25/12/2025
๐๐ก๐ก๐๐ฆ ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐ก๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ง ๐๐ก ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐๐ฆ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ก
๐ฌ๐๐๐ฅโ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง | ๐๐๐ป๐ฒโ๐๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ฟ
Tumutok tayo sa mga hakbang, inisyatibo, at mga programang sama-sama nating naisakatuparan para sa kapaligiran at ang sintang paaralan ng CNNHS sa nakalipas na anim na buwan. Mula sa mga proyektong pang-kalikasan, environmental awareness drives, volunteer activities, hanggang sa partnerships at collaborative efforts โ bawat gawaing ito ay naging patunay ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit ng kabataang Camhighteรฑo.
Ang taong ito ay hindi lamang tungkol sa mga aktibidad na naisagawa, kundi tungkol sa mga aral na natutunan, ugnayang napatibay, at leadership values na patuloy na hinuhubog sa bawat miyembro. Sa gitna ng hamon at pagbabago, nanatiling matatag ang ating layunin: ang magsilbi bilang tinig at katuwang ng paaralan sa pagsusulong ng makakalikasang pagkilos at responsableng pangangalaga sa kalikasan.
Kasama ang ating mga g**o, partners, at kapwa organisasyon, patuloy nating pinalalawak ang espasyo para sa kabataan upang maging aktibong leader, environmental advocate, at tagapaghatid ng positibong pagbabago sa loob at labas ng paaralan.
Ito ang buod ng ating paglalakbay mula Hunyo hanggang Disyembre โ isang taong puno ng pagkilos, paglilingkod, at pangakong magpapatuloy sa mga susunod pang taon.
At sa nalalabing tatlong buwan ng termino, lalo pa nating bibigyang-sigla ang paaralan sa pamamagitan ng mas marami pang proyekto, inisyatibo, at makabuluhang programa โ sapagkat tunay na ang lakas ng kabataan ay palagiโt laging alay sa kalikasan. Patuloy tayong kikilos, maglilingkod, at magsusulong ng adbokasiya para sa isang mas luntian at mas responsableng komunidad. ๐ฑโจ
๐จโ๏ธ: J.M, Regondola, YES-O President