ay marubdob ang pagnanais na maglingkod, gayundin, ipakita ang propesyonalismo, respeto at malasakit sa bawat pasyente at pamilya nito.
Muli po ang aming pakikiramay sa pamilya ni K.Y., at ang aming apela sa bawat CamNorteΓ±o na magkaisa po tayo.
Maraming salamat po.
24/06/2022
Sa pamamagitan ng Republic Act 11510 (ALS Act) at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, higit na dapat suportahan ng mga opisyales, kawani at partner ng Department of Education ang pagpapalakas at pagpapalawak ng ALS implementation Program. Suportahan po natin ang ALS Program. Tulungan natin ang ating mga kababayan na makapagpatuloy ng pag-aaral, matanda man sila o bata, basta nangangarap ng magandang bukas.
Para makapagpatala saan man sa Camarines Norte, puwede pong magtanong sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Talisay, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Jimmy S. Torero. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09308858944. Maraming salamat po.
βMaraming Pilipino ang hindi nakakapagtapos ng pag- aaral sa ilalim ng formal education system dahil sa ibaβt-ibang kadahilanan. Bilang PG-LIFE ALS teacher sa aming barangay, malawak na palayan, binabaybaqy ko upang maihatid ang mga kaalamang dapat maibahagi sa aking mga learners. Bilang isang ring ama, ramdam ko ang kanilang mga pangangailangan. Nagiging tagapayo ako kung kinakailangan, nakikinig ako sa kanilang mga hinaing. Sa loob ng maraming taon bilang PG-LIFE ALS teacher, masaya ako na nakikita silang nakapagtapos at nakamit ang inaasam na diploma.
~ Teacher Jimmy S. Torero
23/06/2022
βAbutin man ng init at ulan, tuloy pa rin ako sa aking destinasyon - sa aking mga learners. Dito ko nararamdaman ang hirap at saya sa tuwing pinupuntahan ko sila dala ang mga modules. Ngunit alam ko na hindi lang edukasyon at kaalaman ang kanilang pangangailangan. Kaya sakay ng habal-habal kasama ang aking asawa, dala namin ay libreng ukay-ukay (used clothings) para sa kanila. Maliit ang sweldo ko bilang PG LIFE-ALS teacher ngunit Malaki ang aking puso sa pagtulong sa aking mga learnersβ.
~ Teacher Anita S. Rada
Sa First Quarter meeting ng mga g**o sa ilalim ng Provincial Government- Leading Intervention for Education thru Alternative Learning System (PG-LIFE ALS) sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at DepEd-Camarines Norte noong April 1, 2022, kasabay na ginanap ang Gender and Development Forum bilang suporta sa recently-concluded Womenβs Month Celebration 2022 na may temang β Agenda ng Kababaihan tungo sa Kaunlaran. Kagalakan ang ipinaabot ng dalawampung g**o na nasa ilalim ng magkatuwang na programa ng Pamahalaang Panlalawigan at DepEd, matapos talakayin ng PNP Representatives na sina PCPL Aissa Caramoan at PMSG Mildred Simbahon ang may kaugnayan sa Womensβ and Childrens Protection, gayundin si Bb. Rizzi Borja mula sa PSWDO kaugnay naman sa basic counselling and debriefing. Ang ALS teachers ay malaki ang ginagampanang papel para lalo pang maturuan at matuto ang ating mga kababayan na wala sa pormal na paaralan. Paghanga at pagsaludo po ang ipinapaabot namin sa inyo.
Sa mga nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, enroll na. Saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng San Lorenzo Ruiz, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Anita S. Rada. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09098685962 Maraming salamat po.
23/06/2022
Ang RA 11510 o ang Alternative Learning System Act ang batas na nagpapalakas sa Alternative Learning System (ALS).Maraming g**o ang nabigyan ng pagkakataong magturo para sa ALS Teachers Program. Pinag-uutos rin ng batas ang pagtatayo ng Bureau of Alternative Education na siyang mamamahala sa pangkalahatang programa ng ALS. Nakasaad rin sa batas ang pagpapatibay ng pagtutulungan ng LGU, mga National Agencies, at mga private sector upang maihatid ang edukasyon para sa lahat. Sa ating lalawigan, pagsaludo po ang ipinapaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa inyo, mga mahal naming ALS Teacher. Maraming salamat po sa pagtitiyaga, patnubay at gabay sa mga out-of-school youths at out-of-school adults.
Nais nyo rin bang makapagpatuloy ng pag-aaral?
Para mag-enroll saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng Labo, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Elizabeth B. Noe. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09271292480. Maraming salamat po.
Basahin ang karanasan ng isang baguhang ALS Teacher na si Mam Elizabeth.
βAko'y isang baguhang g**o, hindi pa hinog sa karanasan subalit dalisay ang aking hangarin na makatulong sa mga kabataan na nais makapagtapos ng pag-aaral.Sa paghahatid ng mga modules sa kanilang mga tahanan, parang nakikinita ko na rin ang maganda nilang kinabukasan sa hinaharap kung sila ay magtitiyaga lamang. Inspirasyon ko sila sa pagpaunlad ng aking kaalaman at kakayahan bilang isang PG LIFE-ALS teacher. At ako ang matibay na moog na masasandalan nila saan man at kailanman para makamit ang inaasam nilang diplomaβ.
~ Teacher Elizabeth B. Noe
22/06/2022
Ayon sa Official page na DepEd Als 2.0, tulay ng mga Pilipino ang ALS Program na walang access sa pormal na edukasyon upang magkamit ng diploma.
PWEDE NA MAG-ENROLL sa ALS para sa School Year 2022-2023 ang out-of-school youth and adults (OSYAs) na hindi nakapagpatuloy ng elementary o high school sa pormal na paaralan.
Para mag-enroll saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng Santa Elena, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Wilma C. Magnaye. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09519714338. Maraming salamat po.
Tunghayan ang karanasan ni Teacher Wilma at kanyang pagsisikap para sa mga ALS student sa kanilang lugar.
βMabato, madulas, madamo at delikadong mga daan tinatahak ko makapaghatid lang ng modules sa aking mga learners sa gitna ng init ng araw at abutin man ng ulan. Pero sa halip na manghina at sumuko, nagiging malakas ako kapag naiisip ko na bagong pag-asa at kaalaman ang hatid ko sa kanila na maaaring makapagpabago ng kanilang buhay. May mga learners din ako na may mga trabaho sa araw kaya pinupuntahan ko sila sa gabi. Alam ko kung gaano kahirap mag-aral nang walang-wala. Kaya sinabi ko noon sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para hindi maranasan ng iba ang naranasan ko. Angking-talino at kakayahan, bukas-palad kong ibabahagi sa aking mga learners. School supplies gaya ng bolpen, lapis at papel, ibinibigay ko sa ilang learners na walang pambili. Simpleng tulong na malaki ang epekto sakaling makapagtapos sila ng pag-aaral. Huwag nating ipagkait sa kanila ang de-kalidad na edukasyon - ang susi na magbubukas ng maraming daan ng oportunidad para sa mas masaganang bukasβ.
~ Teacher Wilma C. Magnaye
22/06/2022
βIsang pinakamalaking hamon sa aking buhay ang maging isang PG LIFE-ALS teacher.May tamang oras ng pagpa*ok ngunit dapat mas lalong maaga, may tamang oras ng pag-uwi ngunit madalas lagpas; maihatid lamang ang kaalamang dapat maibigay sa aking mga learners.
Sa pagpunta ko sa aking mga learners, madalas naaabutan ko sila na may gulok sa tagiliran at naroon sa kabukiran(lalaki), merong may kargang bata, may naglilinis ng bakuran, nagluluto ng pagkain, at ibang eksenang bumabagabag sa aking puso. Pinagsasabay nila ang trabaho, pag-aasika*o sa pamilya at pag-aaral. Sa kabila ng hirap na pinagdaraanan, prayoridad nila ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Kaya nabuo sa aking isipan ang katanungang, "SINO BA ANG MAS NAHIHIRAPAN, KAMI BA NA MGA G**O O SILANG MGA LEARNERS?β Ako si Sir Jef, karangalan ko na maglingkod bilang isang ALS Teacherβ.
~ Teacher Jefrey P. Lausin
May mga magulang na nagsisikap sa paghahanap-buhay para maitustos sa kanilang pamilya at mga anak. Marami ring magulang ang nagsikap na sabayan ang mga anak para makatapos ng kurso at maiangat ang buhay sa hinaharap. Sa isang payak na pamilya, sa halip na magpahinga matapos ang maghapong trabaho, naisip pa rin nilang mag-aral dahil inilapit ng gobyerno ang ALS para sila ay matulungan. Gawin natin silang inspirasyon. Keep dreaming. Mag-aral po kayo, ang ALS ang aagapay sa inyo.
Para mag-enroll saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng Labo, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Jefrey P. Lausin. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09487374023. Maraming salamat po.
21/06/2022
βKaramihan sa aking mga learners ay nanay at may trabaho, may ilang persons with disability (PWDS), maysakit ang ilan, may kapapanganak palang. Hirap sila sa pagpunta sa aming Community Learning Center (CLC) kaya ako ang bumibisita sa kanila. Halos magkakalapit lang ang aming tirahan kaya isa- isa ko silang pinupuntahan. Dinadala ko sa kanila, hindi lamang modules kundi ang pag-asa ng maaliwalas na bukas sa sandaling makapagtapos sila ng pag-aaral. Ako ang nagpapalakas ng kanilang loob ngunit sila ang inspirasyon ko sa pagtupad sa aking obligasyon bilang isang g**o, magulang at kapatid na sa kanila ay laging handang umalalayβ.
~ Teacher Clary Mae O. Laborte
Hindi hadlang ang kapansanan, para makapag-aral. Sa ALS, ang g**o ang pupunta sa inyong tahanan, anumang oras na gugustuhin ninyo para kayoβy matutukan. Handa silang magbahagi ng kakayahan, sa inyoβy aagapay para sa susunod na mga hakbang tungo sa tagumpay.
Para mag-enroll saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng Capalonga, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Clary Mae O. Laborte. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09092291446. Maraming salamat po.
21/06/2022
Ayon sa Department of Education Official page na DepEd ALS 2.0, noong May 31, 2022 ay pormal na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong tatag na Bureau of Alternative Education (BAE). Ang BAE ay magsisilbing pangunahing tanggapan ng DepEd na magpapatuloy ng mga reporma at inobasyon sa ALS Program na sinimulan ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ni Secretary Leonor Magtolis Briones at sa pangunguna ni Assistant Secretary for ALS G.H. Ambat.Nais nyo bang makapagpatuloy ng pag-aaral?
Para mag-enroll saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng Jose Panganiban, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Charry M. Josoro. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09184975113. Maraming salamat po.
βBitbit ang kanilang modules kalakip ang pagkalinga't pagmamahal upang mabigyan sila ng de-kalidad na edukasyon. Bundok, kabukiran o kapatagan; mainit o maulan man, hindi ko inalintana, makita at maturuan lang ang aking mga learners. Itataguyod ko ang kanilang kapakanan hindi bilang isang nginoong Diyos na nagbigay sa akin, sa atin ng biyaya ng karunungan upang maibahagi sa ating kapwa na higit na nangangailangan lalo na ang mga OSY/OSA learnersβ.
~ Teacher Charry M. Jesoro
20/06/2022
Mas lalawak ang kaisipan kung may pinag-aralan. Hindi ito makukuha, subalit mapagyayaman para sa magandang kinabukasan. Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, ang mga kabataang nais mag-aral, ama o ina ng tahanan, maging si lolo at lola ay puwedeng maturuan, kaya kayo ay inaanyayahan na alamin ang programa ng DepEd na ALS.
Para mag-enroll saan man sa Camarines Norte, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Sa iba pang detalye, maaari ninyong bisitahin ang page ng DepEd ALS 2.0, makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) sa ating Lalawigan o sa mga ALS Teacher sa inyong munisipalidad.
Sa Bayan ng Labo, ang isa sa mga g**o sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na kaagapay ng Department of Education (DepEd) at Provincial Government ng Camarines Norte sa ilalim ng programang Provincial Government β Leading Intervention for Education thru ALS (PG-LIFE ALS) ay si Joseph C. Israel. Maaari po syang makaugnayan sa numero 09756244482. Maraming salamat po.
βBilang isang g**o, di ko alintana ang pagod at hirap makapagdala lang ng modules at maturuan ang aking mga learners. Umulaβt umaraw, maputik at maalikabok na daan tatahakin mapuntahan lang sila lalo na ang mga nasa bundok na halos walang pamasahe sa pagpunta sa aming Community Learning Center (CLC). Patuloy akong magsisikap na makatapos ng basic education ang aking mga learners sa kabila ng mga pagsubok na aming pinagdaraananβ.
~ Teacher Joseph C. Israel