27/10/2015
Magandang Araw po.
Sa mga kapwa ko mag-aaral sa CNSC, lalong higit sa mga Student Leaders, nais naming ipagbigay alam sa inyo na bilang bahagi ng inyong clearance sa amin sa Federated Campus Student Council Inc. at Main Campus Student Council, kami po ay naniningil ng Membership Fee para sa 2nd Semester. P 10.00 sa FCSC Inc. at P 5.00 para sa MCSC. Ito po ay naaayon sa Constitution and By-laws ng FCSC (Art. XII Sec. 1) at ng MCSC (Art. XII Sec. 1).
Kung kaya naman, doon po sa mga mag-aaral na nagtatanong kung bakit hindi man lamang namin ito ipinagbigay alam sa inyo, marahil ang mas mainam na tanong ay, "Bakit hindi ito ipinaalam sa inyo ng inyong mga CSC President at Organization President gayong makailang beses na namin itong tinalakay sa aming meeting?" Ang amin pong pinakahuling meeting ay noong Oct. 23, Biyernes at muli naming tinalakay ang hinggil sa requirements for clearance, na isa na nga po doon ay ang pagbabayad ng Council Membership Fee para sa 2nd Sem.
Pagkatapos po noon, hindi rin kami nagkulang sa pagbibigay alam sa inyo. Sa amin pong opisina ay may mga impormasyon hinggil sa bagay na ito.
Nais naming malaman ninyo mga kapwa ko mag-aaral at Student Leader na ang aming ginagawang paniningil ay hindi upang gipitin kayo kundi upang isaalang-alang ang mga gugulin na kinakaharap ng Council, sa harap ng napakarami nitong gawain.
Kami po ay nananawagan doon sa mga mag-aaral na nagpakita ng tila hindi kanais-nais na pag-uugali kanina sa loob ng aming opisina ng sila ay tila nabigla sa aming isinasagawang paniningil. Ang anuman pong problema ay hindi mabibigyan ng lunas kung init ng ulo ang ating tuwirang paiiralin.
Let us affirm our inclusion in an academic institution with highest ethical standard.
Ang amin din pong pagbati sa mga mag-aaral na laging umuunawa at nananatiling nagtitiwala sa amin. Kayo ang aming unang katuwang sa ating layuning pairalin ang progresibong Student Council.
Maraming salamat po.
MABUHAY ang mga kabataan ng CNSC.