17/09/2026
🚨 IWAS-DENGUE: LINISIN ANG MGA LUGAR NA POSIBLENG PAMAHAYAN NG LAMOK 🦟
Huwag hintaying dumami ang kaso ng dengue bago kumilos. Panatilihing malinis ang ating tahanan at kapaligiran araw-araw.
✅ Alisin ang naipong tubig sa mga lalagyan, kanal, at iba pang lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
✅ Hinihikayat ang mga LGU na magsagawa ng fumigation o fogging sa mga kanal at iba pang lugar na posibleng pamahayan ng lamok.
✅ Panatilihin ang kalinisan araw-araw, hindi lamang kapag marami ang kaso ng dengue.
Sama-sama nating pigilan ang pagdami ng kaso ng dengue sa ating probinsya.
Paalala mula sa Camarines Norte Provincial Hospital at Pamahalaan ng Provincial Government of Camarines Norte.