CNSC-Sentro ng Wika at Kultura

CNSC-Sentro ng Wika at Kultura

Share

Ang CNSC-Sentro ng Wika at Kultura ay may layuning maiangat ang wikang Filipino sa mataas na lebel sa pamamagitan ng ekstensyon, pananaliksik at instruksyon.

Photos from CNSC-Sentro ng Wika at Kultura's post 14/11/2025

Sila po ang ating mga magiging Tagapagsalita para sa Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wika sa darating na Nobyembre 22-24,2025 sa Bicol University.

Magpatala na!
Extended po ang rehistrasyon hanggang Nobyembre 17,2025
Registrasyon: Php 1000.00 lamang

https://forms.gle/8piS5VgcVfe18Q44A

13/11/2025
12/11/2025

May PASUC Endorsment na tayo…

06/11/2025

Nakapagparehistro na ba ang lahat?

Kung hindi pa ay magpatala na sa Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wika 2025. Ang nasabing kongreso ay may temang “Tagapag-ugnay ng Kultura at Pagkakaisa, Pundasyon ng Pagkakakilanlan at Pagkamakabayan,” at gaganapin sa Nobyembre 22–24, 2025 sa Bicol University, Bulwagang Buenō, Legazpi City.

Bilang bahagi ng pagsasagawa ng kongresong ito, ang mga kalahok ay inaasahang magbayad ng rehistrasyon sa halagang Php 1,000.00 (isang libong piso) hanggang Nobyembre 14, 2025, sa ganap na alas-5:00 ng hapon. Ang nasabing rehistasyon ay para sa gastusin sa seminar kit at pagkain.

https://forms.gle/WS3qTMa8LJPTMX6k8⁩

03/11/2025

Napunuan na po ang 100 free slots natin pero tumatanggap pa rin po kami ng mga kalahok para sa Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wikang 2025 sa Nobyembre 22-24, 2025 sa Bulwagang Bueno ng Bicol University.

Ang mga magpapatala po ay inaasahan nang makapagbayad ng rehistrasyon na Php. 1000.00
Maglalabas po kami ng PASUC at Deped Advisory sa mga susunod na araw.

gform link: ⁦https://forms.gle/WS3qTMa8LJPTMX6k8⁩

24/10/2025

📣 Pambansang Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wika 2025 🇵🇭
📅 Nobyembre 22–24, 2025
📍 Bicol University, Bulwagang Buenó
Sa temang:
“Tagapag-ugnay ng Kultura at Pagkakaisa, Pundasyon ng Pagkakakilanlan at Pagkamakabayan.”
Inaanyayahan ang lahat ng mga g**o, mananaliksik, mag-aaral, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino at mga katutubong wika na makiisa sa makabuluhang pagtitipon na ito! ✨

Libre po ang rehistrasyon sa unang 100 kalahok.
May registration fee na Php. 1000.00 sa mga di maabutan ng libreng slot.
🖋️ Magparehistro ngayon:
👉 https://forms.gle/JR5kyEfS5JTLTLeu9

Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wika 2025: Tagapag-ugnay ng Kultura at Pagkakaisa, Pundasyon ng Pagkakakilanlan at Pagkamakabayan 24/10/2025

📣 Pambansang Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wika 2025 🇵🇭
📅 Nobyembre 22–24, 2025
📍 Bicol University, Bulwagang Buenó
Sa temang:
“Tagapag-ugnay ng Kultura at Pagkakaisa, Pundasyon ng Pagkakakilanlan at Pagkamakabayan.”
Inaanyayahan ang lahat ng mga g**o, mananaliksik, mag-aaral, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino at mga katutubong wika na makiisa sa makabuluhang pagtitipon na ito! ✨

Libre po ang rehistrasyon sa unang 100 kalahok.
May registration fee na Php. 1000.00 sa mga di maabutan ng libreng slot.
🖋️ Magparehistro ngayon:
👉 https://forms.gle/JR5kyEfS5JTLTLeu9

Kongreso sa Wikang Filipino at Katutubong Wika 2025: Tagapag-ugnay ng Kultura at Pagkakaisa, Pundasyon ng Pagkakakilanlan at Pagkamakabayan Nobyembre 22-24, 2025 Bicol University

Photos from CNSC-Sentro ng Wika at Kultura's post 22/10/2025

Pakikiisa ng CNSC-Sentro ng Wika at Kultura sa 2025 Camarines Norte Provincial Creative and Tourism Business Summit ngayong Oktubre 22, 2025

04/09/2025

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=992912389681621&id=100068886082733&mibextid=wwXIfr

𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐉𝐔𝐋𝐈𝐀𝐍 𝐂𝐑𝐔𝐙 𝐁𝐀𝐋𝐌𝐀𝐒𝐄𝐃𝐀 𝟐𝟎𝟐6, 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤!

Ang 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐁𝐚𝐥𝐦𝐚𝐬𝐞𝐝𝐚 ay ang pinakamataas na pagkilála na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larang gámit ang wikang Filipino.

Layunin nitó na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas ng mga akdang orihinal, kabílang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.

May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lámang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.

Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng labindalawang nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert E. Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovella G. Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Ezekiel J. Fajardo, tesis sa antropolohiya (2017); Emmanuel S. De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018); Wennielyn F. Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); Regina Starr B. Abelardo, tesis sa musika at panitikan (2020); Roque Augustus L. Lamadrid, tesis sa araling kultural, at Jonathan V. Geronimo, disertasyon sa araling kultural (2022); at Kristine Mae M. Nares, tesis sa araling kultural, at Mariyel Hiyas C. Liwanag, disertasyon sa araling wika (2025).

Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng pagkilála ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧:

1. Ang gawad ay bukás sa lahat ng mga estudyante, babae man o laláki, sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.

2. Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasá sa mga taóng 2022–2024.

3. Kinakailangan itong isulat bílang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa iba pang kaugnay na larangan.

4. Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bílang aklat, at hindi rin salin mula sa ibang wika.

5. Marapat na gamítin ang 𝐊𝐖𝐅 𝐌𝐚𝐧𝐰𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐧𝐨𝐩 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐌𝐌𝐏) bílang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at iba pa. https://drive.google.com/file/d/1oRH4v9ANfIz4ydexCOC958cepSDwE4fg/view (Tiyaking naka-login sa inyong google account).

6. Para sa paglahok, kinakailangang isumite nang apat (4) na limbag na kopyang computerized (hardcopy). Ang kopya ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lámang ang pahihintulutang nakalimbag sa manuskrito.

7. Ang mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay, pahina ng grado at ebalwasyon, at iba pang katulad ay ilalakip sa isang bukod na brown envelope, kasáma ang sumusunod:

(a) curriculum vitae ng may-akda;
(b) pormularyo ng paglahok (https://shorturl.at/YSM6S);
(c) notaryadong awtentipikasyon ng lahok;
(d) notaryadong katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng tagapayo;
(e) rekomendasyon mula sa dalawang propesor ng kinabibilangang larangan;
(f) rekomendasyon mula sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
(g) rekomendasyon mula sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo; at
(h) dihital na kopya ng lahok na nása isang universal serial bus (USB).

8. Ang dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo ang lahok sa:

𝐋𝐮𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐁𝐚𝐥𝐦𝐚𝐬𝐞𝐝𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
Brgy. 640, San Miguel, Maynila 1005

9. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 𝟏𝟎 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝟓:𝟎𝟎 𝐧𝐡. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lámang ng KWF ang mga lahok na naipadala bago o sa nabanggit na petsa.

10. Ang mga magwawagi sa kategorya ng (1) tesis at (2) disertasyon ay makatatanggap ng PHP100,000.00 (net), plake, at medalya. May isang magwawagi lámang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

11. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.

12. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhúling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

13. Pára sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o mag-email sa [email protected].

# # #

31/08/2025

Saliksik-diwa 2025

26/08/2025

Pananaliksik sa Wikang Filipino at Wikang Katutubo?

Si Dok Edwin Ichiano ang bahala diyan...

Want your school to be the top-listed School/college in Daet?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


F. Pimentel Avenue , Brgy. 2
Daet
4600