30/01/2026
🌟 EARLY REGISTRATION PARA SA SCHOOL YEAR 2026–2027! 🌟
📍 Goito Pimentel Elementary School, Purok 3, Mambalite, Daet, Camarines Norte
📅 Enero 31 – Pebrero 27, 2026
📣 Makapag-aral ay KARAPATAN MO. Magpalista na!
Bilang paghahanda para sa darating na S.Y. 2026–2027, bukas na ang Goito Pimentel Elementary School para sa Early Registration. Inaanyayahan namin ang mga magulang o tagapag‑alaga na magtungo sa paaralan para sa pagpapalista ng:
✔️ Kindergarten
✔️ Grade 1
✔️ Balik-Aral / Transferees
📌 PAALALA:
👉 Ang mga batang nasa Grades 2–6 ay itinuturing nang pre‑enrolled at hindi na kailangang magpa‑early registration.
🔎 PARA SA KINDERGARTEN:
• Dapat ang bata ay 5 taong gulang bago o hanggang Oktubre 31, 2026.
• Maaari ring tumanggap ng batang maglilimang taon mula Nobyembre 1–Disyembre 31, kung nakakompleto ng isang (1) taong Early Childhood Care and Development (ECCD) Program mula sa CDC/LC na may permit o recognition.
(Base sa DepEd Order No. 15, s. 2025)
📄 MGA DADALHIN (Photocopy):
• PSA Birth Certificate
Kung walang PSA Birth Certificate, maaaring magpasa muna ng:
– NSO Birth Certificate, o
– Local Live Birth
📚 Tara na! Ihanda natin ang ating mga anak para sa mas maliwanag na kinabukasan.
📌 Para sa mga katanungan, magtungo lamang sa paaralan o makipag-ugnayan sa ating mga g**o sa Kindergarten at Grade 1:
• Ma'am Julie Ann D. Ricafrente
• Ma'am Jessica F. Ballad
• Ma'am Marita A. Fernandez
Maaari rin kayong lumapit sa ating Punong G**o, G. Glicerio A. Clacio Jr., para sa karagdagang impormasyon.